#NakakapekengAIAngDeepFake
“Deepfake AI tech is becoming so good it's scary.”
Ganito inilarawan ng upworthy.com website ang report nito noong January 5, 2023 tungkol sa deepfake videos ng Hollywood actor na si Keanu Reeves.
Tampok sa TikTok account na "@unreal_keanu" ang viral deepfake videos ni Keanu na ang isang entry ay umabot pa ng 55M views. Mayroong 8.7M followers ang account.
Convincing ang Keanu Reeves deepfake videos, pero hindi naman talaga ito ang Hollywood actor.
Nakasaad sa TikTok bio na "parody" ang account, pero base sa comments ay tila marami sa netizens ang paniwalang-paniwala na si Keanu iyon.

Deepfake ni Keanu Reeves na ikinabahala ng kanyang fans dahil ang asta nito sa video ay animo'y hindi inaasal ng aktor.
“Scary” rin ang paglalarawan ng isang content creator nang itampok niya sa isang video ang viral TikTok account na "@deeptomcruise" na may 5.2 million followers, 18 million likes, at milyun-milyon ang views ng karamihan sa videos nito.
Ang content ni @deeptomcruise ay videos ng bata at guwapong “Tom Cruise,” ang Hollywood superstar na ngayon ay 60 anyos na.
Ang account na ito ay isang parody lamang sa American actor. Ibig sabihin, hindi ito ang totoong Tom Cruise.
Pero kahit ang international pop singer na si Justin Bieber ay naloko at inakalang ito ang tunay na Tom Cruise.
Paano nangyaring gayang-gaya sa TikTok ang mga mukha nina Tom Cruise at Keanu Reaves?
DEEPFAKES ARE VIDEoS OF THINGS THAT NEVER HAPPENED
Ang fabricated videos na mga ito ay tinatawag na “deepfake,” hango sa pinagsamang mga salitang "deep learning" at "fake."
Nagagawa ang deepfake gamit ang "deep learning," isang uri ng artificial intelligence (AI) technology para makabuo ng pekeng computer-generated videos.
Sa madaling salita, ang deepfake ay “videos of things that never happened.”
Ito ang ginawa ni Miles Fisher, ang impersonator ni Tom Cruise sa likod ng @deeptomcruise TikTok account.
Kinuha ni Miles ang serbisyo ni Chris Ume, isang Belgian special effects expert noong 2017.
Napabata ni Ume ang hitsura ni Tom Cruise sa deepfake videos gamit ang computer generated images (CGI) at visual special effects (VFX).
Laging viral ang videos ni Miles dahil kuhang-kuha ang hitsura at boses ni Tom Cruise sa kanyang deepfake videos.

Si Miles Fisher (left), impersonator ni Tom Cruise (right), ay ginagawang kamukha ng Hollywood superstar sa TikTok vidoes gamit ang CGI at VFX. Ang nasa likod ng pagmanipula ng videos ay ang Belgian special effects expert na si Chris Ume. Mapapanood ang video kung paano ito ginagawa ni Ume sa kanyang YouTube acount.
Madalas na rin nating makita ang special effects na ito sa Hollywood movies, kung saan nagagawang pabatain ang hitsura ng mga kilalang actors na may edad na.
Halimbawa ay si Will Smith para sa Gemini Man (2019) at si Harrison Ford sa Indiana Jones and the Dial of Destiny (2023).
"POTENTIAL HARMS OF DEEPFAKE"
Nakakamangha, pero totoong “scary” rin ang deepfake technology.
Nakakaalarma ang impact ng deepfake kapag ginamit ito sa pagpalaganap ng fake news at disinformation.
Seryoso ang “potential harms” na maidudulot ng deepfake, hindi lang sa isang tao na magagawan ng deepfake nang walang pahintulot at labag sa kagustuhan nito.
May potential harm din itong maaaring makaapekto sa takbo ng lipunan sa local at global landscape.
Hindi lang kasi mukha ng mga aktor, kundi pati world leaders, ang ginagamit sa deepfake videos para maglabas ng impormasyong hindi naman talaga galing sa kanila.
Ang deepfakes “can potentially distort democratic discourse; manipulate elections; erode trust in institutions; jeopardize public safety and national security; damage reputations; and undermine journalism.”
Ayon ito sa 2018 California Law Review paper ng legal scholars na sina Bobby Chesney at Danielle Citron, ulat ng CBS News noong July 2022.
DEEPFAKE videos USED IN POLITICAL MOTIVES
Ganito rin ang sentimyento ng ilang international major news sites—tulad ng CNN at New York Times—tungkol sa deepfake.
Sa katunayan, tampok ang isyu sa ulat ni American news anchor Anderson Cooper sa CNN's Anderson Cooper 360° nitong February 12, 2023.
Tinalakay rito ang pekeng newscast na ginamitan ng AI-generated newscasters na nag-uulat ng paninira sa U.S.
Inilarawan sa report na kapansin-pansing peke ang newscasters dahil sa kanilang “uncanny” movements sa harap ng camera.
Kung susuriing maigi, hindi rin tumutugma ang buka ng bibig ng anchors sa kanilang sinasabi.
Deepfakes ang AI-generated newscasters na hindi totoong tao.
"Interestingly, the content of what they’re saying is distinctly aligned with Chinese messaging," ulat ni CNN news anchor Anderson Cooper.

