PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristy slams Willie on live TV

"Ang akin lamang po ay ganito, bago magsalita, huwag maging pigsa."
by Arniel C. Serato
Published Feb 8, 2023
Cristy Fermin unleashes a mouthful against Willie Revillame over "utang na loob"
Veteran showbiz columnist Cristy Fermin (above photo) unleashes a mouthful against her "anak-anakan" Willie Revillame (inset): "Nakakasakit po ng damdamin. Sinabi ko raw na mayabang siya. Walang utang na loob? Anong dapat kong tanawing utang na loob sa yo Willie Revillame? Magbilangan tayo. Magbilangan tayo ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: One PH on YouTube

Kasunod ng paglitanya ni Willie Revillame tungkol sa ilang personalidad na nabahaginan niya ng blessing, isang matapang na Cristy Fermin ang sinagot ang panunumbat ng TV host.

Sa kanyang programang Wowowin kagabi, February 7, 2023, hindi pinangalanan ni Willie ang ilang taong diumano’y sumisira sa kanyang pagkatao.

Bahagi ng sinabi ni Willie: “Meron lang ho ako maikuwento. Alam niyo, maraming mga naglalabasan ngayon na medyo talagang winawasak ang pagkatao ko, sinisiraan.

“Maikuwento ko lang sa inyo, meron akong mga taong minahal at tinulungan.

"May binigyan ako na isang unit dito [sa Wil Tower], unit ng condominium. Binigyan ko pa ng kotse.

“Malapit ho sa akin yan. Sinabihan pa ako na mayabang ngayon. Isipin niyo ang mga ginagawa sa akin ng mga taong yan.

“Uulitin ko po, yan. Totoo yan! Bukas iba-bash niyo ako? Bukas, sasabihin ng lahat, mayabang!"

Read: Willie Revillame hits back at celebrity critics: "Binigyan ko kayo ng tulong dati... tinitira niyo pa ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“BAGO KA MAGSALITA, MAG-ISIP KA MUNA”

Inamin ng beteranang kolumnista na si Cristy na siya ang tinukoy ni Willie na personalidad na binigyan nito ng isang condo unit at kotse noon.

Sa kanyang programang Cristy FerMinute (CFM) sa Radyo Singko at One PH ngayong araw, February 8, 2023, isang mahinahon ngunit palabang Cristy ang naglabas ng kanyang damdamin hinggil sa isyu.

"Anak-anakan" ang turing ni Cristy kay Willie, at kilalang malapit sila sa isa’t isa mula noon pa man.

Bungad ni Cristy: “Ito po mga Kapatid, alam ko marami po sa inyo ang naghihintay ng kasagutan sa marami niyong tanong.

“Kagabi pa po ito, e. Kagabi pa, ang dami ng tumatawag sa akin at nagti-text tungkol sa paglilitanya ni Willie Revillame kagabi sa Wowowin.

“Naging panuntunan ko na po sa buhay na hanggang hindi ko po naririnig at hindi ko nababasa ang laman ng PEP, hindi ako magbibigay ng reaksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaninang umaga, parang dapithapon na nang ako’y gumising. Nung napanood ko na yung video ng Wowowin at saka yung nilalaman ng PEP na sinulat ng aking anak-anakang si Jojo Gabinete.”

Alam sa sirkulo ni Cristy ang tungkol sa condo unit at kotse na ibinigay sa kanya ni Willie dahil marami raw tumawag sa kanyang reporters para sa kanyang reaksiyon kung bakit daw binira siya ni Willie.

Patuloy ni Cristy: “Pinanood ko po. Meron siyang sinabi na isang reporter ng ABS-CBN na kumandidatong konsehal na tinulungan daw niya.

“May isang celebrity daw na binira daw siya, e, itong celebrity daw na ito, e, maka-Diyos pa naman ang datingan. At nung ikasal daw yung kapatid ay tumira pa ata yung mga magulang sa bahay niya, parang ganun.

