PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Alajar on Kapuso talent who shows much progress in acting

Gina Alajar recalls her prima donna days.
by Jerry Olea
Published Feb 10, 2023
gina alajar pieta presscon
Gina Alajar on her prima donna days: “The only consolation is… oopps! I was a prima donna once but after that, hindi ba, you get to realize na hindi naman pala kailangan yun, di ba? Mas mabuti na lang na kalmado na lang sana.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Mahigit limang dekada na sa showbiz si Direk Gina Alajar. Nag-umpisa siya bilang child actress noong late 1960s.

Bilang direktor o co-star, how does she deal kung ang katrabaho niya ay hindi attitude pero hindi mahusay? Kumbaga, makisig o maganda pero kapos sa acting ability.

“Pag artista ako and hindi masyadong ano, or kinakabahan yung tao, I try to help,” lahad ni Direk Gina sa storycon ng pelikulang Pieta noong Pebrero 4, 2023, Sabado ng hapon, sa Victorino’s restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“I try to help. Help him relax, or ganito, tuturuan ko na, ‘O, eto…’ Yung mga ganyan. Siyempre kasi, kailangan ko siyang tulungan dahil kaming dalawa yung nasa eksena.

“Kung hindi siya magiging relaxed, paulit-ulit lang naming gagawin yung eksena, hindi ba?

“Ahhh kung ako naman yung direktor, I try as much as possible to relax him also and lessen the responsibility. Lessen kung ano yung hinihingi ko. Yung expectations ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi makikita mo naman kung hindi kaya, e. Kung hindi kaya, babaguhin ko nang konti, yung hanggang sa abot lang ng makakaya niya.

“Pero kung nakikita ko naman na kaya niya pa, may ibubuga pa siya, then I will push. Kung willing to learn.”

VINCE CRISOSTOMO

Meron na bang nangyaring ganun, na noong una niyang makatrabaho ay bano pero later on ay nakita niyang may improvement?

Napatango si Direk Gina, “Oo, marami silang ganyan. Marami silang ganyan. There are only a few na umpisa na marunong na, na nakakaarte na.

“But most of them, hindi naman. But the improvement is big. If you would ask me sino, I would say offhand… like si Vince Crisostomo.

“You know, when we got him for Prima Donnas, halos you know… halos hindi siya marunong, yung ganun.

“And he was conscious about his teeth, yung ganyan. Kasi sungki-sungki ang ngipin niyan, so nagpa-braces siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then he started improving himself. He started showing na gusto niyang matuto you know.

“And look at him now. I saw him in that soap na bida si Miguel Tanfelix, What We Could Be, and pinapanood ko siya, ‘Oh! Oh! Talaga?!’"

Patuloy ni Direk Gina, “Pag nakikita kong ganoon, proud ako sa mga batang yun. And… yeah, siya na lang muna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Natutuwa ako nun. Natutuwa ako na nagkakaroon sila ng improvement dahil gusto nilang matuto.

“Yan, sina Bruce Roeland, yung mga ganyan. Yan yung mga bata na seryoso sa kanilang craft and they want to learn.”

WORKING WITH A NATIONAL ARTIST

Limang pelikula na ang pinagsamahan nina Gina at Nora AunorMy Little Brown Girl (1972), Condemned (1984), Bulaklak ng City Jail (1984), Tatlong Ina, Isang Anak (1987), at Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (1990).

Naidirek ni Gina si Nora sa Kapuso drama series na Onanay (Agosto 2018-Marso 2019). Kaya ang pagiging co-stars nila sa pelikulang Pieta na ididirek ni Adolf Alix Jr. ay ikapitong pagsasama na nila sa trabaho.

Read: Gina Alajar attests to National Artist Nora Aunor's brilliance, humility as an actress

nora aunor gina alajar pieta presscon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang natutunan ni Gina sa National Artist na si Nora?

“Humility ni Guy. Alam mo, kahit Superstar siya — this is true, ha — as I’ve observed, huwag na lang yung Little Brown Girl, OK,” pagbaling ni Gina kay Nora na katabi niya sa mediacon.

“Kasi sa Little Brown Girl, yun pa yung ano, Mare… yung matagal akong naghintay sa shooting.”

“Talaga?” sambit ni Ate Guy.

Pagpapatuloy ni Gina, “Oo, kasi nag-aaway kayo ni Pip [Tirso Cruz III] noon, ayaw mong mag-shooting hangga’t hindi kayo nagkakabati.”

