Hindi na kinaya ni Jessy Mendiola ang mga naglipanang fake news tungkol sa anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose “Rosie” Manzano.
Read: Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose
Mula nang isinilang ng aktres si Baby Rosie, hanggang bago ang face reveal nito, maraming balitang lumabas na may diperensiya raw ang hitsura ng sanggol.
Iisa lang ang ipinunto ng mga post sa YouTube: na may bingot o cleft lip/cleft palate umano ang bata.
Sa kanyang Instagram at Facebook pages kagabi, February 8, 2023, humingi na ng tulong si Jessy sa netizens upang i-report ang mga nasabing videos at accounts para matigil na ang pagpapakalat ng kasinungalingan.
Hindi raw kasi tama ito.
Hindi rin daw magandang tingnan na tila minamaliit nila ang mga taong may ganitong kundisyon.
Saad niya, “Please help us take down these videos by clicking the links and report as harassment or child abuse.
“It is NEVER okay to spread FAKE news. It is NEVER ok to spread negativity about having cleft palate/lip. Respetuhin sana natin yung totoong may ganito.
“Maraming salamat po.”
Sa Facebook post niyang ito, may funny reactions mula sa kanyang followers kaya sinita ito kaagad ni Jessy.
Sabi ng aktres, “Sa lahat po ng nagreact ng ‘funny’ emoji. I hope you know that if you find this funny then you are EVIL.”

Mukha namang nagtagumpay si Jessy dahil hindi na makikita sa YouTube ang tatlong accounts na kanyang pina-report.

Nauna nang pinabulaanan noon ni Jessy ang tanong ng isang netizen kung “may something ba" sa hitsura ni Baby Rosie noong nag-half face reveal pa lamang sila sa anak.
Gayundin si Luis sa netizen na tinawag na “pisot” ang panganay na supling.
Read: Luis Manzano’s sarcastic response to basher of his baby
Ipinakita rin sa wakas ng mag-asawa ang buong mukha ni Baby Rosie noong kanyang ika-isang buwan mula nang ito ay ipinanganak.
Read: Luis Manzano and Jessy Mendiola finally reveal Baby Rosie's face
