PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Artists Turn Marikina Shoes into Art

Hulmahan ng mga sapatos sa Marikina, pinanggagatong na lang.
by Jojo Gabinete
Published Feb 2, 2023
project hulmahan
Ladies Who Launch members (from left) Zena Bernardo, Dolly de Leon, Judith Albano, and Jasmine Ong show some artworks made from wooden moulds in Marikina.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ilulunsad ng Ladies Who Launch ang exhibit ng kanilang Project: Hulmahan sa isang lifestyle mall sa March 15, 2023.

Makahulugan para sa Ladies Who Launch ang petsang March 15 dahil ito ang araw na idineklara ang lockdown sa Metro Manila at Southern Luzon, noong 2020, na resulta ng coronavirus pandemic.

Read: Luzon placed under "enhanced community quarantine"

Sina Zena Bernardo, Dolly de Leon, Judith Albano, at Jasmine Ong ang mga miyembro ng Ladies Who Launch na nagtatag ng mga community kitchen noong panahon ng pandemya.

Nag-umpisa naman ang Project: Hulmahan nang makita ni Zena, na isang fourth-generation Marikeña, ang mga hulmahan o molde ng sapatos na ginagamit na lamang panggatong sa pagluluto dahil unti-unti nang namamatay ang industriya ng paggawa ng mga sapatos sa Marikina City.

project hulmahan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Zena, “One day, in one of the communities ng Bayanihang Bayanihang Marikeño at Marikeña called Isla de Lata, it’s a small informal settlers community ng mga nangangalakal ng junk, nagluluto kami ng champorado and yung hulmahan yung firewood nila. I took a photo of that and kami talaga… 'Syet, bakit siya sinusunog?'

“For us, para sa aming mga taga-Marikina, napaka-visual ng representation nang mamatay ang shoe industry ng Marikina.

“Nagugutom ang mga tao, it’s survival and on the vanity side ng ating middle-class, sayang kasi puwede siya na magandang decoration.

“That was April 14 when I took that photo and posted it on Facebook. And at that same day na nag-post din ang anak ko, si Patreng [Ana Patricia Non], na nag-start siya ng kanyang kariton sa Maginhawa community.

"So, nag-i-interlock yung mga kilos."

Read: Who dares rain on the Maginhawa Community Pantry parade?

Pagpapatuloy na kuwento ni Zena, “Nitong August 2022, we thought of going to all those factories na nagsasara and bilhin yung kanilang mga hulmahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Just imagine the livelihood na nawala saka yung mga nawalan ng trabaho and it’s a dying industry, but we still take pride in Marikina-made shoes.

“So, sabi namin sa Ladies Who Launch, 'What if we can gather artists who will turn them into artworks?'

“Ang goal namin, one hundred artists, three hundred pieces, happy na kami, tapos i-exhibit, ibenta.

“The proceeds will go to, number one, Marikeño at Marikeña Livelihood Project, The Community Kitchen for Disaster Response Nationwide, at community art-based workshops."

project hulmahan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula sa 100, naging 600 ang bilang ng mga artist sumuporta, sumali sa Project: Hulmahan at lumikha ng mga kahanga-hangang disenyo sa mga hulmahan ng sapatos na magsisimula sa P7,500 paitaas ang bidding.

“Pero nadagdagan ang mga artist na sumali 600 and growing. Instead of 300 art works, we’re expecting 1,200 artworks.

“The artists come from all over the country. All regions, may representative,” sabi ni Zena.

project hulmahan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa si Zena dahil sa suportang natanggap ng Ladies Who Launch mula sa mga mahuhusay na Filipino artist.

Aniya, “We will do the unveiling, the major launch on March 15 which is the third anniversary ng pag-declare ng lockdown.

“That’s the day na parang ang bigat, ang daming nawalan ng trabaho, many of us lost loved ones. Pero that is also the day na akala natin useless, naging meaningful, nagsama-sama lahat, so it’s just so fitting.”

Idinagdag ni Dolly na ang Project: Hulmahan ang isang paraan ng Ladies Who Launch para makatulong sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.

Pahayag ng internationally acclaimed actress, "At the end of the day, tayo-tayo na lang magtutulungan, e. Ang daming nawala sa atin nung pandemya.

“Ang daming nawalan ng mga loved ones. Maraming nawalan ng trabaho.

"So, ito yung paraan namin para tumulong kasi, at the end of the day, konektado tayong lahat, and we just need to help each other and just keep spreading the love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ladies Who Launch members (from left) Zena Bernardo, Dolly de Leon, Judith Albano, and Jasmine Ong show some artworks made from wooden moulds in Marikina.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results