Nag-agree si Ate Guy, “Oo nga, ano?”

Sabi pa ni Gina, “Kaya huwag na yun. Kalimutan na natin yun. Huwag na nating banggitin.

"So… throughout these years, ang nakita ko sa kanya, yung humility niya.

“Dahil kahit na Superstar na Superstar na siya, hindi mo makikita sa kanya yung ere. She’s still… yung simple.

“Simple, dadating siya sa set, she would you know, she would greet everyone. And walang… walang diva. Walang diva effect na you know, ‘I’m Nora Aunor, you should like this and like that, yung ganito, ganyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung meron man siyang gustong sabihin, kung meron man siyang hindi gusto sa nangyayari sa paligid, she will talk to you. Kayo lang, one-on-one.

“Hindi siya yung tao na… highly dramatic. Highly dramatic na, ‘I’m like this! Ganyan-ganyan! I deserve to be like this! Ganito, ganyan, ganyan.’ She’s not like that.

“She’s a very humble person. Ahhmm… yung humility na yun, bihirang makita sa isang taong napakarami nang achievements, na maaari naman na magkaroon na talaga siya ng entitlement.

“Pero wala kang makikitang ganun sa kanya. Wala kang makikitang entitlement sa kanya.

“So you know, if I have that virtue, if I have that humility, then I can say na… ‘Nora Aunor na ako.’ But sorry, wala akong ganung humility kaya yun ang natututunan ko sa kanya.

“Yun ang natutunan ko sa kanya, at matututunan pa rin sa kanya, ang pagiging humble.”

Read: Nora Aunor, natakot nang sigawan ni Gina Alajar ang kaeksena niyang young star

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRIMA DONNA DAYS

Naging pasaway rin ba si Gina noong araw? Naranasan ng veteran stars noon na nag-attitude siya?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman. I think… oo naman.

"Alam mo yung sinasabi ko ngang entitlement, hindi ba? Akala mo, nakailang box office [hit] ka lang, sikat ka na and you’re entitled na mag-prima donna ka na and, you know.

“And because, ‘O, ako yan,’ andami mo nang puwedeng gawin, akala mo lang sa sarili mo, andami mong puwedeng gawin.

“And then you realize later on na hindi pala dapat, di ba? Kasi yung kasikatan, nawawala yun. Dadating naman yung panahon na you can’t do that anymore. Kasi hindi ka na puwedeng mag-prima donna.

“Kasi pag nag-prima donna ka, papalitan ka nila. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ito ba yung Regal days niya sa Diborsyada (1979) at Playgirl (1981)?

“Ah hindi, hindi. Nag-uumpisa pa lang ako niyan, e. Kasi, nilu-launch pa lang ako niyan, e. Yung mga sumunod na pelikula na niyan,” paglilinaw ni Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, most to fit, yung idinirek ni Gil Portes. Kasi kami ni Gil Portes, we had this love-hate relationship. Love-hate relationship sa amin ni Direk.

“So, merong mga ano na, ‘Ayokong gawin yang eksenang yan! Kasi hindi ba, hindi mo naman sinabi sa akin na dapat ganyan! Di mo sinabi sa akin na may kissing scene! Di mo sinabi sa akin na may bed scene!’ Yung ganito, ganyan.

“Siyempre sasabihin naman niya, ‘E, kasi dinagdag! Da-da-da-da ganyan-ganyan!’ ‘E pero hindi mo naman puwedeng hindi gawin, di ba?! Da-da-da-da-da!’ Ending, gagawin ko rin naman.

“And then some other time, ‘Ang tagal-tagal kong naghihintay dito sa set! Umalis na ako!’ ‘Bumalik ka naman dito…’ ‘Hindi! Ayoko nang bumalik! May menstruation na ako!’

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Sige na, please! Sige na, please!’ ‘Unahin mo ako! Unahin mo ako!’ Yung ganun, may ganun.

“So I mean, kasi ako ang bida dun, di ba? So parang feeling ko, di ba? ‘Bida naman ako diyan, e, puwede kong gawin kung ano ang gusto kong gawin.’ Di ba? But you know, as you get older, you get to think na hindi pala dapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The only consolation is… oopps! I was a prima donna once but after that, hindi ba, you get to realize na hindi naman pala kailangan yun, di ba?

“Mas mabuti na lang na kalmado na lang sana.”

