Kinagigiliwan ngayon sa social media ang post ng isang netizen kahapon, February 13, 2023 tungkol sa lumang larawan niya kasama ang Kapamilya hearthhrob na si Joshua Garcia.
Makikita sa larawan na totoy na totoy pa noon ang sikat na aktor na ngayong si Joshua.
Caption ng uploader na si Reina Carisse Forteza-Abrigonda: “Kung alam ko lang na sisikat ka, sana pala sumagala na tayo simula Batangas City hanggang Mabini. [laughing emoji]”
Sa panayam kay Reina ng Pilipino Star Ngayon Digital, sinabi niyang kuha ang larawan sa fiesta ng San Roque, Bauan, Batangas, taong 2012.
Mga 14 taong gulang pa lamang daw noon ang aktor.
Si Joshua ay lumaki sa Bauan, Batangas at nag-aral sa Bauan East Central School.
Read: Joshua Garcia: Shining as a solo star
Lahad pa ni Reina, "Honestly, di ko po tlaga siya kilala that time and wala naman po dapat ako escort nung sagala.
“And then may nagtanong lang po sa mother ko na kung okay lang daw po ba na may escort ako, pumayag naman po mother ko.
"Hindi ko lang in-expect na ang pogi ng escort. Mas napansin pa talaga si Joshua Garcia kaysa sa akin nung naglalakad kami."
Ngayon, graduate na ng kursong Bachelor of Science in Industrial Engineering sa Batangas State University si Reina samantalang sikat na sa mundo ng showbiz ang 25-year-old Kapamilya actor.
May 181,000 reactions na ang post niya at 46 thousand shares.
Ayon naman sa ilang netizens, mabenta noon si Joshua sa mga sagala. Pero iisa lamang daw ang gamit nitong coat.

Pumasok si Joshua sa mundo ng showbiz noong taong 2014 sa pamamagitan ng Pinoy Big Brother: All In.
Siya ay 16 taong gulang noon.
