PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga on his dad Cesar Montano

Barbie Imperial also addresses her own father issue.
by Rachelle Siazon
Published Jan 9, 2023
Barbie Imperial and Diego Loyzaga
Barbie Imperial says she and ex-boyfriend Diego Loyzaga had closure after breakup and she's happy to see him working on his relationship with his dad Cesar Montano.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @diegoloyzaga Instagram

Matagal nang break sina Barbie Imperial, 24, at Diego Loyzaga, 27, pero masaya ang aktres na makitang naayos ng ex-boyfriend ang relasyon nito sa amang si Cesar Montano.

Pitong taon ding strained ang relationship ng mag-ama bago sila nagkaayos noong March 2022.

Mula noon ay ilang beses nang naiulat ang bonding moments ng mga ito.

"Yes, sobrang happy ako para sa kanya kasi yun naman talaga gusto ni Diego—na maging okay siya with his dad.

"I'm happy for him na finally ok sila ng dad niya ngayon," saad ni Barbie.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie pagkatapos ng presscon ng StarMagicxMavX noong Biyernes, January 6, 2022.

Nasabi niyang may "closure" naman daw sila ni Diego matapos ang hiwalayan nila noong December 2022.

Naulat pa ang pagkikita nila noong March 2022.

Dati nang nasabi ni Diego na sinubukan nila noong tingnan kung kaya pa nilang ipagpatuloy ang relasyon, pero napagtanto nilang magiging sagabal lang sila sa growth ng isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, oo naman po, nung time na yun may closure," sabi ni Barbie ukol sa pagkikita nila ni Diego noon.

Hindi na raw isyu sa kanya ang hiwalayan nila.

Paglilinaw pa ni Barbie, "Ay, wala na po, tsaka antagal na nun. Last year pa yun, and pareho na kaming happy."

ON BEING SINGLE

Aminado si Barbie na "marami akong iniyak nung 2022."

Pero natutunan daw niyang walang masama sa pagiging single.

"Natutunan ko about myself na it's okay to be alone pala. Kasi sobrang takot ako maging alone, lalo na nung 2022.

"Naging dependent ako sa mga tao when it comes to my happiness. Then na-realize ko palagi ganito. How about this time sarilinin ko lahat?

"Parang nasanay ako to deal with everything, not totally alone but make sure ko na kayo ko kahit ako mag-isa.

"Mas naging okay ako, mas naging independent ako kesa last year."

HEALING HER INNER CHILD

Ayon pa kay Barbie, isa sa mga paraan para ayusin niya ang sarili ay harapin ang isyu nito sa kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumaki si Barbie na hiwalay ang mga magulang, at nakita lang niya ang ama nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: 737 noong 2015.

Ito raw ang pinanggalingan ng kanyang emotional wounds.

Pag-amin ni Barbie sa PEP.ph: "Yes, parang malalim yung dad issue ko before. Tas parang na-realize ko na yung hugot ko sa dad ko, it affects my relationships, sobra.

"I did everything talaga na ma-heal yung inner child ko na, 'It's okay na wala yung dad mo. Everything has [its] reasons.

"Tinuruan ko sarili ko na maging okay with that. Nagbabasa ako ng self-help books. Ang laking tulong nun."

MORE HOT STORIES ON PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial says she and ex-boyfriend Diego Loyzaga had closure after breakup and she's happy to see him working on his relationship with his dad Cesar Montano.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @diegoloyzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results