PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darna's Impact on Jane de Leon's Life

"Simula noong naging Darna po ako... natulungan ko po yung family ko."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 31, 2023
Jane De Leon, Darna
Jane de Leon on the role that became the biggest break in her showbiz career: "Simula noong naging Darna po ako, una sa lahat natulungan ko po yung family ko. Kahit papaano nakaahon po kami, guminhawa po yung buhay namin."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ngayon ni Jane de Leon sa nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahan niyang ABS-CBN primetime series na Mars Ravelo's Darna.

Ayon kay Jane, patuloy niyang ipagpapasalamat sa Diyos ang pagbibigay-tiwala sa kanyang gampanan ang iconic role na Darna.

Sa finale mediacon ng Darna nitong Lunes, January 30, 2023, muling binalikan at inalala ni Jane kung paano binago ng serye ang buhay niya maging ng kanyang pamilya.

Pagbabalik-tanaw niya, "Simula noong naging Darna po ako, una sa lahat, natulungan ko po yung family ko.

"Kahit papaano nakaahon po kami, guminhawa po yung buhay namin."

Matatandaang sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz na ipinalabas noong August 17, 2022, emosyonal na ibinahagi ni Jane kung gaano kahirap ang buhay nila noong bago siya maging artista.

Kuwento noon ng aktres, maayos naman ang pamumuhay ng kanilang pamilya. Mayroon silang sariling bahay, kotse, at ari-arian.

Nagsimula lamang magbago ang lahat nang maloko sa negosyo ang kanyang ama ng mismong kaibigan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, na-trauma ang kanyang ama kung kaya't hindi na ito nakapagtrabaho.

Naging kapos din sila at umabot sa puntong hindi na makabili pa ng kanilang mga pangangailangan.

Paglalahad ni Jane, "Wala talaga kaming makain, na asin na lang po talaga yung kinakain namin, ganyan. Asin, kasi walang-wala po talaga kaming pera.

"Nawalan ng trabaho si Papa, si Mama po ang nagtatrabaho para sa amin.

"Parang naging househusband si Papa. Minsan kapag walang-wala kami, siyempre suweldo ni Mama hindi naman enough sa amin.

"Minsan yung kinakain na lang namin, asin, tapos kung alam niyo yung toyo na may mantika."

Read: Jane de Leon recalls hardship before achieving success: "Minsan yung kinakain na lang namin, asin."

Sa kabila ng kanilang pinagdaanan, nagpapasalamat si Jane sa kanyang ina na itinuturing niyang real-life Darna ng kanilang pamilya.

Aniya, "Si Darna sa puso ko is my mom talaga. Kasi, madami siyang sacrifices na ginawa for us and for my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpapasalamat ako kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa sitwasyon na ito."

Maliban sa ibinigay na oportunidad sa kanya ng Darna, nakahanap din daw si Jane ng mga totoong kaibigan na maituturing niyang pangalawang pamilya.

Saad niya, "I met a lot of people sa buhay ko kung sino talaga yung totoo and sobrang bihira lang po talaga sa showbiz makakilala ng mga totoong tao.

"Kaya sobrang nagpapasalamat po ako."

Read: Interview ni Jane de Leon tungkol sa paghihirap nila noon, timing sa unang paglabas niyang naka-Darna?

Sa huling dalawang linggo ng Darna, magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Jane.

Sabi niya, "It's sad actually [na malapit na matapos] kasi alam ko na marami pa kaming maibubuga and marami pa kaming kuwento na mase-share sa maraming tao.

"Pero siyempre, masaya rin ako kasi worth it lahat ng pinaghirapan ng mga tao sa Darna. Especially yung mga tao sa likod ng kamera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It's been four years na nandito ako sa sitwasyon na ito and I'm glad na binigyan ako ng strength ni Lord na matapos itong show na ito."

"PUMASOK AKO SA DARNA NA MAKINIS YUNG BALAT KO, LUMABAS AKO NA PURO BUGBOG"

Aminado si Jane na hindi naging madali ang mga pinagdaaan niya mula trainings hanggang sa pag-shoot ng kanyang mga action and fighting scenes.

Read: Jane de Leon reacts to naysayers saying she doesn't deserve Darna role

Ang mga galos at bugbog daw niya sa katawan ang magpapatunay kung gaano ibinigay ng aktres ang kanyang buong makakaya para bigyang hustisya ang karakter bilang Pinay superhero.

Pagbabahagi ni Jane, "Ang hindi ko makakalimutan, marami po, many to mention. Pero una sa lahat, yung mga tao na naging parte ng buhay ko ngayon. Mapa-direktor, staff, mga co-artists ko, and yung friendship hindi ko makakalimutan yon.

"Siyempre yung mga galos ko rin sa katawan. Sabi ko nga, pumasok ako sa Darna na makinis yung balat ko, lumabas ako na puro bugbog yung katawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami pa po talaga, mukhang pinagdaaan ko na lahat."

Ikinuwento rin ng Kapamilya actress ang ilan sa mga aksidente at nakuha niyang sugat mula sa set.

Aniya, "Na-ER [emergency room] na ako and meron isang eksena ako with Josh (Joshua Garcia) na pagluhod ko sa kanya, hindi ko alam na merong parang pako na nakaangat. Tapos tumagos siya sa tuhod ko so dugo siya nang dugo kasi sobrang sakit, kasi sa may buto na siya banda.

"Pinipilit kong hindi umiyak, nagpapaka-strong ako pero ang sakit talaga so itinakbo ako ng ER for anti-tetanus.

“Nasuntok din ako ng stunt double ni Borgo. Grabe yung iyak ko dun. First time lang akong nasuntok sa buong buhay ko. Dito talaga sa mukha ko yung pasa. Namaga yung mukha ko noong time na yun.

“Nung natapilok ako, two days din kaming pack up.

"Super dami talaga. Meron pa sa daliri nasipa rin, so muntik na siya ma-injured. Pero tuloy pa rin naman ang taping. Tinatago ko na lang siya kapag may fight scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Accidents siya, e, hindi talaga siya maiiwasan minsan. Pero kailangan mag-ingat talaga."

Read: Netizens react to Jane de Leon's first transformation as Darna

Sa huli, may paaala si Jane sa mga gustong maging action star kagaya niya.

Sabi niya, "Kaya dun sa mga gusto maging action star sa susunod, it’s very normal talaga na maaksidente.

"Basta ready ka lang and tatanggapin mo lang talaga kung ano yung trabahong pinasok mo."

Read: Janella Salvador, Jane de Leon on possibility of doing a GL series: "Why not?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon on the role that became the biggest break in her showbiz career: "Simula noong naging Darna po ako, una sa lahat natulungan ko po yung family ko. Kahit papaano nakaahon po kami, guminhawa po yung buhay namin."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results