PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon Clears IG, Keeps Photo with Family

McCoy de Leon deletes almost all posts on Instagram except his family photo.
by Arniel C. Serato
Published Jan 31, 2023
McCoy de Leon likely to start fresh on Instagram amid reconciliation rumor with Elisse Joson
McCoy de Leon wipes almost all his posts on Instagram except the black and white photo above with girlfriend Elisse Joson and daughter Felize. Could this be a hint that McCoy wants to start fresh on Instagram after rumors that he and Elisse are fixing their problem?
PHOTO/S: Courtesy: @mccoydeleon on Instagram

Binura na halos lahat ni McCoy de Leon ang kanyang posts sa Instagram.

Kapansin-pansing nagtira lamang siya ng isang black-and-white photo nila ni Elisse Joson kasama ang kanilang anak na si Felize.

Post pa ito ni McCoy noong July 9, 2022.

McCoy de Leon Instagram

Mukhang nais ni McCoy na magsimulang muli ngayong balitang inaayos nila ng girlfriend na si Elisse ang muntik na nilang masirang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ito ng ilang sightings na magkasama silang dalawa matapos inamin ni McCoy na nag-break na sila ni Elisse.

Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."

Una silang namataang namamasyal kasama ang kanilang anak na si Felize sa isang theme park sa Tagaytay noong January 18.

Read: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?

Nitong January 20, spotted namang magkasamang kumain sa isang local restaurant sina McCoy at Elisse.

Read: McCoy de Leon and Elisse Joson seen together anew hailed by netizens for fixing their relationship

Pagpasok ng 2023, mainit na pinag-uusapan sa showbiz ang alingasngas na diumano'y on the rocks ang relasyon nina McCoy at Elisse.

Marami ang nakapansing hindi nag-post ang dalawa ng kanilang family picture lalo na noong Pasko at Bagong Taon.

Mas lalo pa silang naintriga nang mag-post si McCoy ng larawan nila ng kanyang anak na si Felize na may makahulugang caption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasundan pa ito ng isang cryptic post naman ni Elisse.

January 3, 2023, nag-trending sa TikTok ang video na makikitang kasama ni McCoy si Mary Joy Santiago, isang social media influencer.

Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?

January 4, 2023, in-edit ng aktor ang original caption ng Instagram post niya patungkol sa paghingi ng tawad sa kanyang anak.

Read: Did McCoy de Leon confirm breakup with Elisse Joson via open letter to daughter?

Kinagabihan ng January 4, tuluyan nang inamin ni McCoy na nagwakas na ang mahigit dalawang taon nilang relasyon ni Elisse, mula nang magbalikan sila noong mid-2020.

Read: McCoy de Leon says "sorry" amid cheating issue

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon wipes almost all his posts on Instagram except the black and white photo above with girlfriend Elisse Joson and daughter Felize. Could this be a hint that McCoy wants to start fresh on Instagram after rumors that he and Elisse are fixing their problem?
PHOTO/S: Courtesy: @mccoydeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results