Hindi pinalampas ni Pokwang ang isang netizen na may payo tungkol sa pagiging tidy dapat ng anak ng Kapuso comedienne na si Malia O’Brian.
Bago ito, masaya ang mood ng TiktoClock host dahil ipinagdiriwang ni Malia ang kanyang ika-limang kaarawan ngayong Miyerkules, January 18, 2023.
Mensahe ni Pokwang sa kanyang post: “To my most beautiful blessing, happy, happy birthday my love [face blowing a kiss emoji] i love you so much my tisay @malia_obrian #happybirthdayMalia”
View this post on Instagram
Ang ex-partner ni Pokwang na si Lee O’Brian ay may madamdamin ding mensahe para sa kanilang anak.
Sabi ni Lee: “Happiest of birthdays to you, my sweetheart @malia_obrian !!
"Wishing you a great day and it’s going to be a fun year ahead. I love you more than anything and I am SO proud of you!! Eat that cake!!! [praying hands, cake, heart emojis]
“#HappyBirthday #DaddysGirl #TisayBDay #MissMalia”
View this post on Instagram
Tila naka-monitor si Pokwang sa post ni Lee at nagbabasa ng comments ng netizens.
May isang komento na hindi pinalampas ang Kapuso star.
Ayon sa netizen, dapat ang mga batang katulad ni Malia ay maiksi lamang ang buhok dahil hindi raw magandang tingnan kung hindi maayos ang pagkakasuklay nito.
Buong komento nito, “Young kids shoudn't have a long hair especially if it's not tidy/comb neatly..”
Tila nagpanting naman ang tenga ni Pokwang dito.
Ayon sa kanya, kahit hindi magsuklay ang anak ay maganda ito.
Buwelta ni Pokwang: “dami mong alam! birthday ng bata wag kang maraming alam kahit di mag suklay yan maganda yan at wala ka non PAKIALAMERA!!!”

Sinang-ayunan naman ng ilan pang netizens si Pokwang.
Kahit hiwalay na sina Pokwang at Lee, nananatili pa rin ang maayos na ugnayan nila sa isa’t isa dahil sa co-parenting status nila kay Malia.
