Ikinasal na ang gamer at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang fiancé na si Christopher Quimbo ngayong Valentine’s Day, February 14, 2023.
Sa Instagram, ibinahagi ng bridesmaid ni Alodia na si Verniece Enciso ang ilang larawan na kuha mula sa kasal.
View this post on Instagram
Sa isang panayam noong September 2022, sinabi na ni Alodia na Pebrero ngayong taon ang kanilang kasal pero hindi niya sinabi ang araw.
Read: Alodia Gosiengfiao to marry Christopher Quimbo in February 2023
Inanunsiyo ni Alodia ang kanyang blooming love life, kasabay nang pagbahagi niya ng litrato nila ng non-showbiz guy at entrepreneur na si Christopher, noong April 2022.
Kuha iyon sa isang cave sa El Nido, Palawan.
Sa pamamagitan ng hand gesture ay bumuo pa sila ng korteng puso para sa kanilang couple picture.
Ang caption niya ay isang eternity symbol na emoji.
Read: Alodia Gosiengfiao introduces new boyfriend
Sa YouTube naman noong July 2022, in-announce ni Alodia ang good news tungkol sa marriage proposal sa kanya ng nobyo.
Sabi niya sa caption ng video: “For some, it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found.”
Sa winery ng pamilya ni Christopher isinagawa ang proposal.
Ayon kay Alodia, “Naging suspicious na ako kasi bakit ang daming flowers. Okay, maganda itong pang-Instagram and what-not.
“And then nagkaroon na ng candles and a little parang set-up na doon sa middle. Ah, okay, parang there's something happening.”
Hindi nagtagal, lumuhod si Christopher at inilabas ang engagement ring sabay tanong kay Alodia ng: “Will you marry me?”
“Of course!” ang walang gatol na sagot ni Alodia.
Read: Alodia Gosiengfiao engaged to boyfriend Christopher Quimbo: "May forever!"
