PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sakit ni Maegan Aguilar; Tumawag kay Ka Freddie

Maegan Aguilar explains estranged relationship with her parents.
by KC Cordero
Published Jan 21, 2023
Maegan Aguilar then and now
Maegan Aguilar, ibinahagi ang pagkakaroon ng hyperthyroidism at dinanas na cardiac arrest. Hiling niyang magkasundo na sila ng amang si Freddie Aguilar. “Siguro po, 'Tay, dapat magkaayos tayo at some point. Bago tayo mawala at wala nang chance para ayusin ang lahat.”

Lumapit ang singer-musician na si Maegan Aguilar, anak ng sikat na Pinoy folksinger na si Freddie Aguilar, sa programang Raffy Tulfo in Action para humingi ng tulong.

Sa video na ini-upload ng nasabing programa sa YouTube ngayong January 21, 2022, sinabi ni Maegan na may sakit siyang hyperthyroidism.

Nagiging dahilan ito ng kanyang pagiging malnourished.

Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, na host ng programa, nagtatanong ang netizens kung bakit hindi lumapit si Maegan sa kanyang amang si Ka Freddie.

Maegan Aguilar at a radio program

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Maegan, "Hindi po ako makalapit kay Tatay. Hindi ko po ma-explain yung dahilan kasi he has his reasons why he's not helping me.”

Tinanong din siya ng host kung itinakwil na ba siya ng ama kaya hindi tinutulungan.

Aniya, "Ganun na nga po. Pero I have been estranged naman po kasi, Senator Raffy, since I was 16 kasi I left the house na po.

“And then yung instances na nakatira po ako sa kanya is because of his request to spend time with [him], also yung mga anak ko.

“But there's always an on and off bati thing between me and my tatay, pero sa ngayon po kasi, hindi ko maayos, e. Dahil nga po he has his reasons na hindi ko na po alam kung ano yun.”

maegan aguilar: “'TAY, KAILANGAN KO KAYO NGAYON.”

Sa huling bahagi ng panayam ay tinawagan ng programa si Ka Freddie, pero hindi nagsalita on air ang veteran singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuna ng host na naging emotional agad si Maegan.

Aniya, "Natatakot po akong maging honest, kasi batikos na naman po ako. Hindi ko alam kung dapat akong magsalita, e.

“Pero ang sinasabi ko lang po sa mga magulang ko, kung anuman ang pagkakamali ko, hindi naman siguro ganoon kalaki para talikuran nang tuluyan.

“Kasi isa lang po ang nanay at tatay ko, hindi po ba? Hindi naman po ako galing sa ibang magulang, sila lang po ang meron akong magulang.

"Kaya po hindi ko alam kung ano ang kailangan ko pang gawin. Parang ganun po, ipinapasa-Diyos ko na lang."

Photo of Maegan and Ka Freddie

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw naman ng programa na binayaran ni Ka Freddie ang naging hospital bill ni Maegan noong nakaraang buwan.

Hindi na rin nagkomento on air si Ka Freddie, pero sinabi nito sa nakausap na mahal na mahal nito ang anak.

Okey lang naman kay Maegan na hindi ito nagsalita. Aniya, “Kung ano ang makakagaan kay Tatay po."

Ibinahagi rin ni Maegan na married na ang nanay niya sa iba.

Hindi rin aniya maayos ang kanilang relasyon.

Sabi na lang niya, “Lagi ko na lang pong iniisip na they have their reasons. Para po matanggap ko yung sitwasyon.”

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Maegan kay Ka Freddie.

Photo of Freddie Aguilar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya sa ama, "'Tay, wala kasi akong ibang tatay, kayo lang, e. Hindi ko na po alam kung paano ito ayusin, unless din po willing kayo na tanggapin for who I am, what I am.”

Sinabi niya na ganoon ang ginagawa kahit sa magkakaibigan lang. Na tinatanggap ang isa't isa for what they are sa kabila ng flaws.

“Ako po yun. 'Tay, I am imperfect. I am flawed. I don't know how to fix, 'Tay, pero sa totoo lang kasi kailangan ko kayo ngayon.

“Di ba, November 2 to 7, alam po ninyo iyan, binayaran ninyo ang mga gamot ko sa ospital. Muntik akong mamatay.”

Nagkaroon pala si Maegan ng cardiac arrest noong November 2 kaya na-confine hanggang November 7, 2023.

“Pero kasi, 'Tay, I needed to stay pa sa hospital. And then I could not kasi wala nga akong... personally wala na kaming pera ni Oliver. Wala na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga po, 'Tay, hindi pa ako dapat na nandito ngayon. Dapat po nasa ospital pa ako. Kaya nagpapasalamat na lang po ako sa Diyos na hindi ko po alam kung paano ko na-survive yung muntik akong na-cardiac arrest. At buhay pa po ako ngayon.

“Siguro nga, 'Tay, may purpose pa ako kay God, may purpose pa ako as a human being at may purpose pa ako bilang anak ninyo.