“At meron daw na isang tao na, ‘Binigyan ko pa yan ng condo unit, e, binigyan ko pa yan ng sasakyan. Tapos tatawagin ako na mayabang,’ ganun.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa puntong ito, sinabi ni Cristy na siya ang pinaringgan ni Willie na tumawag dito na "mayabang."

Pero hindi raw kumpleto ang konteksto ng pinalabas ni Willie sa telebisyon.

Kasunod nito ang pagbasa ni Cristy sa laman ng kanyang text message kay Willie na ipinadala niya kaninang umaga.

Paliwanag ni Cristy: "Ang sabi ko, ‘Sana lang, pinanood mo nang buo ang mga sinabi ko sa CFM tungkol sa yo.

“'Yung terminong 'mayabang' sinabi ko yun. Pero iba pala ang interpretasyon mo.

“'Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN. Bago ka magsalita, mag-isip ka muna.

“’Pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sa yo, nakahanda ako.’

“Tatlong exclamation marks po yun, all caps po yung, ‘NAKAHANDA AKO.'"

WILLIE CALLS CRISTY TO EXPLAIN HIS SIDE OF THE STORY

Makalipas daw ang ilang sandali, tinawagan siya sa telepono ni Willie.

Inamin ni Cristy na tinalakan niya si Willie dahil sa panunumbat nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na kuwento ni Cristy, “Dahil po dito ay tumawag siya. Unang sagot ko pa lang, hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang mga salita ko.

“Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga, patungkol sa kanya bilang sagot, yung mga bagay na ayaw niyang marinig na sa unang pagkakataon ay pinatikim at pinalasa ko sa kanya.

“Unang-una po mga Kapatid, pinaka-ayoko po yung nanunumbat. Sabi ko nga, mantra ng buhay ko, anumang ginagawa ng ating kanang kamay, hindi na dapat pang ipinapaalam sa kaliwa.

“Ngayon, kung tutulong po tayo at isusumbat pala natin pagdating ng panahon, huwag na lang tayong tumulong. Yun lang naman yun.

“Sa pagsalita ko po nang dire-diretso, nakiusap siya kaagad, ‘Sandali, magpapaliwanag ako, magpapaliwanag ako, nag-iisa lang ako, wala kong nakakausap.’

“’Hindi,’ sabi ko ko sa kanya, ‘Hindi mo kailangang magpaliwanag.’

“’Titirahin mo ako mamaya.’ ‘Hindi kita titirahin mamaya. Magsasalita lang ako, pero hindi kita bibirahin. Dahil ipararamdam ko sa yo kung ano ang kahulugan ng salitang pagmamahal. At pagmamalasakit.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay nandun na kami. Sabi ko, ‘Pinanood mo ba nang buo?’ Hindi raw.

“’Ang nagsulsol sa yo ang mga taong takot magutom kapag mawawala ka. Ito yung mga taong yes people. Ito yung mga taong natatakot na kapag mawawala ka, hindi sila kakain,’ yun ang sabi ko sa kanya.”

Diin ni Cristy: “Dahil hindi po tama, parang column, title pa lang ang nariring, nagwawarla na. Title pa lang ang nababasa, nagwawala na, hindi muna tingnan ang kabuuan."

cristy on willie's rant vs. reporters

Prinangka rin daw ni Cristy si Willie tungkol sa panunumbat ni Willie sa reporters na kada isa ay binigyan niya ng sampung libong piso buwan-buwan noong kasagsagan ng pandemya.

Lahad ni Cristy, “So, andun na kami. ‘Ano ang nangyayari sa yo pati ang mga reporters na tinulungan mo nung pandemya, isinudsud mo sa kanila ngayon? Huwag ka na lang tutulong kung pagdating pala ng araw isusumbat mo lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Hindi, kasi ganito kasi yan, e, ako ang binibira. Ako ang binibira ng mga tao,’ dahil sa pagsasara daw ng AMBS.