Ang deepfake anchors gamit ang Artificial Intelligence o AI. Bagamat mukhang totoo ang mga ito ay computer generated.
Ayon pa sa report, “politically-motivated-influence operation” laban sa U.S. ang iniuulat ng deepfake anchors na ito.
Napag-alamang pro-Chinese bot accounts ang nagpakalat ng deepfake videos na ito sa social media, tulad ng Facebook at Twitter.
Sa pananaliksik ng intelligence ng Graphika, isang kilalang social media analytics sa U.S., napag-alamang ang nasa likod ng videos na ito ay tinawag na “Spamouflage” operation.
Anila, ang Spamouflage, na sinusubaybayan nila mula pa noong 2019, “routinely amplifies narratives aligned with Beijing strategic interests.”
Sa pananaliksik din ng Graphika, nakita nilang karamihan sa videos ng Spamouflage “portrayed the U.S. in a negative light.”
Isinusulong din ng operation ang political agenda ng China at idinidiin ang “shortcomings” ng U.S.
Sa report ng U.S. National Security ukol sa AI, sinabi nitong “AI is deepening the threat posed by cyber attacks and disinformation campaigns…”
Ipinakita rin sa CNN report na kahit sino ay makakagawa ng sariling deepfakes gamit ang available AI websites na gumagawa ng computer-generated videos.
Gagawan lamang ng script na siyang bibigkasin ng computer-generated avatars.
PROMINENT PEOPLE VICTIMS OF DEEPFAKE
Mabilis nang kumakalat ang deepfakes at hindi na lamang actors ang nakokopya nila for entertainment.
Maging si former U.S. President Donald Trump ay ginawan ng deepfake, ayon pa rin sa CNN report.
Nagsalita ang deepfake Trump ng Mandarin matapos itong manipulahin ng iFlytek, isang Chinese tech firm noong 2017.
Ipinalabas ng iFlytek ang deepfake video ni Trump sa launch ng tech firm para ipagmalaki ang kayang gawin ng kanilang kumpanya.
Nakagawa rin ang Chinese state media ng grupo ng AI news anchors bilang “new technology that can mass-produce shows with these fake anchors that work 24/7."
May kumalat ding video na ginamitan ng deepfake ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na lumabas noong March 2022.
Sa deepfake video, nanawagan si “Zelensky” sa kanyang kapwa Ukrainians na sumuko na sa Russia.

Ang isang video ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, minanipula at binago ang konteksto ng kanyang sinabi. Sa manipulated video, tila nanawagan ang lider sa mga kababayan niyang sumuko sa giyera sa Russia. Ginagamit ang deepfake sa pagpapakalat ng disinformation.
Pati ang Facebook founder na si Mark Zuckerberg ay nabiktima rin ng deepfake video noong 2019.
Sinabi niya sa pekeng video, “Imagine this for a second: One man, with total control of billions of people’s stolen data, all their secrets, their lives, their futures.”
THE NEED TO STAY VIGILANT AGAINST DEEPFAKES
Nagbabala ang AI experts sa publiko na maging mapagmatyag para hindi mapaniwala ng fabricated news online o tinatawag din nilang “synthetic media.”
Hindi kasi biro ang magiging implikasyon kung madaling mapaniwala ang tao sa deepfake videos.
Nakakaalarma ang pagkalat ng deepfakes dahil posible nitong baluktutin ang katotohan kung hindi magiging mapanuri.
“The primary threat of deepfakes stems from people becoming convinced that something fictional really occurred,” ulat ng CBS News noong 2021.
Giit nito, “Deepfakes can distort the truth in another insidious way.
“As manipulated videos pervade the internet, it may become progressively harder to separate fact from fiction.”
Panoorin ang kabuuan ng CNN report ukol sa malaking banta ng deepfake:
