PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sabrina M and Janina in Mrs. Face of Tourism PH

Sabrina M: "It’s a friendly competition for me."
by Jojo Gabinete
Published Jan 22, 2023
Sabrina M and Janina San Miguel
Now and then: Remember when Sabrina M (first and second photos) joined the 1993 Mutya ng Pilipinas? Janina San Miguel (third and fourth), on the other hand, won as 2008 Bb.Pilipinas-World but she gave up her title at the time. Both of them are contenders for this year's Mrs. Face of Tourism Philippines.

"Friendly competition" ang trato ng dating sexy star na si Sabrina M. sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023 kaya hindi niya itinuturing na kalaban si Janina San Miguel.

Sina Sabrina at Janina ang dalawa sa mga kontrobersyal na personalidad noon na susubukan ang kanilang kapalaran sa beauty pageant para sa mga kababaihan na meron nang pamilya at may mga isinusulong na mga adbokasiya.

Hindi baguhan si Sabrina sa pagsali sa mga beauty contest dahil siya ang Miss Photogenic awardee sa 1993 Mutya ng Pilipinas na naging daan sa pagpasok niya noon sa showbiz.

Si Janina ang Bb.Pilipinas-World winner sa 45th Bb. Pilipinas noong March 2008, pero nagbitiw dahil sa mga personal na dahilan.

Ayaw gawin ni Sabrina gawing isyu ang pagiging magkaribal nila ni Janina sa beauty pageant na kanilang nilahukan.

"Naniniwala ako na may kanya-kanya na mga katangian and let the judge decide for it po and it’s a friendly competition for me as well po," sabi ni Sabrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagdesisyon si Sabrina na sumali sa Mrs. Face of Tourism Philippines dahil alam niya na kahit nanay na siya, maraming bagay pa ang ang kanyang mga mapatutunayan.

"Naisip ko po na mag-join sa Mrs. Face of Tourism Philippines dahil ang mga katulad ko po na ina ay hindi naman dapat matigil lang sa pagiging isang ina.

"Makakaya-kaya pa rin namin na mapatunayan na puwede pa rin kami sa mga ganitong pageant to boost our confidence.

"Minsan kasi kapag nagiging nanay na ang isang babae, iniisip nila na pang-bahay na lamang sila at, mali po yon dahil marami kami na puwedeng mapatunayan sa lipunan," pahayag ni Sabrina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sabrina ngayong Linggo ng hapon, January 22, 2023.

Ano ang kaibahan ng pagsali mo noon sa Mutya ng Pilipinas 1993 at sa beauty pageant na sinalihan mo ngayon?

"Ang kaibahan ay dalaga pa po ako noon pero ngayon, may mga anak na ako na sa tingin ko, e, mas mahirap dahil kailangan mo na mapatunayan sa lahat kung bakit at dapat na ikaw ang manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na ganoon kadali dahil nagbago na ang lahat mula nang maging isang ina na ako."

Ang pagsusulong sa ating bansa para lalong matulungan ang industriya ng turismo ang advocacy ni Sabrina sa pagsali nito sa Mrs. Face of Tourism Philippines na suportado ng pamilya niya.

"Ang advocacy ko is to promote our country. Marami ang lugar na magaganda sa Pilipinas na dapat na malaman ng buong mundo. Dapat nating ipagmalaki kung gaano kaganda ang ating bansa.

"I have the full support of my family kaya lalong lumakas ang loob ko na sumali sa contest na ito. Ibang klase ang may pamilya ka na mararamdaman mo ang suporta at pagmamahal sa yo.

"For this contest, I need to enhance more ang katawan dahil hindi naman po basta-basta ang contest na sasalihan ko. I will represent all the mothers and also our country because it’s Mrs. Face of Tourism Philippines at sila ang nag-imbita sa akin na sumali."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MORE HOT STORIES ON PEP.PH

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now and then: Remember when Sabrina M (first and second photos) joined the 1993 Mutya ng Pilipinas? Janina San Miguel (third and fourth), on the other hand, won as 2008 Bb.Pilipinas-World but she gave up her title at the time. Both of them are contenders for this year's Mrs. Face of Tourism Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results