Kinumpirma ni McCoy de Leon na nagkabalikan sila ni Elisse Joson.
Ginawa niya ang pag-amin nang makausap siya ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori sa guesting ng aktor sa ASAP Natin ‘To ngayong Linggo ng hapon, February 5, 2023.
“Yes. Yes,” napangiting sagot ni McCoy nang sabihin ni MJ na “That’s nice pero at least naayos niyo na ni Elisse [ang problema].”
Sumunod na tanong ni MJ kay McCoy: “Ikinukuwento mo lagi si Felize in everything that you do. Bilang isang dad, how proud are you that you saved it [the relationship]?
Si Felize ang anak nina McCoy at Elisse.
Read: Elisse Joson, McCoy de Leon are now parents to baby girl
Sagot ng aktor: “Siguro naman, sa pagiging tatay na parang yun naman laging hinahangad para mapasaya yung pamilya.”
Sabi ni MJ: "And you speak highly of one another. When I did talk to her, she was saying na it was an online miscommunication..."
Sabi ni McCoy: “Siguro hindi ko ma-specific na… Basta yun ang maibibigay ko…Kumbaga, masaya kami kung ano yung estado ko sa buhay."
“Online miscommunication" ang sinabi ni Elisse na dahilan ng problema sa relasyon nila ni McCoy.
Matatandaang "kinumpirma" ng aktor na hiwalay na sila ng ina ng kanyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post noong January 4, 2023.
Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."
Nagkaroon ng pictorial si Elisse para sa isang fashion magazine noong January 18, 2023.
Pagkatapos nito ay nagkuwento ang isang malapit kay Elisse na nagkabalikan na ang aktres at si McCoy, pero tikom ang bibig ni Elisse.
Ilang araw matapos ang pictorial ni Elisse, namataang magkasama sila ni McCoy at ang kanilang anak sa isang amusement park sa Tagaytay City kaya mabilis na kumalat ang kanilang mga larawan na matibay na ebidensiyang nagkabalikan nga ang dalawa.
Read: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?