Muling iginiit ni Joaquin Domagoso, 21, na hindi niya kailanman itinago na magiging ama na siya bago pa man isilang ng kanyang girlfriend na si Raffa Castro, 21, ang kanilang anak.
Dalawang buwan pagkatapos isilang ni Raffa ang anak nila ni Joaquin na si Scott ay saka lamang lumabas ang balitang isa nang ama ang panganay na anak ni former Manila Mayor Isko Moreno.
Lumabas dito sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong June 27, 2022 ang ulat na kumpirmadong nanganak na si Raffa sa baby nila ni Joaquin.
Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro
Pero kahit lumabas na ito, at kinumpirma na mismo ni Isko at maging si Raffa, natagalan bago magbigay ng pahayag si Joaquin.
Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”
Ngayon ay bukas na si Joaquin na pag-usapan sa mga interview ang relasyon nila ni Raffa at ang pagiging binatang ama niya.
Read: Joaquin Domagoso finally speaks about being young dad
Sa panayam ni Joaquin sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, February 8, 2023, idiniin nitong hindi niya itinago noon na magkakaroon na siya ng baby.
"I told many people. I trusted a lot of people… I wasn’t trying to hide it. I was just hiding it from my fans. But the people who love me, they knew," sabi niya.
Tinanong ni Boy Abunda si Joaquin kung ano ang naging reaksiyon niya nang malamang buntis si Raffa at magkakaanak na sila.
Lahad ni Joaquin, "Una po, hindi ko po siya napi-feel, as in sa akin lang, natutuwa lang po ako talaga. In my mind, I was just so happy I’m gonna be a dad.
"Pero yung pressure na papunta na ako, as in nandun na talaga, it only realized to me, like, eight months or nine months. Grabe, the responsibilities… talagang iiyak na ako."
Inamin ni Joaquin na dumating sa puntong natakot siya.
"Natakot po ako kasi I’m so young and ano mabibigay ko sa anak ko at this age, and ano mangyayari sa career if…" pagtatapat niya.
Kung si Joaquin ay natakot, ang ama naman daw niyang si Isko ay sumayaw pa raw.
"Papa was so supportive about it. He was dancing, sumasayaw si Papa,” sabi ni Joaquin, sabay muwestra ng ginawang pagsasayaw ng ama nang malaman nitong magiging lolo na ito.
"Ako, I was, like, nawala, nawala yung stress ko ‘cause I was scared to my dad, what’s my dad going to say. Baka magalit… magagalit sila."
Natatawang kuwento naman ni Joaquin tungkol sa naging reaksiyon ng kanyang ina na si Dynee Domagoso: “Si Mommy wala siyang masabi.
"The moment she found out, naglilinis na siya, nag-i-scrub na siya ng dishes, nagsasalita na kami ni Papa, nagkukuwentuhan na kami about sa future namin, bigla na lang pumasok si Mommy, ‘Walang magkakasal.’"
Ikinagulat daw ni Joaquin ang reaksiyon ng kanyang mommy.
“Sabi ko, ‘Mommy, bakit, bakit?' ‘Dahil sa yo.’ ‘Ha? Ako ba, ako ba dahilan?’ Dahil sa akin daw, ako raw yung makulit…."
ON NOT GETTING MARRIED YET
Paano ipinaliwanag ni Joaquin kay Raffa na hindi muna sila magpapakasal kahit may baby na sila?
Saad niya, "It’s not that we’re deciding or not deciding, that’s the whole beauty about it, e. The moment that you decide and not decide something, mawawala yung question when I do ask or if I do ask."
Consensual daw ang desisyon nilang huwag muna silang magpakasal.
Paliwanag ni Joaquin, “Because we’re smart, we’re new generation po, and nakakaisip na po kami na parang hindi lang po dahil may anak na po kayo, magpakasal na po kayo.
"You have to really fall in love with each other. You really have to get that marriage there kasi dun talaga mapu-fruit yung anak mo. And you’re not supposed to force it din, e.
"Pero sa amin, it’s not that pinupuntahan na namin yung marriage. Kasi sa amin, papunta na kami dun, kasi yun na po ang buhay ko, e.
"Ako, I want a family. I want a beautiful family."
Binalikan ni Boy ang pahayag ni Joaquin na dapat “in love with each other” sila ni Raffa: "Aren’t you in love?"
Paglilinaw ni Joaquin, “No, we’re in love. What I’m saying is, like, in marriage. I’m talking about marriage, and what marriage really is.”
Sinang-ayunan naman ni Joaquin ang pahayag ni Boy na “pinaghahandaan” ang pagpapakasal.
Aniya, “You just can’t decide, like, I’ll do this tapos magpapakasal na kami bukas.
"Gusto ko yung parang pinaplano pa namin, talagang three years, ina-anniversary ko pa siya, binigay ko ng ring… you get me?
"I don’t wann do it just because may anak na kami kasi kawawa naman si Raffa nun, you know. Kawawa naman sa kanya if all… the reason why na pinakasalan ko siya is dahil may anak lang kami.
"Di ba, dapat nagpapakasal ka kasi mahal mo yung tao?"
Read: Joaquin Domagoso, hindi pa handang pakasalan si Raffa Castro kahit may anak na sila
JOAQUIN'S FEARS
Inamin ni Joaquin na natakot siyang magiging katapusan na ng career niya o maaantala ang pagsikat niya dahil sa paglabas ng balitang isa na siyang binatang ama.
Pahayag niya, "Takot na takot po ako because when my fans see me, parang ito yung ginagawa mong matinee idol or something na siya yung next na bida.
"But for me, I want to do acting, I wanna be an actor. I don’t want to disappoint anybody. When they found out, naramdaman ko po na maraming nag-unfollow sa akin.
"For me, it’s just like I got to breathe a bit because, what then happened afterwards was maraming pumasok, yung mga totoo na tunay fans ko na sinusuporta ako dahil kita nila na mabait na tao talaga ako at gusto ko lang magpatawa ng tao, that’s who I am and that’s I wanna be as an artist."
Sa ngayon daw ay wala nang kinakatakutan si Joaquin at masayang-masaya siya.
"Okay na okay na. I’m happy. The happiest man alive. Every day I wake up may kasama na akong… saya," sambit niya.
Tinanong din ni Boy si Joaquino kung sino si Raffa sa kanyang buhay.
Sagot ni Joaquin, "My longtime best friend. We’ve been friends for almost, this year counting six [years] na.
"I know her ex-boyfriends, she knows my ex-girlfriends. That’s how close we are."
Is she “the one”?
"She is the one," mabilis na sagot ni Joaquin.
