Inalmahan ng sexy actress na si Rhen Escaño ang isang body shamer na tinawag siyang “flat.”
Malinaw na ang dibdib ni Rhen ang tinutumbok ng kritiko.
Nag-post ng series of photos si Rhen sa kanyang Instagram account kamakailan.
Agaw-pansin ang body-hugging brown tank top ni Rhen na may plunging neckline.
“Flat,” komento ng isang netizen na may kasamang crying emoji.
Ang boobs ni Rhen ang tinutukoy na flat ng basher.
Buwelta ni Rhen: “Yuck, body shamer”

Idinaan din ni Rhen sa Twitter ang pamba-bash sa kanyang dibdib.
“E ano kung flat? 2023 na, body shamer ka parin?” published as is tweet ni Rhen nitong January 12, 2023.
“Para kayong boobs ko. Walang character development.”

Nagpakita naman ng suporta ang mga aktres na sina Lovi Poe at Chynna Ortaleza, na halatang naka-relate sa isyu.
Sagot ni Lovi: “Wahahaha welcome to the Flaternity!”
Sundot naman ni Chynna: “Flaternity is power!”
Sagot ni Rhen kay Lovi: “Hahaha flat is the new sexy”


