Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng mga Puso, tuluyan nang kinumpirma nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng magkahiwalay na Instagram posts.
Ngayong martes, February 14, 2023, ipinost ni AJ sa Instagram ang larawan nila ni Aljur kuha sa tabing-dagat.
Makikita sa larawan na tila sumasayaw ang sexy actress habang hawak ng aktor ang kanyang kamay.
Mababasa sa caption ni AJ (published as is): "I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally."
Agad naman itong ni-replay-an ng red heart emoji ni Aljur.
Ilang minuto lamang ang nakalipas, nag-post din si Aljur sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni AJ.
Wala itong caption, ngunit sa larawan ay halatang masaya si AJ habang nakaakbay sa kanya ang aktor.
AJ AND ALJUR RELATIONSHIP
Matagal ding pinag-usapan kung ano nga ba ang totoong estado ng relasyon nina AJ at Aljur, matapos mahiwalay ng aktor sa kanyang estranged wife na si Kylie Padilla noong April 2021.
Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party
Maraming netizens ang inuugnay si AJ sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.
Read: AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa matinding bashing
Noong huling bahagi ng September 2021, unang napansin ng netizens ang espesyal na ugnayan nina AJ at Aljur, matapos isiwalat sa publiko ng controversial social media personality na si Xian Gaxa ang tungkol sa umano'y "pasabog" niya tungkol sa Viva sexy actress.
Read: AJ Raval laughs off rumor linking her to Aljur Abrenica
Pero noong October 5, 2021, kinumpirma ni AJ sa PEP Live na nanliligaw sa kanya si Aljur, at kasalukuyang nasa "getting-to-know" stage sila.
Read: AJ Raval reveals real score with Aljur Abrenica: "We care for each other."
Hanggang sa naispatan silang magka-holding hands habang namimili sa isang mall noong October 6, 2021. Naungkat din nooon ang naging pagbisita ni Aljur sa bahay ni AJ sa Pampanga.
Read: "Getting-to-know stage?"—AJ Raval, Aljur Abrenica spotted HHWW at a mall
October 15, 2021, mariing pinabulaanan ni AJ na siya ang third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.
Read: AJ Raval denies being the third party in Ajlur Abrenica-Kylie Padilla breakup
February 14, 2022, namataan silang magkasama sa isang event na ginanap sa isang resort sa Tanauan, Leyte.
Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spend Valentine's together at a hotel in Leyte
February 20, 2022, inulan ng batikos si AJ nang mag-post siya ng beach video nila ni Aljur, at ni-like iyon ni Kylie.
Read: AJ Raval answers bashers telling her "maghubad ka na lang"; reacts to "Kylie is the legal wife" post
Hanggang sa mapabalitang nagdadalantao umano si AJ at ang itinuturong ama ay si Aljur. Mariin itong itinanggi ni AJ.
Read: AJ Raval makes first public appearance amid pregnancy rumor
Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) mismong ang ama na ni AJ na si Jeric Raval ang nagkumpirmang "nagmamahalan" ang kanyang anak at si Aljur.
Read: Jeric Raval confirms AJ-Aljur relationship: "Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan."
Pero itinanggi ng action star na nabuntis at nangangak si AJ.
Read: Jeric Raval, diretsahang itinangging nabuntis at nanganak ang anak na si AJ Raval
