PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roselle Nava on Gigi de Lana's Viral Cover

Roselle on Gigi: "Uy, ang ganda naman ng boses ng batang ito."
by Noel Orsal
Published Feb 14, 2023
Roselle Nava on Gigi de Lana
Roselle Nava on Gigi de Lana's (inset) viral cover song of Bakit Nga Ba Mahal Kita?: "Okay naman sa akin na ni re-revive yung song ko, 'no. Actually, I'm really quite flattered, there are so many singers na gumagawa ng sarili nilang version nung 'Bakit Nga Ba Mahal Kita?' Di ba, mas naa-appreciate siya, hindi lang nung generation namin but yung mga bagong generation ngayon.”
PHOTO/S: Noel Orsal / TikTok

Aprubado kay Roselle Nava ang rendition ni Gigi de Lana ng sikat na OPM song na "Bakit Nga Ba Mahal Kita?"

Si Roselle ang unang nagpasikat ng "Bakit Nga Ba Mahal Kita," na ni-record niya noong 1995. Ang namayapang composer na si Larry Hermoso ang sumulat ng kanta.

Muling nabuhay ang kanta nang mag-viral ito bilang TikTok challenge dahil sa rendition ni Gigi, na dating contestant ng "Tawag Ng Tanghalan" ng It's Showtime.

Aware si Roselle tungkol dito.

"Nagsimula siya sa isang joke, I believe sa isang challenge. Oo! Parang paakyat nang paakyat [yung pagbirit ni Gigi] kasi talagang sobrang hirap awitin talaga ng 'Bakit Nga Ba Mahal Kita?'

"Tagos na sa puso, masakit pa sa lalamunan," napapangiting sabi ni Roselle.

Dagdag niya, “But yun yung song, 'no. It really invokes yung pain na nararamdaman nung tao.

“Pero, di ba, nakakatuwa, talagang ang haba-haba nung buhay nung kantang 'Bakit Nga Ba Mahal Kita?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng press si Roselle sa rehearsal ng All Hearts concert sa Studio 88 sa Panay Avenue, Quezon City, noong February 9, 2022.

Posible kayang magkaroon sila ng collab ni Gigi?

Sagot ni Roselle, "Ako rin gusto ko siyang makasama, kaya lang wala pang chance to perform with her.

"But I'm really looking forward to performing with her very, very soon. Hi, Gigi!"

Hanga si Roselle kay Gigi bilang performer.

"Alam mo si Gigi, magaling talaga siyang singer din, 'no? Even before she sang my song, napanood ko na siya, sa mga Wish [video], ganun.

"Nung narinig ko siya, 'Uy, ang ganda naman ng boses nitong batang ito.' Siyempre bata kasi she's much younger than I am.

"But I am also happy that she decided to do a version of my song."

Wala raw problema kay Roselle na maraming singers ang gumagawa ng cover ng kantang pinasikat niya.

"Okay naman sa akin na ni re-revive yung song ko, 'no. Actually, I'm really quite flattered, there are so many singers na gumagawa ng sarili nilang version nung 'Bakit Nga Ba Mahal Kita?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, kasi, parang yung song mas humahaba yung buhay niya. Di ba, mas naa-appreciate siya, hindi lang nung generation namin but yung mga bagong generation ngayon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roselle Nava on Gigi de Lana's (inset) viral cover song of Bakit Nga Ba Mahal Kita?: "Okay naman sa akin na ni re-revive yung song ko, 'no. Actually, I'm really quite flattered, there are so many singers na gumagawa ng sarili nilang version nung 'Bakit Nga Ba Mahal Kita?' Di ba, mas naa-appreciate siya, hindi lang nung generation namin but yung mga bagong generation ngayon.”
PHOTO/S: Noel Orsal / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results