PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta still praying for KC Concepcion to find true love

Sharon on what she taught KC: "You don’t need a man in order to survive.”
by Bernie V. Franco
Published Jan 26, 2023
sharon cuneta
Sharon Cuneta on daughter KC Concepcion: “Kami, kung tutuusin, para kaming polar opposites. Yung magkaibang-magkaiba kami." The Megastar admits that KC is more like her father, Gabby Concepcion.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Proud si Sharon Cuneta na naituro niya sa panganay na si KC Concepcion na huwag umasa sa lalaki para mabuhay.

Pero hangad pa rin ng Megastar na makatagpo ng lalaking mamahalin ang anak sa dating asawang si Gabby Concepcion.

Kamakailan ay naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Swiss-Filipino guy na idini-date umano ngayon ni KC, si Steve Michael Wuethrich.

Read: Is KC Concepcion currently dating a Filipino-Swiss guy?

Guest si Sharon sa episode ng Magandang Buhay nitong January 26, 2023. Dito ay nagkuwento ang singer/actress/host tungkol sa relasyon niya sa kanyang mga anak.

SHARON ON KC

Bukod kay KC, nagbahagi si Sharon tungkol sa relasyon niya kina Frankie, Miel, at Miguel na mga anak niya kay Senator Kiko Pangilinan.

Sabi naman ni Sharon ukol kay KC, “Si KC malaki na siya so may sariling buhay.”

At saka binalikan ng Megastar ang pagiging single parent kay KC na mag-isa niyang itinaguyod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Sharon, “Nung maliit si KC, perfect talaga. Perfect child na parang walang kasamang bata.

“Tsaka gusto ko lang maalala niya lahat, lahat, lahat ng sacrifices ko din, kasi she grew up nga, I had to work.

“Kasi ayokong maging sampid sa parents ko at ayokong maging example sa kanya na aasa ka.

“That’s why she knows how to work, she’s a hard worker, and I’m proud of that. Marunong sa buhay.

“So, yun ang naipamana ko, na you don’t need a man in order to survive.”

Pero hangad pa rin niyang makahanap si KC ng lalaking mamahalin siya nang totoo.

Sabi ni Sharon, “Pero I’m still praying, siyempre, I want her to find true love.”

Hindi inusisa si Sharon kung may love life ngayon si KC.

sharon cuneta and kc concepcion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KC IS VERY MUCH LIKE HER PAPA GABBY

Sinabi rin ni Sharon sa interview na magkaibang-magkaiba sila ni KC.

Aminado si Sharon na mas maraming pagkakatulad si KC sa ama nitong si Gabby.

Sabi ng Megastar, “Kasi nung lumalaki na siya, nakikita ko… di ba, dalawa kasi ang parents, di ba?

“Merong anak na katulad na katulad mo, merong anak na hindi.

“Kami, kung tutuusin, para kaming polar opposites. Yung magkaibang-magkaiba kami.

“Pero nabubuo kami ng love namin for each other.

“And there are a lot of things na she and her papa are very much alike.

“Pero anak ko to, e. Anak ko si KC.

“Bali-baligtarin mo man ang mundo, isa lang ang nanay mo, at siya lang ang panganay ko.

“Siya ang unang-unang nagparamdam sa akin ng pagiging ina.

"So, kahit anong mangyari, mamahalin at mamahalin ko siya. Mahal na mahal ko si KC.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on daughter KC Concepcion: “Kami, kung tutuusin, para kaming polar opposites. Yung magkaibang-magkaiba kami." The Megastar admits that KC is more like her father, Gabby Concepcion.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results