Naging emosyunal si Joaquin Domagoso nang mausisa kung may tampo ba siya dahil marami sa mga taga-showbiz industry ang hindi sumuporta sa presidential bid ng kanyang amang si former Manila Mayor Isko Moreno noong May 2022 elections.
Ito ay sa kabila ng mula sa showbiz industry ang dating That Entertainment member na si Isko.
Sa sampung kandidato para sa pagiging Pangulo, pumang-apat si Isko na may botong P1.9 million. Malayo ito sa mga botong nakuha ng nanalong si Ferdinand Marcos Jr. (33.1 million) at maging sa pumangalawang si Leni Robredo (14.8 million).
Ang pumangatlo ay si Manny Pacquiao na nakakuha ng 3.6 million votes.
Sa panayam ni Joaquin sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, February 8, 2023, naglabas siya ng saloobin sa hindi pagsuporta ng mga taga-showbiz, maging ng mga itinuturing niya umanong kaibigan, sa kandidatura ng ama.
Read: Joaquin Domagoso clarifies decision not to marry Raffa Castro yet is consensual
Naiiyak na saad ng 21-year-old actor, "Hindi naman sa nasasaktan ako, pero yung mismong friends ko sa showbiz, yun yung hindi ko ma-gets, e.
"Because they know me, they know my dad, I talk about, like, my life with them.
"You know, if you don’t show support to my dad, gets ko rin, pero when you share stuff discrediting my dad, sobrang sakit yun sa akin.
"Kasi ako pa nagpapasaya… you know me whan I talk to you, e. I’m so friendly, I’ll tell you all the nicest things.
"It’s fine, though. I don’t hate anybody about it. Wala akong paki kung binoto ko ‘to, ganun, or support mo. When I see you, I’m still the same JD, best friend pa rin.
"Masakit lang sa akin, masakit lang po."
Nang tanungin ng host na si Boy Abunda kung ano ang natutunan niya mula sa naging karanasan noong nakaraang eleksyon, sinabi ni Joaquin na dapat respetuhin ang opinyon ng bawat isa.
"Ang natuto ko po sa eleksyon is everybody has an opinion, you just have to respect it.
"Kasi sa dulo na lang mag-aaway pa kayo, e. You know, everybody ended up fighting. Yun ang masakit, lahat kayo nag-aaway for people that you don’t know.
"Yun ang masakit kasi people in set, nagkakainan na, kasi yung kulay niyo dito, kulay niyo doon. Paano kami magtatrabaho ng ganito?"
Ang tinutukoy marahil dito ni Joaquin ay ang pagkakahati ng showbiz industry noong nakaraang eleksyon, kung saan marami ang nagtalo at nagkagalit dahil magkakaiba sila ng mga kandidatong sinuportahan.
Dagdag pa ni Joaquin: "I’m just happy that it’s done. Because now that it’s done, everyone is breathing again."
Tinanong din ni Boy si Joaquin kung katulad ng kanyang ama ay may balak din siyang pasukin ang pulitika.
Sagot ng Kapuso young actor, "You know, a lot of people would tell me even I say no now, nag-no rin ang papa ko before.
"And ako, magno-no din ako now kasi kailangan niyo po ng… nakapag-aral ka na, nakapag-decide ka na ito yung gagawin mo.
"Kasi when you’re there and you’re running in politics, and you’re in politics, you really have to do your job.
"I don’t wanna just go to politics dahil lang sikat na yung papa ko, alam ko pasok ako dun kasi may pangalan siya.
"Hindi, tatakbo ako if, Tito Boy, if you ever see me go into politics… promise ko po... mag-aaral po muna ako ng poliitics. I’m gonna study first."
