PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Diaz Responds to Willie Revillame

Ogie Diaz: "Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat."
by Arniel C. Serato
Published Feb 9, 2023
Ogie Diaz criticizes Willie Revillame about panunumbat
Showbiz reporter and vlogger Ogie Diaz (left) throws shade at Willie Revillame (right) over the TV host's panunumbat on live television: "Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya."
PHOTO/S: Courtesy: YouTube

Nagpasaring ang showbiz reporter/talent manager/vlogger na si Ogie Diaz laban kay Willie Revillame.

Si Ogie ang pangalawang lumantad sa tatlong personalidad na sinumbatan ni Willie sa live broadcast ng Wowowin noong February 7, 2023.

Hindi pinangalanan ni Willie ang tatlong personalidad na sinumbatan niya dahil pagkatapos umano niyang tulungan ang mga ito noon ay tinitira siya ngayon, matapos lumabas ang balitang pansamantalang isasara ng ALLTV ang ilang station-produced programs nito.

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Ang unang taong sinumbatan niya ay malapit daw sa kanya na binigyan niya ng condominium unit sa Wil Tower at isang bagong kotse.

Ang pangalawa ay isang reporter na tumakbo raw noon bilang konsehal at binigyan niya ng singkuwenta mil.

Ang pangatlo naman ay isang showbiz personality na tinulungan niya nang magpakasal ito sa Tagaytay at binigyan noon ng trabaho sa Wowowin.

Read: Willie Revillame hits back at celebrity critics: "Binigyan ko kayo ng tulong dati... tinitira niyo pa ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang pumalag sa panunumbat na ito ni Willie ay ang kilalang malapit sa kanya at itinuturing pa niyang “nanay-nanayan” na si Cristy Fermin.

Read: Cristy Fermin slams Willie Revillame's "panunumbat" on live TV; explains condo unit and car from Willie

Ang sumunod naman kay Cristy ay si Ogie Diaz, at inako na siya ang personalidad na binigyan ni Willie ng P50K noon.

Pasaring ni Willie tungkol sa taong hindi niya pinangalanan: “May isa naman, nagmamakaawa raw ako. Nagpapaawa ako. Hindi ako nagpapaawa!

“Nung tatakbo kang konsehal, pumunta ka sa kuwarto ko sa Channel 2. Binigyan kita ng singkuwenta mil [P50,000].

"Natalo ka! Kilala mo kung sino ka! Aminin mo yan!

“Tatlo kayong nagho-host, nagpapatawa ka.

"Baka nalimutan mo, binigyan kita ng P50,000, tatakbo kang konsehal. That was mga year 2000. Natalo ka!

“Yan ang gusto niyo na labanan? Hindi ko ikinukuwento ito pero tinitira niyo ako ngayon!

Ulit ni Willie: “Binigyan kita ng singkuwenta mil, tatakbo kang konsehal. Reporter ka! Sasabihin ko na lahat!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto niyo nang ganitong labanan? Naging mabait ako sa inyo. Wala kayong nadinig sa akin.

"Kung ano ang kailangan niyong tulong, ibinigay ko sa inyo!"

Sa kanyang Facebook account nitong nakaraang February 8, nag-post si Ogie ng kanyang saloobin ukol sa isyu.

Hindi man niya pinangalanan si Willie, malinaw naman sa kanyang post na ito ay tungkol sa panunumbat ng Wowowin TV host.

Saad niya, "’Kayo ang may utang na loob sa akin!’ Sabeeee???!!!!

“Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya.

"Nabunutan na siya ng tinik. Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kanya, kailangan na niyang manumbat.

“In short, sana, na-happy siya sa kanyang ginawa. At nakaginhawa sa kanyang mental health.”

OGIE REVEALS HE DONATED THE CHECK TO KASUSO FOUNDATION

Si Ogie ay naging showbiz reporter ng ABS-CBN noon at bumabandera rin sa ilang comedy shows sa Kapamilya network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Unang bahagi ng taong 2010, namamayagpag pa noon ang Wowowee ni Willie.

Kumandidato si Ogie sa May 2010 elections bilang konsehal sa 3rd District ng Quezon City, pero hindi siya pinalad.

Read: ELECTION WATCH: Showbiz personalities perform well in the May 2010 elections

At sa post ni Ogie sa Facebook, sinabi niyang hiyang-hiya raw siya noong tinanggap niya ang tseke na nagkakahalagang P50K dahil maraming taong nakatingin sa loob ng dressing room ni Willie.

At, ayon sa kanya, hindi niya sinubi ang pera kundi ibinigay sa Kasuso Foundation na kanyang tinutulungan.

Pasaring din ni Ogie: “Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n'yo against you pag nangyari 'yon.

“At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n'yong masumbatan balang-araw.

“Oh, by the way. Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, idiniretso ko din sa Kasuso Foundation. Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko.

“Thank you, ha? Malaking tulong 'yon.”

Sa tanong kung manunumbat din ba siya kay Willie, ang tanging sagot ni Ogie ay hindi niya ito gawain.

Bilang showbiz reporter, may mga nasulat ding artikulo si Ogie noon na nakakatulong kay Willie.

Sabi niya, “Ha? Ako? Kung may isusumbat sa kanya?

“Wala. Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat.

"Pag ginawa mo nang kusang loob at bukal sa puso ang isang bagay, nakakalimutan mo yon as time goes by. Kasi nga, naturalesa mo ang magbigay at maging mabuti sa kapwa.

“Alangan namang isa-isahin ko sa kanya ang pagtatanggol ko sa kanya noon eh ginawa ko naman yon nang kusang loob at deserve naman niyang maipagtanggol.

“Yun ba, tatapatan ko pa ba 'yon ng presyo? Hindi na.”

Pabirong pagtatapos niya, “Kulang ang 50k. Baka abutin yon ng 51k.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, humingi na ng tawad si Willie kay Cristy dahil na-clickbait lamang daw siya.

Read: Willie Revillame apologizes to Cristy Fermin: "Na-clickbait ako."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz reporter and vlogger Ogie Diaz (left) throws shade at Willie Revillame (right) over the TV host's panunumbat on live television: "Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya."
PHOTO/S: Courtesy: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results