Idinirek ng yumaong si Gil Portes si Gina Alajar sa mga pelikulang High School Scandal (1981), Pusong Uhaw (1982), Gabi Kung Sumikat Ang Araw (1983), Bukas… May Pangarap (1984), Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (1990), Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso (1996), at Mga Munting Tinig (2002).

SEXY/BOLD MOVIES

Kabilang sa “sexy” or “bold” movies ni Gina ang Diborsyada (1979) ni Direk Elwood Perez, Manila By Night aka City After Dark (1980) ni Direk Ishmael Bernal, Brutal (1980) ni Marilou Diaz-Abaya, Caught in the Act (1981) at Kontrobersyal (1981) ni Lino Brocka, Salome (1981) ni Direk Laurice Guillen, Playgirl (1981) ni Direk Mel Chionglo, at Wild (1981) ni Direk Danilo Cabrera.

Alin sa mga ito ang paborito niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salome comes, of course, number one,” saad ni Direk Gina.

“Hindi ba kasi… of course, Diborsyada siguro oo, number one yung Diborsyada because it was my launching movie, di ba?

“Alam mo, magaganda kasi yung ginawa kong movies, yung Playgirl, maganda. Tapos recently may nagpadala sa akin ng clip, yung Caught in the Act, ganyan.

Salome is good. Kontrobersyal is good. Ahhm, the rest, ano pa yung iba? Ahh, Manila By Night. Manila By Night! Hindi naman ako…

“Wala akong ikinahiya. Brutal, Brutal ganyan. Wala, parang during the time, wala yung sexy ano na yun is, sexiness, bold, dahil the story is bold. Yung ganyan.

“Hindi siya bold na isiningit para maging bold, di ba? It comes with the story?”

Boldest niya sa skin iyong Brutal?

Brutal ba, hindi ba Salome? Brutal… yeah. Brutal, siguro.”

Pawang National Artists ang mga direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Marilou Diaz-Abaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UPSTAGED NORA?

Best actress si Nora, at best supporting actress si Gina sa MMFF 1990 pati sa FAP Awards para sa sa pelikulang Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (1990).

Nanalo ring best actress si Nora for that film sa FAMAS at Gawad Urian. Pero may mga nagsasabing na-upstage ni Gina si Nora sa nasabing pelikula.

“Well, meron nga, pero I didn’t mean to. I didn’t mean to. Nagulat lang siguro ang mga tao,” pagmamatuwid ni Gina.

“Ako din, nagulat lang din ako, bakit ko ginawa yun. I mean, I didn’t know that it would create such an impact. Umupo lang naman ako out of frustration.

“Pero siguro, siguro sa haba ng eksenang yun, siguro yung audience, ang feeling din, sa lahat ng pinagsasabi ni Guy na heh-heh-heh-heh, pinagmumura niya ako and ganyan, ganyan, ganyan… hindi ba, wala akong nasagot?

“Nung um-exit siya, siguro ang reaction talaga ng everyone, ‘Haaahhh…’ Nanlambot ka, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I think yun yung emotion nung audience kaya nagswak lang kami.”

AUTOBIOGRAPHY

Isasalibro ang life story ni Nora. Ayon kay Direk Adolf, tatlo o apat na libro iyon.

Gusto rin ba ni Gina na gawing libro ang kuwento ng kanyang buhay?

“Rito Asilo has been my friend for a long time, and he was the one na nag-eengganyo sa akin to write a memoir,” salaysay ni Gina.

“But hindi ko pa siya iniisip or hindi ko pa siya kino-consider. Because why? Marami pang taong puwede mong saktan.”

Kailangan bang ipagpaalam pa niya?

“Sa palagay ko, hindi naman, hindi ba? Kaya lang… kaya lang… because that’s my story, hindi ba?” pagbuntong-hininga ni Gina.

“Kaya lang, kung makakasakit naman sa ibang tao, lalo na sa pamilya ko, sa mga anak ko… sabi niya, no holds barred e, sabi ni Guy.

“Pag no holds barred na ganun, nakakatakot. Kasi you will pour your heart out, hindi ba? So… ahhh… marami pa sigurong hindi ako naikukuwento or nasasabi sa mga anak ko, sa mga tunay na pangyayari sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Why? Because siguro I would just want it to remain that way, you know. Para wala nang ano, wala nang isyu. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Wala nang isyu!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Alajar on her prima donna days: “The only consolation is… oopps! I was a prima donna once but after that, hindi ba, you get to realize na hindi naman pala kailangan yun, di ba? Mas mabuti na lang na kalmado na lang sana.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results