Mukhang may pasaring ang beteranang aktres na si Dina Bonnevie laban kay Alex Gonzaga.
Sa selebrasyon ng kanyang ika-61 kaarawan kahapon, January 27, 2023, inalayan si Dina ng dalawang cakes sa pinagdausan nila ng kanyang papiging sa mga bisita.
Ang unang lalaking waiter na nakaitim na nagdala sa kanya ng cake ay tila nagmuwestra sa kanyang pisngi na handa siyang mapahiran ng icing.
Pero pagtitiyak ni Dina, na ikinatuwa ng kanyang mga bisita, “Di kita papahiran ng cake, magpapasalamat ako sa iyo. Thank you po, thank you so much.”
Ang pangalawa namang nagdala ng cake sa kanya ay isang waitress.
Dito ay sinabi ni Dina na ang cake ay dapat kinakain at hindi ipinapampunas sa mukha ng ibang tao.
Ang esaktong sinabi ng award-winning actress, "Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces, thank you!”
Mukhang sariwa pa para sa mga bisita at mismong kay Dina ang viral na pagpapahid ni Alex ng icing sa waiter na si Allan Crisostomo sa birthday salubong niya noong nakaraang January 15, 2023.
Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter
Isang malaking usapin sa showbiz ang ginawa ni Alex dahil, ayon sa mga netizens, pagmamaliit ito sa trabaho ng mga waiters.
Matapos ang ilang araw, humingi din ng dispensa si Alex sa waiter.
Read: Alex Gonzaga apologizes to waiter after severe bashing online
Samantala, ang selebrasyon at pagpakitang respeto ni Dina sa mga servers ay isang kabalintunaan sa ginawa ni Alex.
May long-standing issue sa pagitan ng dalawa.
Matatandaang naging malaking usapin ang "Ano Na, Catherine? Hi it’s me I am the Anti-Hero" episode ng podcast ni Alex noong December 2022. Ibinahagi rito ng TV host/vlogger/actress ang hindi niya malilimutang engkuwentro sa isang "artistang matanda" na nagalit sa kanya sa set ng teleseryeng pinagsamahan nila noon.
Read: Is Alex Gonzaga referring to Dina Bonnevie as the "artistang matanda" who scolded her on the set?
Hindi man pinangalanan, ang netizens na mismo ang nagtukoy na si Dina ang itinuturo niyang “artistang matanda."
Read: Netizens, ipinagtanggol si Dina Bonnevie laban kay Alex Gonzaga
Bago nito, taong 2018, may kinuwento si Dina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pinagalitan niya ang isang "bratty young actress" dahil bukod sa late ito for three hours, dumating ito sa set nang naka-pajama.
Taong 2011 pa ngakatrabaho ang dalawa.
Read: Dina Bonnevie recalls confronting bratty young actress: "Talagang... I gave her hell."
