Unti-unti nang nagiging bukas sa publiko ang rumored couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Ito'y matapos kumpirmahin ni Carlo na "dating" ang relationship status nila ng aktres.
Sa Instagram nitong Miyerkules, February 8, 2023, tampok si Charlie sa Instagram post ni Carlo.
Nag-upload ang aktor ng 49-second video kung saan makikita si Charlie na enjoy na naglalakad sa isang pook pasyalan sa Ginza sa Tokyo, Japan.
Hindi malinaw kung kailan kuha ang video.
Pero nagtungo sa Japan si Carlo para sa shooting ng kanyang kauna-unahang international film na iprinodyus ng Japanese film company na 034 Productions at local film company na High Roads Creatives.
Read: Carlo Aquino begins shooting for international film in Japan
Read: Pinoy director sa Japan na si Donie Ray Ordiales, bilib na bilib kay Carlo Aquino
Mababasa sa caption ni Carlo (published as is), "TokYou have my heart."
Ito ang unang beses na ipinost ni Carlo si Charlie sa kanyang Instagram.
Matatandaang noong December 29, 2022, unang umugong ang usapang may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa matapos mag-post si Charlie ng sweet photo nila ni Carlo, kasama ang ilang non-showbiz friends, nang nagdaos sila ng isang holiday dinner.
Makikita sa mga larawan na magkatabi sina Charlie at Carlo.
Naka-dekuwatro si Charlie habang ang kamay ng aktor ay nakahawak sa hita ng aktres.
Bahagyang nakahawak naman si Charlie sa braso ni Carlo.
Sabi ng Kapamilya actress sa caption, “Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother [heart emoji]”
Read: Is Charlie Dizon in relationship with Carlo Aquino?
Naulit pa ito nang kumalat sa social media ang litrato nilang magkasama habang nagbabakasyon sa La Union.
Read: Carlo Aquino, Charlie Dizon spotted together anew
CARLO AQUINO CONFIRMS DATING CHARLIE DIZON
Noong January 6, 2023, tuluyan nang inamin ni Carlo na nasa dating stage sila ni Charlie.
Nangyari ito nang makapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang award-winning actor pagkatapos ng presscon para sa partnership ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at MavX Productions, isang independent film company.
Aniya, totoong kinikilala niya si Charlie nang higit sa pagiging kaibigan at co-star sa pelikulang Love On A Budget.
"I'm getting to know more about her," pag-amin ni Carlo.
"Kasi nagkasama rin kami sa U.S. tour for Star Magic. So, nakilala ko siya dun.
"Actually, prior to that, magkasama pa kami sa A Soldier's Heart, so yun.
"Mas naging okay kami sa U.S. until now. Nagkikita-kita kami, lumalabas."
Read: Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon
Naganap ang Star Magic U.S. tour noong August 2022, habang ang A Soldier's Heart ay umere noong January-September 2020.
CARLO-TRINA
Hindi kaila sa publiko na umaani ng batikos si Carlo dahil sa mga isyung may kinalaman sa kanyang personal na buhay.
Isa na rito ang kritisismo sa balitang nagkakahulugan sila ng loob ni Charlie, at ang hiwalay na balita tungkol sa maanghang na patama sa kanya ng dating partner na si Trina Candaza.
Read: Trina Candaza takes a swipe at Carlo Aquino on yearender post
Isang taon nang single si Carlo matapos kumpirmahin ni Trina na hiwalay na sila simula pa noong December 2021.
Sa panayam ni Trina kay Ogie Diaz, sinabi niyang naikubli raw nila ito ng ilang buwan bago tuluyang lumabas sa publiko na hiwalay na nga sila.
Read: Trina Candaza hints at issue with Carlo Aquino involving another woman
Ngunit ayaw raw niyang isapubliko ang dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo dahil baka balang araw ay mapanood ng anak nilang si Mithi ang panayam.
Inamin din ni Trina na siya ang umalis sa tinitirhan nila noon ni Carlo.
Pag-amin pa niya, naging “toxic” din siya noon sa kanilang pagsasama, na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit tumabang ang pagsasama nila ni Carlo.
Saad ni Trina, "I can admit that ang toxic ko that time, but I tried to be positive para sa anak namin."
Hanggang sa dumating na raw sa punto na napagtanto niyang hindi magwo-work ang relasyon nila.
Si Carlo ay may isang anak kay Trina na si Mithi, 2.
Read: Carlo Aquino, Trina Candaza together for daughter Mithi's 2nd birthday
