Maligang-maligaya si Sharon Cuneta na dumating sa kanyang buhay ang anak-anakang si Julia Montes.
Sa kanyang Instagram post noong January 8, 2023, inihayag ni Megastar ang ilang dahilan kung bakit niya itinuturing si Julia bilang "pinakaminahal at minamahal" na anak-anakan sa industriya.
Sina Sharon at Julia ay nagkasama sa longest-running prime-time series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.
Gumanap sila bilang mag-inang Aurora (Sharon) at Mara (Julia).
Ayon kay Sharon, hindi na lang basta-basta kaibigan at katrabaho ang turing nila sa isa’t isa.
Mababasa sa caption ng kanyang post (published as is), “Talagang sa dami ng mahal kong mga “anak” sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia @montesjulia08 ko!
“Hanggang ngayon solid na solid ang friendship at pagiging “mag-ina” namin.
“Halos araw-araw nagtetextan kami.”
Ayon pa sa Megastar, sweet, napakabait, at napakabuti ng puso ni Julia bilang isang anak.
Hindi raw ito nakalilimot na bumati at mangumusta.
Pagbabahagi ni Sharon, “Napakatotoong tao, napakaganda ng puso ng batang ito.
“Nung birthday ko tinanong nya ako kung [nasaan] ako, nasa house lang sabi ko today, kasi may event ako last night.
“Tapos kanina nagpadala siya ng niluto niya mismo na lengua (isa sa favorites ko) at maliit na lechon!”
Naniniwala rin si Sharon na regalo si Julia ng Panginoon sa kanya.
Saad niya, “Anak, talagang God sent you to me. You are one of the best gifts He gave to me in 2022.
“And I will forever be grateful to Him for that!”
“I miss my happy place - our FPJAP set and family.”
Sa huli, nagpasalamat si Sharon kay Julia sa pagmamahal at pagbibigay nito ng kaligayahan sa kanya.
Aniya, "I miss you. Thank you for loving me and always making me happy!
“I love you very much baby ko. See you SOOOOOOON!”
Noong August 14, 2022, nang huling magkasama sina Sharon at Julia sa ginanap na thanksgiving party ng cast ng FPJ's Ang Probinsyano.
Read: Netizens ask: is Julia Montes pregnant with Coco Martin's child?
Abot-abot din ang pasasalamat ni Julia sa kanyang nanay-nanayan. Makikita ito sa kanyang Instagram post noong August 17, 2022.
Sa litrato kasi ay makikitang lubos ang kanyang saya habang nakayakap kay Sharon.
Mababasa sa caption ni Julia, “Just so thankful for the love and thoughtfulness of my mommy Sharon.
“Because of FPJAP [FPJ's Ang Probinsyano] gained a mommy.”
Read: Dimples Romana brings "kilig-ayuda" to Coco Martin-Julia Montes fans
