Madaragdagan ang mga kuwento ni Marc Logan (real name: Marcelo Logan Ponti Jr.) tungkol sa personal na buhay niya dahil sa magaganap na pag-iisang dibdib nila ng kanyang longtime partner na si Eloisa Abella Diego.
Si Marc ang segment host ng "Mga Kwento Ni Marc Logan" ng Kapamilya primetime ness program na TV Patrol.
Bukas, January 10, 2023, ang isa sa mga importante na araw sa kanyang buhay dahil ikakasal sila ni Eloisa sa St. James The Great Parish sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City.
Mula sa mundo ng pulitika, telebisyon, at showbiz ang mga principal sponsor sa kasal nina Marc at Eloisa. Magsisilbi rin itong reunion ng mga dating magkakasama sa trabaho na nagkahiwa-hiwalay dahil lumipat sa ibang mga television network nang hindi pagkalooban noong July 2020 ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.
Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal
Mga ninong sina Noli de Castro, Jake Maderazo, Ted Failon, DSWD Secretary Erwin Tulfo, DILG Secretary Benhur Abalos Jr., House Representative Edward Hagedorn, House Representative at former PBA player Franz Pumaren, GMA News anchor Mike Enriquez, at ABS-CBN executive Ernie Lopez.
Mga ninang naman sina Senator Cynthia Villar, ABS-CBN executive Cory Vidanes, Korina Sanchez-Roxas, Karen Davila-Sta.Ana, Ces Orena, Doris Bigornia, Quezon City Mayor Joy Belmonte, DSWD Undersecretary Nina Taduran, Judge Carmencita Logan, Senator Grace Poe-Llamanzares, at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Matagal nang nagsasama sina Marc at Eloisa.
Biniyayaan ng dalawang anak, isang babae at isang lalake, ang kanilang pagmamahalan na ganap nang pagbubuklurin at babasbasan ng pari sa simbahan at sa harap ng Panginoong Diyos bukas.