Dismayadung-dismayado ang aktres at Quezon City councilor na si Aiko Melendez sa isang airline company dahil nasira ang kanyang mamahaling travel luggage pagdating niya sa Taiwan.
Miyerkules ng gabi, February 1, 2023, ibinahagi ni Aiko sa kanyang Facebook account ang ilang larawan ng luggage niya kung saan kitang-kita na nawarak ang bandang ibaba nito.
Ang nasabing luggage ay kilalang matibay kaya mahal ang presyo nito.
Sabi ni Aiko, “Philippine Airlines what happened with our luggage? Our belongings should be treated with care.
“It was not a full flight, but I’m wondering what went wrong [sad moji]
“Rimowa is known to be a heavy-duty luggage it takes a lot of force for this be damaged. [sad emoji] #disappointed”
Tanong ng isang kaibigan ni Aiko, “Always happens aiks! Where were you coming from?”
Ayon sa actress-politician, kakarating lang niya ng Taiwan at nung lumabas na sa carousel ang kanyang luggage, napansin niyang nawarak na ang isang bahagi nito.
Wala naman daw silang mapagsumbungan dahil walang counter ang airline sa airport at yung nakausap naman niya ay hindi marunong magsalita ng English.
Buong sagot niya, “i just arrived in Taiwan.. and when our luggage got out of the carousel ganyan na bro. Tapos we were looking for a counter na we can report this, walang counter [sad emoji] i recieved a message from IG bro they said i should have filed a complaint? How bro eh wala tao and ung isang kausap namen di marunong mag english [sad emoji]”

Sumagot din sa post ni Aiko ang airline.
Ayon dito, ikinalungkot din nila ang nangyari. Iimbestigahan daw nila ito at kaagad nilang ipararating kay Aiko ang resulta.
Buong komento ng airline company account, “Hi, Aiko. We are truly sorry for the inconvenience that this has caused. We understand how important your baggage is. We have noted that you have also reached out to us via Instagram. We assure you that we are looking into this matter and we'll get back to you with updates via direct message. Thank you.”

