Umakyat na sa 4,372 ang death toll sa magnitude 7.8 earthquake na yumanig sa south-eastern Turkiye na malapit sa Syrian border nitong Lunes, February 6, 2023, at nagtagal ng higit-kumulang dalawang minuto.
Read: Bansang Turkey, Türkiye na ngayon. Bakit ito nagpalit ng pangalan?
Babala ng World Health Organization, posibleng umakyat ang bilang ng fatality nang eightfold o eight times.
Patuloy ang search-and-rescue operations sa bundok ng mga nagibang gusali at iba pang istruktura.
Ayon sa mga eksperto, ito ang isa sa mga pinakamalakas na pagyanig sa rehiyon sa nakalipas na isang siglo o 100 years.
Ang lindol ay sinundan pa ng 7.5 magnitude aftershock makalipas ang 12 hours, at di mabilang na tremors na banta sa kaligtasan ng mga tao sa nagyeyelong panahon.
TALL BUILDINGS ARE FLATTENED TO THE GROUND
Ang epicenter ng malakas na lindol ay nai-record malapit sa Gaziantep City, Turkiye sa Mediterranean region.
Ito ay nagdulot ng malawakang pagguho kung saan maging ang mga 12-storey buildings ay napatag.
Nagkalat din ang videos sa social media ng actual footage ng mga gumuguhong gusali.
Isa sa mga nasira ay ang iconic landmark na Gaziantep Castle na mahigit 2,000 years nang nakatayo.
Ang Gaziantep Castle ay itinayo ng Roman Empire noong second at third centuries A.D.
Sumailalim ito sa renovation sa ilalim ng Byzantine Emperor na si Justinian I mula AD 527 hanggang 565.
Mayaman sa kasaysayan ang kastilyong ito na naging saksi sa pamumuno ng maraming emperors.
Malaki ang naging papel nito bilang pandepensa sa mga potential invaders noong sinaunang panahon at nagsilbi rin itong watchtower.
Bago masira, ginawa itong museum at tourist attraction.
THE VICTIMS IN WAR-TORN SYRIA
Karamihan sa mga naitalang biktima ng pagguho ay natagpuan sa Hilagang bahagi ng Syria, kung saan milyun-milyong refugees ang nakatira sa mga camps sa magkabilang banda ng boundary sa bansang Turkiye.
Patuloy ang pagdagsa ng tulong sa distressed Syrian refugees at Turkish victims mula sa ibang bansa.
Bagamat hirap ang rescuers dahil sa walang tigil na pag-ulan ng niyebe at malawakang kawalan ng kuryente, patuloy ang kanilang pagpupursige upang matulungan ang mga biktima at makapagligtas pa ng mga buhay.
Ang Turkiye ay nasa sentro ng isa sa mga pinaka-active na earthquake zones sa buong mundo.
Noong 1939, 33,000 na katao ang naiulat na namatay bunsod ng malakas na lindol sa Erzincan province habang 17,000 naman ang nasawi sa Kocaeli province.
Bagamat sanay na ang mga residente sa mga pagyanig, kakaiba umano ang kanilang naramdaman nitong Lunes.
Sa interview ng BBC.com kay Melisa Salman na residente ng Kahramanmaras, ito na lamang ang kanyang nasabi: “We thought it was the apocalypse."