“‘Bakit hindi mo alam na magsasara na ang inyong istasyon?’ Wala raw kumakausap sa kanya. Tumatawag daw siya, wala raw gustong makipag-usap sa kanya. Yun ang sabi niya.”

Ang AMBS o Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay ang kumpanyang nagmamay-ari ng ALLTV, ang TV network na pag-aari ni former Senate President Manny Villar.

Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV

Noong February 3, naiulat na pansamantala munang ititigil ang produksiyon ng station-produced shows kabilang ang Wowowin ni Willie; ang talk show ni Toni Gonzaga na Toni; at ang morning show nina Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, at Ciara Sotto na M.O.M (Mhies On a Mission)

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Pampaprangka pa rin ni Cristy kay Willie: “Sabi ko, ‘Ikaw na lang ang hindi nakakaalam. Hindi tama yan. Dapat kausapin mo sila.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Araw-araw daw po siyang tumatawag pero walang may gusto makipag-usap sa kanya.”

cristy on CAR & CONDO unit from willie

Sunod namang ipinaliwanag ni Cristy ang tungkol sa condo unit at kotseng ibinigay sa kanya ni Willie.

Ayon sa kanya, may kaakibat na sakripisyo ito.

Lahad niya, “Ang akin lang po ay ganito, ‘Hindi mo pala napanood nang buo, itong CFM ng February 6 at February 7, kahapon, magwawarla ka na kaagad? Magsasalita ka na kaagad ng kung anu-anong panunumbat?’

“’Bat hindi mo ikuwento saan nanggaling yang sasakyan? San nanggaling yang condo unit na yan?

"Na mula nong 2017 hanggang ngayon na nagsasalita ako, minsan ko lang nakita nung lagyan ko ng muwebles at ng mga paintings.’

“Never ako nagpunta dun ulit, kahit tanungin niyo ang guwardiya, ang tagapamahala ng building. Hindi ko pinuntahan yan kahit minsan.”

Dito na inaalala ni Cristy ang papel niya kung bakit muling nagkaroon ng variety show si Willie sa TV5 na Willing Willie noong 2010 mula nang ito ay umalis sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP EXCLUSIVE: The making of "Willing Willie"

Dagdag pa niya, “Ano yung sasakyan? Tayo ang nagtulung-tulong para makapasok ka dito sa TV5.

"Anong sabi ni Boss Vic del Rosario? ‘Dapat kumukuha ka kay Willie dahil ikaw ang nagpasok sa kanya dito. Dapat kumukuha ka sa kanya ng 20 percent monthly.’ Hindi ko po ginagawa yun."

Si Viva big boss Vic del Rosario ang tumatayong manager noon ni Willie.

Paliwanag pa ni Cristy, “Ang aming kasunduan: pera o sasakyan. Dun po yun kaya nangyari yun.

“Pero pinaghirapan ko po yan. At hindi ko hiningi, sa kanya nanggaling.”

Tungkol naman sa condo unit, plano na raw niyang isoli ito kay Willie.

Sabi ni Cristy, “Ngayon, pinaplano ko, sinabi ko kay Rebo, 'Pagkatapos ng pagkakataong ito, kukuha ako ng papeles.

“'Ibabalik ko kay Willie Revillame yang pinaghirapan kong condo unit na yan kahit may transaction pa kami.'

"Wala na yung sasakyan, naibenta ko na. Wala na naibenta ko na, napalitan ko na yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinukoy ni Cristy na "Rebo" ay anak niya.

cristy: “HUWAG MAGING PIGSA…”

Binigyang-diin ni Cristy na ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat isinusumbat pagdating sa huli.

Saad niya, “Ang akin lamang po ay ganito, bago magsalita, huwag maging pigsa na malayo pa ang karayom ay pumuputok na at pumuputak.

“Hindi tama yun. Hindi tama yun. Maling-mali.

