PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa to Willie: Don't be sensitive Amid Issue

Ruffa to bashers: "Trabaho lang, walang personalan."
by Melba R. Llanera
Published Feb 11, 2023
Ruffa Gutierrez
Ruffa Gutierrez shares her advice to Willie Revillame, who has lately been caught in a word war with some showbiz personalities. The controversy was fueled by rumors alluding to the shaky status of certain TV shows in ALLTV, including Willie's long-running game show Wowowin: Tutok to Win. She says, "Chin up, Kuya Wils! Don't be so sensitive."
PHOTO/S: Jerry Olea

Mainit at sentro ng intriga ngayon si Willie Revillame dahil sa nababalitang pansamantalang pagpapahinto sa pagpapalabas ng mga shows ng Advanced Media Broadcasting System, na kilala rin bilang ALLTV.

Kabilang dito ang ang Toni Talks ni Toni Gonzaga, ang M.O.M.s (Mhies On A Mission) nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto, at ang Wowowin: Tutok To Win ni Willie Revillame.

Bukod sa kabi-kabilang pamba-bash ng maraming netizens kay Willie, nakasamaan din nito ng loob ang ilang showbiz personalities, gaya ng batikang manunulat at broadcaster na si Cristy Fermin, showbiz reporter/vlogger Ogie Diaz at maging si Gab Valenciano, dahil sa pagsasalita diumano ng mga ito laban sa kanya.

Sa nakaraang grand conference ng pelikulang Martyr or Murderer ng Viva Films na ginanap sa Podium, Mandaluyong City nung February 9, naniniwala ang former beauty queen at TV host/actress na si Ruffa Gutierrez na malalagpasan ito ni Willie lalo't alam niyang survivor ito sa dami na rin ng nalagpasang mga pagsubok sa kanyang buhay at showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Ruffa, "You know si Kuya Wils, I think he's like a cat, he has nine lives.

"Nawala na siya, bumalik, nawala, bumalik, he'll never go anywhere.

"I think he'll be fine, I don't think he will suffer a lot."

RUFFA SHARES ADVICE TO WILLIE

May advice din na binigay si Ruffa para sa game show host na gaya niya ay pansamantalang mawawalan ng show sa ALLTV.

Pagpapatuloy niya, "I think ang advice ko lang kay Kuya Wils, enjoy life. He's super successful already, enjoy time with his family, wag nang pansinin yung mga bashers.

"Nandiyan lang yan, importante happy siya sa pamilya niya.

"Sa tingin ko narating na rin niya ang tuktok ng tagumpay and I believe Kuya Wils has a good heart. Yung mga natulungan niya nandiyan lang yan, patuloy siyang pinagdarasal. So chin up, Kuya Wils! Don't be so sensitive."

RUFFA ON RUMORED BOYFRIEND HERBERT BAUTISTA

Matagal nang nababalita ang espesyal na relasyon nila ng dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero inamin naman ni Ruffa na magandang impluwesiya sa kanya ang actor/politician.

Aniya, "Ang pag-aaral, I consider him my mentor and my professor in a way kasi I never thought that I would be able to study. I was able to graduate last year, last September ng college. Sabi niya, 'Kaya mo yan kahit busy ka. Puwede mong tapusin ang Master's mo.' Magandang influence siya sa buhay."

RUFFA SYMPATHIZES WITH TURKEY EARTHQUAKE VICTIMS

May dalawang anak sa dating asawa na si Ylmaz Bektas na isang Turkish citizen. Sa napabalitang 7.8 na lindol na tumama kamakailan sa Turkey at Syria at kumitil ng maraming buhay, nagpahayag ng lungkot at pakikiramay si Ruffa sa mga nasalanta nito.

Pakikidalamhati niya, "Yes, nalungkot talaga, even ako nalungkot talaga and like I've said earlier, I offer my prayers and condolences to those in Turkey, Syria and other places affected, and hopefully makakabangon din sila. Just stay strong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakausap namin si Ylmaz siguro a few hours after the earthquake happened and hinahanap pa niya ang ibang relatives niya. Pagdasal natin sila. Imagine kung nangyari sa atin yun?"

RUFFA GOES IMELDIFIC IN MARTYR OR MURDERER

Gumaganap si Ruffa bilang former First Lady Imelda Romualdez Marcos sa pelikulang Martyr or Murderer na mapapanood na sa darating na March 1.

Sa prescon ng Martyr or Murderer na ginanap noong Pebrero 9 sa Podium, Mandaluyong City, hiningan namin ng reaksyon si Ruffa sa balitang kay Herbert dapat unang ibibigay ang role bilang former Senator Benigno Aquino Jr. na napunta naman sa dating Manila Mayor na si Isko Moreno.

Pahayag niya, "Alam mo, okay na, kasi si Isko na nga, di ba? Hayaan mo na, kay Isko na siya."

Kinuwento rin ni Ruffa kung ano ang mga ginawa niya para ma-imbibe nang husto ang kanyang karakter.

Dagdag niyang kuwento, "I stole the photo of Madame Imelda and myself sa bahay namin sa White Plains, so kasama ko yung litrato na yun sa pagtulog ko, sa pagkain ko, habang nanonood ako ng TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I remember during Maid In Malacañang, sabi ni Direk [Darryl Yap], 'Ruffie, di ka beauty queen, Madame Imelda Marcos ka. Di puwedeng fierce, sweet lang lagi.'

"Para sa akin since mahilig akong rumampa, yun na ang kinasinayan ko, yung mga fierce roles. So, I really have to downplay my expressions bilang Madame Imelda Marcos."

Para kay Ruffa, ang isa sa pinaka-challenging na eksena sa Martyr or Murderer ay ang eksena nila ni Isko Moreno. Ayon sa aktres, nakita niya ang husay at professionalism ng mga kasama habang ginagawa ang pelikula.

Pakli niya, "Sa tingin ko, ang pinaka-challenging na eksena dito is yung eksena namin ni Isko.

"First time naming magkasama ni Isko sa isang pelikula.

"Talagang limang pages yata yun, limang pages na tuhog. Para sa akin, yun ang pinaka-challenging kasi very important scene yun sa pelikula.

"Very important scene yun sa pelikulang ito. In terms sa mga kasamahan ko dito, lahat sila mahuhusay, when we're in the set, we really work hard and we do our job as an actors."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli ay may mensahe din si Ruffa sa mga namba-bash sa kanila mula pa noong Maid in Malacañang at ngayon pa rin sa Martyr or Murderer.

Diin niya, "Sa mga bashers, gusto kong sabihin sa kanila na trabaho lang ito, walang personalan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez shares her advice to Willie Revillame, who has lately been caught in a word war with some showbiz personalities. The controversy was fueled by rumors alluding to the shaky status of certain TV shows in ALLTV, including Willie's long-running game show Wowowin: Tutok to Win. She says, "Chin up, Kuya Wils! Don't be so sensitive."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results