Hindi ikinatuwa ni Deniece Cornejo ang pagbabalik ni Vhong Navarro sa It’s Showtime ngayong Lunes, January 16, 2023.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng controversial model ang teaser ng Kapamilya noontime show kung saan tinanong ang kanilang followers kung ano ang inaabangan nila sa show ngayong araw.
Buong nakasulat dito: “Madlang People! Anong inaabangan nyo ngayong Lunes? Wrong answers only!”
Makahulugang mensahe ni Deniece sa caption: “#ryhmeswithWRONG”

Tila patama ito sa pangalan ni “Vhong” na katunog ng salitang “wrong.”
Apat na buwang hindi napanood si Vhong sa It's Showtime.
May kinalaman ito sa mga kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa ng modelo sa TV host-comedian noon pang 2014.
Noong September 19, 2022 ay nakulong si Vhong sa National Bureau of Investigation detention facility.
Noong November 21, 2022 naman ay inilipat siya sa Taguig City Jail.
Pansamantalang tinatamasa ngayon ni Vhong ang kalayaan dahil sa pagpayag ng korte na makapaghain siya ng piyansa sa rape case.
Read: Vhong Navarro posts P1M bail for temporary liberty
Naghain ang kampo ni Deniece ng motion for reconsideration with motion to inhibit sa Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court.
Gusto nilang i-reverse ang bail grant kay Vhong at maglabas ng panibagong warrant of arrest laban sa comedian-TV host.
Nasa motion na isinumite na gusto nilang ipa-inhibit ang judge na may hawak ng kasong ito at ilipat sa ibang korte.
Sa kanilang pananaw, biased o nagkamali ang korte sa desisyong payagang makapagpiyansa si Vhong.
Nakapaloob sa naturang motion na hindi raw nakapaghain ng ebidensiya sa takdang araw ang kampo ni Vhong kaya hindi raw dapat ito pinayagang makapag-bail.
Read: Kampo ni Deniece Cornejo, gustong bawiin ang bail grant at ipaaresto muli si Vhong Navarro
Pero ibinasura ng korte ang motion na ito ni Deniece.
Samantala, nagpasalamat naman si Vhong sa mga kasamahan sa It's Showtime sa mainit na pagtanggap sa kanyang pagbabalik.
Ani Vhong, “Thank you my showtime family! Thank you, God for making this happen. Na-miss ko kayo, Madlang Pips! [heart emoji]”
View this post on Instagram
