Hindi nagpaunlak si Dani Barretto na magsalita noong kainitan ng isyu ng pamamahid ni Alex Gonzaga ng icing ng cake sa waiter na si Allan Crisostomo sa birthday salubong para sa Tropang LOL host sa isang events place sa Rockwell, Makati City, noong January 15, 2023.
Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter
Si Dani ang nag-upload ng video ng insidente sa kanyang Instagram story.
Tatlong magkakasunod na araw na tumanggap si Alex ng matinding batikos mula sa netizens na masidhi ang pagkondena sa naging trato niya kay Allan.
May ilang netizens na sinisi pa si Dani.
Bilang si Dani ang uploader ng kontrobersiyal na video, sinubukan noon ng mga miyembro ng media na kunin ang kanyang panig. Pero pinili niyang huwag magsalita para hindi na lumaki ang isyu.
Panandalian lamang ang pananahimik ni Dani.
Sa isang pagtitipon tungkol sa produkto na kanyang iniendorso na naganap nitong Miyerkules ng gabi, January 25, hindi na siya nakaiwas sa mga katanungan ng entertainment press na nakausap niya.
Ang ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual ang unang nagtanong kay Dani tungkol sa malaking partisipasyon nito sa isyung pinagpistahan nang husto ng sambayanang Pilipino, at natapos lamang nang humingi ng paumanhin si Alex sa waiter.
“Of course, I do have regrets kasi nakasakit po ako ng tao,” pag-amin ni Dani.
“Wala po sa intensiyon ko na makasakit lalo na po on her birthday.
"Siguro yun ang pinakamabigat para sa akin na nakasimula ako ng isang bagay na hindi ko naman ginusto, kasi very important sa pamilya namin ang mga Gonzaga. They’re very loving to our family.
"Alex is a very good friend of my sister so talagang mahal na mahal ng pamilya namin yung mga Gonzaga and vice versa.
“So, masakit sa akin na nakasakit ako ng tao dun sa video ko.”
Sinabi ni Dani na nakipag-ugnayan agad siya kay Alex nang kumalat ang video na binura niya pero huli na dahil pinagpasa-pasahan na ito ng netizens na kinuyog nang todo ang TV host-actress.
“Alam naman po yun ni Alex kasi sa kanya po talaga ako unang nag-reach out. Wala po akong ibang kinausap. Wala po akong ginawa.
"But I reached out to her first and apologized to her first.
“Kaya lang po ako hindi nagsasalita kasi ayoko na po siya talagang palakihin. Ayoko na pong pag-usapan. Parang move on na rin po tayo sa isyu na ito."
Pagliinaw pa ni Dani: "Okay po kami ni Alex. Wala po kaming ill feelings towards each other."
Humingi rin ng paumanhin si Dani sa naagrabyadong waiter.
“So sorry po talaga Kuya Allan. Yung video mo nag-trending, I’m so sorry.
"Hindi ko ginusto yun. Hindi po yun ang intensiyon ko, Kuya Allan,” mensahe ni Dani para kay Allan.
Related Articles:
- Alex Gonzaga camp breaks silence on viral video; says waiter is close to Gonzaga family
- Alex Gonzaga, humingi na umano ng paumanhin sa "biniro" niyang waiter
- Mo Twister lambasts former Juicy! co-host Alex Gonzaga over her viral video; Mikee Morada posts message of support for Alex
- Arnold Clavio, nasaktan sa ginawa ni Alex Gonzaga sa waiter; Rhap Salazar, tinawag na "bastos" si Alex
- Kris Lawrence defends Alex Gonzaga in icing-smearing issue; says waiter "will be grateful that this happened"
- Toni Fowler hurt that no vloggers came to Alex Gonzaga's defense
- Alex Gonzaga apologizes to waiter after severe bashing online
- Handwritten letter ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga, ipinagtaka ng netizens
- Alex Gonzaga finally issues public apology: "I will rise from this a wiser and better person."
- Mikee Morada speaks up as wife Alex Gonzaga continues to receive backlash
- Ano ang istorya sa likod ng handwritten letter ng waiter at pag-a-apologize ni Alex Gonzaga?
- Mga waiters, nagbigay ng saloobin ukol sa icing-smearing issue ni Alex Gonzaga
- Toni at Alex Gonzaga, iwas-iwas muna sa mga tao na "Allan" ang pangalan