"Anumang nagawa natin sa ating kapwa, huwag nating isinusumbat, huwag nating isinusudsud, dahil ako ang paniniwala ko, ang tumutulong sa ating kapwa, kapag tayo ay tumulong sa ating kapwa, nagpapautang tayo sa Diyos. Yun ang akin.

“Hindi ko naging ugali kailanman ang magbigay ng tulong na isusumbat ko pagdating ng panahon. At inuulit ko, Willie Revillame, hindi kita sisiraan dito, kung yun ang iniisip mo.

“Para mapatunayan ko sa yo kung ano ang tunay na pakahulugan ng salitang pagmamahal at pagmamalasakit.”

Nagpaliwanag naman si Cristy sa konteksto ng nauna niyang sinabi kung bakit “mayabang” si Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako’y nagpakatotoo lamang po. Magiging sinungaling po ako sa publiko kung sasabihin ko na hindi mayabang si Willie Revillame.

“Ako’y nanay-nanayan, siya'y anak-anakan. Alam ko po ang gilas ng ugali ng bawat taong malapit sa akin.

“Pero hindi ko po sinabi na mayabang si Willie dahil ipinagmamalaki niya na binayaran niya ng cash yung dalawang chopper niya.

“Na binili niya yung eroplano niya, yung yate niya, yung mga mansion niya.

“Hindi ko po yun sinabi, dahil hindi naman talaga niya yun ipinagmamalaki. Hindi natin yun maasahan sa kanya."

Ang ipinupunto raw ni Cristy: “Mayabang siya sa porma, sa pananalita na kapag may bago siyang papasukin na anumang paghamon, excited na excited na excited siya, yun yun.

“Kaya kung hindi mo napanood nang buo, kung hindi mo nasaksihan ang resibo, huwag kang nagsasalita, diyan ka laging naiipit.

“Dapat, pinanonood mo nang buo para malalaman mo kung may malasakit ba yung nagsalita o wala. Yun lang yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

cristy on “UTANG NA LOOB”

Sa huli, diretsahang sinabi ni Cristy na hindi niya deserve na sumbatang walang utang na loob.

“Nakakasakit po ng damdamin. Sinabi ko raw na mayabang siya. Walang utang na loob?

“Anong dapat kong tanawing utang na loob sa yo, Willie Revillame? Magbilangan tayo. Magbilangan tayo ngayon.

“Ano ang dapat kong tanawin na utang na loob ko sa yo? Masakit sabihin, masakit marinig, nagkatulungan tayong dalawa."

Hindi raw sana umabot sa puntong magkasumbatan sila dahil pareho raw nilang natulungan ang isa't isa.

“Hindi ka rin dapat tumanaw ng utang na loob sa akin. Wala rin akong dapat tanawing utang na loob sa yo dahil kusang-loob kitang minahal bilang anak-anakan, kusang-loob kitang tinulungan.

“Ikaw din naman, binigyan mo ako ng tiwala na hindi ko inaasahan, nagkatulungan tayo, hindi tayo dapat magsumbatan."

Paalala pa uli ni Cristy kay Willie: “At ang mga reporters na tinulungan mo nung pandemya. Ako ang nag-ukilkil sa yo na kailangan silang tulungan dahil mahirap ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi mo dapat isumbat sa kanila yun. At sila ang mga working press na kapag nalalagay ka sa alanganin, siya mo ring tinatakbuhan.

“Hindi ako papayag na ang aking mga hanay ay mamaliitin ng kahit sino. Kaya Willie Revillame, mag-isip ka muna bago ka magsalita.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran showbiz columnist Cristy Fermin (above photo) unleashes a mouthful against her "anak-anakan" Willie Revillame (inset): "Nakakasakit po ng damdamin. Sinabi ko raw na mayabang siya. Walang utang na loob? Anong dapat kong tanawing utang na loob sa yo Willie Revillame? Magbilangan tayo. Magbilangan tayo ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: One PH on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results