Kahit halos walong taon na ang nakaraan, patuloy pa daw na may epekto sa mga netizens ang “Ako bahala” tweet ni Pia Wurtzbach noong May 2015.
Sa kanyang Twitter kagabi, January 27, 2023, sinabi ng Miss Universe 2015 na kinikilig pa rin daw siya kapag may mga netizens na nagku-comment sa luma niyang tweet.
Tila nakuha daw niya ang tiwala ng publiko dahil sa kanyang ipinangako noon.
Sabi ni Pia, “Midnight thoughts...I still get kilig when you guys engage with my ‘Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe’ tweet from 2015. Thank you for believing in me.”
Ayon pa sa kanya, nais daw niyang ipabatid sa mga tao na kung may mga bagay na para sa’yo talaga at kung may kaakibat itong pagpupursige, walang makakapigil sa tagumpay at para tuluyan ngang mapasakamay ang ano mang pinapangarap mo.
Aniya, “Just a pahabol to this, if there's anything I want you to learn from this—it's that if something is meant for you, as long as you put in the work, nothing can stop you. Muntik pa nga ako ma-draw 'di ba? But we did it. YOU can do it. Trust your heart.”
Matatandaang noong May 3, 2015, pabirong nag-tweet si Pia sa gitna ng pagkadismaya ng Pinoy fans sa pagkatalo ni Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather Jr. na, “Kalma lang guys. Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe!!”
Pitong buwan ang nakalipas, December 21, 2015, si Pia ang itinanghal na Miss Universe sa The AXIS, Las Vegas, Nevada.
Read: Pia Wurtzbach is Miss Universe 2015!
Tila nagkatotoo ngang ipinaghiganti ni Pia si Manny ng karangalan sa pandaigdigang tanghalan.
