Kinagiliwan ng netizens at maging ng ilang celebrities ang half-face reveal ni Jessy Mendiola sa panganay nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose Tawile Manzano ngayong Biyernes, January 27, 2023.
Itinaon ito ni Jessy isang araw bago mag-isang buwan si Baby Rosie, na isinilang niya noong December 28, 2022.
Read: Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose
Saad ni Jessy sa caption ng kanyang Instagram post, “Mama & Papa love you so much, our little Rosie. [rose emoji]”
View this post on Instagram
Pero may iba talagang netizens na hindi makapaghintay at gusto nila ay buong mukha agad ng bata ang ipakita ng mag-asawa.
Giit ng isa, “Pakita nyo na face ipapakita nyo din nmn po soon.”
Tanging tugon ni Jessy: “just wait. [heart emoji]”

Saad ng isa pang netizen, “ganda ng eyes! pero bakit may pa suspense pa”
Ayon kay Jessy, kaunting hintay lang. Nais law daw nilang i-enjoy ang kanilang anak sa sarili nilang mundo.
Aniya, “Soon. Just let us enjoy our own little world with our baby muna. Patience.”

Litanya naman ng isa pa, kasama ang papuri sa baby, “Kong hindi pa kayo ready para ipakita sa public si baby or kong gusto nyo pang eenjoy sya hwag muna kayong mag post ng about her, syempre excited ang mga fans at followers nyo. Just saying! Sending Love to the precious one. From New Jersey.”
Tugon ni Jessy, “this is my account, i’ll post whatever i want to post here [smiling emoji]”

Curious naman ang isa pa kung "may something ba" sa bata kaya hindi buong mukha ang ipinakita ni Jessy.
Tanong pa nito, “Bkit d nyo pakita ung buong face nya my something ba? Tanong lng po”
Mahinahong sagot ni Jessy, sinusulit muna nilang mag-asawa ang kanilang baby ni Luis pero ipakikita rin nila ito sa publiko sa mga susunod na araw.
Aniya, “wala naman po, we just want to enjoy our little world with our baby. [heart emoji] soon, just let us savor the moment muna”

Kahapon, January 26, tila may bad trip na isang netizen kina Luis at Jessy dahil hindi pa ipinapakita ng mag-asawa ang mukha ng kanilang baby.
Panunuyang sagot ni Luis: “kayo po ba magpapadede?”
Noong January 11, 2023, binuweltahan din ni Luis ang isang basher na tumawag sa kanyang anak na “pisot” dahil ayaw nilang ipakita ang mukha nito.
Read: Luis Manzano’s sarcastic response to basher of his baby
At noong January 12, niresbakan naman ni Luis ang isa pang netizen na nagtanong kung bakit ayaw ipakita agad ang mukha ng bata. Hindi naman daw nanakawin ang kanilang anak.
Ikinumpara pa nito sina Luis at Jessy sa celebrity couple ding sina Drew Arellano at Iya Villania, na "walang arte" sa pagre-reveal ng mukha ng kanilang baby.
Read: ROUND 2: Luis Manzano burns basher for comparing him and Jessy Mendiola to “walang arte” couple