“Siguro po, 'Tay, dapat magkaayos tayo at some point. Bago tayo mawala at wala nang chance para ayusin ang lahat.”

WALANG IBANG MALALAPITAN

Wala na umanong ibang choice si Maegan kundi ang lumapit sa programa ng senador.

May mga netizens na nag-message sa programa na kailangang bago tulungan si Maegan ay tiyakin muna na hindi na siya gumagamit ng bawal na gamot at ipa-drug test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtitiyak naman ng singer-musician ay malinis siya sa droga.

"Meron na po ako ditong existing drug test, Senator Raffy, na ginawa po sa Wellpoint. Wala po akong koneksyon sa Wellpoint Clinic.

“September 30, this is a urine drug test and it resulted to negative po."

Pagtatapat pa niya ay kinse anyos pa siya huling tumikim ng marijuana.

Willing din si Maegan na sumailalim sa drug test sa pamamagitan hair follicle test para may accurate ang resulta.

GUSTONG LINISIN ANG PANGALAN

Bukod sa paghingi ng tulong, isa pang hiling ni Maegan ay malinis na ang kanyang pangalan.

Sambit niya, "Gusto ko pong ma-stop na yung lumalabas na tsismis sa showbiz news or whatever gossip outlet or platform na I am a substance abuser, I am a drug addict, and I want it to stop coz I'm not."

Sinabi ng senador na sa aspetong ito ay makatutulong ang isasagawang drug test kay Maegan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung bakit naman gusto niyang malinis na ang kanyang pangalan, aniya, "Nawalan po kasi ako ng several opportunities to work kasi hindi lang naman po ako singer-musician, nag-graduate din po ako ng hospitality and tourism.

“So, I can work as a marketing manager also. I lose the opportunities kasi when they checked my background, nakikita po nila sa gossip na addict po ako.

"May stigma po kasi na, 'Di Maegan Aguilar ay mayabang, ganito, ganyan... matapang.'”

Pero hindi naman umano niya kilala ang mga nagsasabi nang ganoon laban sa kanya.

Tinawagan din ng programa ang talent manager at entertainment writer na si Ogie Diaz para matulungan si Maegan na makabalik sa showbiz.

Pero ani Ogie, "Nagbabawas ako sa ngayon ng mga talent. Nahihiya na ako na hindi ko sila mabigyan ng trabaho dahil busy rin ako sa ginagawa kong proyekto na yung vlogging nga.

"Nahihiya ako kay Maegan na baka di ko siya matutukan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okey lang, isama mo na lang ako sa vlog mo,” sambit ni Maegan.

Ani Ogie, matutulungan niya ang anak ni Ka Freddie na ma-interview sa kanyang vlog.

WHAT WENT WRONG

Natanong naman si Maegan ng programa kung ano ang nangyari sa kanya sa kabila ng kanyang pagiging sikat.

Saan na napunta ang mga oportunidad at bakit naglaho?

Pagbabahagi niya, "Noong nawala ako sa Philippine showbiz, the reason for that is, yung Japan music scene, I was chosen to be the representative of the Philippines for the rock and blues category of music.

“From 1999 up to about 2015, I was touring the world to represent the Philippines po in the international music festivals po.

“And then after that, when I became a mom na, nag-call center ako, nag-concentrate ako sa marketing management job ko.”

Dala-dala pa niya sa programa ang kanyang resumé para patunayan na employed siya from 2009 hanggang mag-pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sadly in 2022, my husband and I ventured into online selling po, and nalugi po kami.

“Kasi noong nag-lockdown 2, kailangan na po ng permits ng mga products saka mga quarantine, and hindi na po namin yun na-handle.”

Nalugi umano sila at nawala ang negosyo.

“And from there, I went through anxiety and depression phase, kaya po hindi ko kinayang umano agad, bumulusok agad.”

(Writer’s Note: Mali ang pagkaintindi ni Maegan sa salitang bumulusok, na ang tunay na kahulugan ay pababa. Ang ibig sana niyang sabihin ay tumaas o bumangon.)

“Actually kahit ngayon, I'm experiencing anxiety and depression kasi never ko pong na-imagine na ang isang Maegan Aguilar ay mapupunta sa isang ganitong phase ng buhay na hindi kaya ang sarili, na homeless po.

“Kaya heto po, kasi po kung mahihiya akong humingi ng tulong, baka po ikamatay ko pa yung hiya ko, e.”

Sinabi niyang gaya ng ibang humihingi ng tulong sa programa ay pumila siya nang ilang oras, hindi siya nagpakilala at walang special treatment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak naman ng programa na tutulungan sa pagpapagamot si Maegan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maegan Aguilar, ibinahagi ang pagkakaroon ng hyperthyroidism at dinanas na cardiac arrest. Hiling niyang magkasundo na sila ng amang si Freddie Aguilar. “Siguro po, 'Tay, dapat magkaayos tayo at some point. Bago tayo mawala at wala nang chance para ayusin ang lahat.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results