PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nakaw na motor, ibinenta ng suspek; ang buyer, mismong may-ari

May record na ng pagnanakaw ang suspek.
Published Jan 6, 2023
nakaw na motor
Kamakailan, nagulat ang biktima nang makita niya na naka-post online ang nanakaw na motor niya at ibinebenta ito sa halagang PHP20,000.
PHOTO/S: News5 and GMA News

Arestado ang suspek na nagbenta ng isang nakaw na motorsiklo.

Walang itong kamalay-malay na ang kausap niyang buyer ng motor ay ang mismong may-ari pala.

Ang ninakaw na motor ay isang MXI FI 125 model na nagkakahalaga ng PHP80,000 kapag brand new.

Noong November 2022 ninakaw ang motor ng biktima.

Kamakailan, laking gulat nito nang makitang naka-post online ang kanyang motor at ibinebenta sa halagang PHP20,000.

Dumulog sa pulis ang biktima para ipaalam na for sale online ang nanakaw niyang motor.

Ani Police Lt. Col. Mark Janis Ballesteros ng Talipapa Police Station Commander sa ulat ng GMA News nitong January 5, 2022. “Pag search niya sa isang social site, nakita niya [biktima] na nandoon, binebenta iyong motor niya.

“Na-identify niya kaagad so nag-pose siya as siya iyong buyer nung motor.”

Tumulong ang kapulisan para sa entrapment operation at nahuli ang suspek na nagbebenta ng ninakaw na motor.

Nabawi ng biktima ang kanyang sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Ballesteros, “Nang ma-identify na iyon na nga ang motor niya kasi may distinct marks, e.

“And sa motor vehicle file doon sa plate number niya, positively identified na iyon.”

SUSPEK SA NAKAW NA MOTOR

Samantala, kinilala ng pulisya ang suspek.

Paliwanag ng suspek, “Binili ko po sa tao na bumaba sa lugar namin, sinasangla niya po ng PHP7,000.”

Inusisa ng reporters ang suspek kung hindi ito nakaramdam na nakaw ang motor.

“Di po ako nakaramdam ng duda nun kasi kakagising ko lang po noon, e.

“Yung tao na yun, ginising niya po ako sa bahay namin, e, yung tao na nagsangla sa akin nakikita ko na siya sa lugar namin parang tambay-tambay po siya doon.”

suspek nakaw na motor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng suspek na hindi niya personal na kilala ang umano’y nagsangla sa kanya ng motor.

“E, akala ko po hindi po nakaw kasi meron naman po siyang ipinakitang papel, e.

“Mahigit na pong two months nasa akin, e, hindi na po tinutubos. Kaya akala ko po hindi po siya nakaw.”

Sa kabilang banda, natuklasan ding may nakatagong sumpak sa motor.

Tinanong ang suspek kung sa kanya ang sumpak. Inako naman niya ito bagamat noong una ay nag-atubili siyang umamin.

“Wala lang ho yon,” depensa niya.

sumpak

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi naman ng pulisya na ang suspek ay may record na ng pagnanakaw sa kanilang file.

Sasampahan siya ng paglabag sa Anti-Fencing Law at illegal possession of firearm and ammunition.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kamakailan, nagulat ang biktima nang makita niya na naka-post online ang nanakaw na motor niya at ibinebenta ito sa halagang PHP20,000.
PHOTO/S: News5 and GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results