PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia, Bella Racelis deny relationship

Couple bracelet, is it?
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 10, 2023
Joshua Garcia greets Bella Racelis on her birthday
Joshua Garcia's (left) birthday greeting for rumored girlfriend Bella Racelis (right) features a photo of them wearing the same beaded bracelets which apparently have the word "love" on it.
PHOTO/S: Joshua Garcia/Bella Racelis Instagram

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia at YouTube vlogger na si Bella Racelis.

Kahit itinanggi na noon ni Joshua ang haka-hakang in a relationship na siya.

Noong November 15, 2022, sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz, ibinunyag ni Joshua sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang relationship status.

Tinanong siya noon ni Ogie kung siya ba ay single o double, na agad naman niyang sinagot.

"Single," sagot ni Joshua.

Sundot na tanong ni Ogie, "So, hindi totoo yung ano?"

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagkakaugnay niya kay Bella.

Iwas at natatawang sagot ng aktor, "Huwag na nating pag-usapan yan.

"Basta ako, single ako. Nag-iisa ako... Wala nga akong kasama sa Japan, e."

Nagdiwang ng Halloween si Joshua sa Japan noong buwan ding iyon kasama ang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Robi Domingo, at Maiqui Pineda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joshua Garcia on his relationship status: "Single ako."

Ngunit ngayon, muling nagbigay ng palaisipan sa kanyang mga tagahanga ang litratong ipinost ni Joshua sa Instagram Stories, kalakip ang pagbati sa kaarawan ni Bella.

Nitong Huwebes, February 9, 2023, ipinagdiwang ni Bella ang kanyang ika- 21st birthday.

Sa Instagram Stories ng aktor, makikita ang litrato ng kamay nila ni Bella na may suot na matching beaded bracelet, na may background song na "Those Eyes" ng bandang New West.

Joshua greets Bella Racelis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa simpleng caption ni Joshua na "Happy Birthday @thatsbellayt," kapansin-pansin din ang nakasulat sa kanilang matching bracelets.

Na ayon sa mga mapanuring netizens "love" daw ang nakasulat dito.

Agad din naman itong ibinahagi ni Bella sa kanyang Instagram account.

Joshua greets Bella Racelis

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JOSHUA AND BELLA DATING RUMORS

Hindi ito ang unang pagkakataon na itampok nina Joshua at Bella sa kani-kanilang Instagram account ang isa't isa.

Noong October 7, 2022, ipinost din ni Bella ang mga litrato ni Joshua sa kanyang Instagram stories para batiin ito sa kanyang ika-25 kaarawan.

Read: Vlogger Bella Racelis pens birthday greeting to rumored boyfriend Joshua Garcia

Palaisipan din sa kanilang fans ang madalas na pagpapalitan nila ng komento sa Instagram. Kasunod nito, itinampok ni Joshua si Bella sa kanyang photography Instagram account.

Read: "Tapos na pila"? Joshua Garcia's video of Bella Racelis fuels romance rumor

December 28, 2022, kinuwestiyon din ang halos sabay nilang pag-post ng mga litrato habang nagbabakasyon sila sa Japan.

Read: Netizens ask: Are Joshua Garcia and Bella Racelis in Japan together?

Hinala tuloy ng fans, may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa na ayaw lang nilang ibunyag.

Maliban kasi sa Instagram, naispatan din sila noong magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

October 2, 2022, naman nang muli silang maispatang magka-holding hands habang naglalakad sa isang mall.

Read: Joshua Garcia, Bella Racelis spotted holding hands while walking

December 22, 2022, ay muli silang nakitang magkasamang dumalo sa reunion concert ng bandang Eraserheads.

Si Julia Barretto ang huling nakarelasyon ni Joshua. Taong 2019 nang sila ay maghiwalay matapos ang dalawang taong relasyon.

Read: Julia Barretto on Joshua Garcia’s rumored romance with Bella Racelis: “Good for the both of them.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia's (left) birthday greeting for rumored girlfriend Bella Racelis (right) features a photo of them wearing the same beaded bracelets which apparently have the word "love" on it.
PHOTO/S: Joshua Garcia/Bella Racelis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results