PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mary Joy Santiago signs with Viva

Mary Joy Santiago joins McCoy de Leon in Viva Artists Agency.
by Arniel C. Serato
Published Jan 6, 2023
Mary Joy Santiago inks contract with Viva a day after controversy
TikTok influencer Mary Joy Santiago (left) inks contract with Viva Artists Agency. Seen also in the photo (above, right) is her selfie with Viva big boss Vic del Rosario Jr.
PHOTO/S: Courtesy: Mary Joy Santiago on Facebook

Ang TikTok star na si Mary Joy Santiago ang pinakabagong contract artist ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment.

Kontrobersiyal ngayon ang pangalan ni Mary Joy dahil siya ang pinagbibintangang third party sa hiwalayan nina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Huwebes ng gabi, January 5, 2023, ibinahagi ni Mary Joy sa kanyang Facebook account ang ilang larawan na tila kuha mula sa kanyang contract signing.

Makikita rin dito ang larawan niya kasama ang Viva big boss na si Vic del Rosario Jr.

Simpleng caption ni Mary Joy, "Contract signing Viva Artist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umingay ang pangalan ni Mary Joy nang makaladkad ito sa hiwalayan ng McLisse.

Kumalat sa TikTok ang sweet na larawan niya kasama si McCoy nitong January 3, 2023.

Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?

Agad na naghinala ang netizens na may namamagitan sa dalawa dahil sumunod na kumalat ang screenshot ng conversation umano ni "Mary Joy" sa isang netizen tungkol sa kanila ni McCoy.

Ayon kay "Mary Joy," pumasok siya sa buhay ni McCoy na wala na sila ni Elisse.

Lalo pang umingay ang usapang tinuldukan na nina McCoy at Elisse ang dati nilang fairy-tale love story dahil wala na silang bagong picture na magkasama.

Dahil sa pag-viral ng larawan niya kasama ni McCoy, nagtulak ito sa aktor upang magpaabot ng open letter sa anak nila ni Elisse na si Felize sa pamamagitan ng Instagram.

Dito ay tila kinumpirma ng aktor na matagal na silang walang ugnayan ni Elisse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng mensahe ni McCoy sa anak: “Dont worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy...Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh.”

Read: Did McCoy de Leon confirm breakup with Elisse Joson via open letter to daughter?

Kinagabihan, kinumpirma na ni McCoy na hiwalay na nga sila ni Elisse.

Pero pinabulaanan niyang may third party sa kanilang breakup at hindi umano totoo ang screenshots ng convo na kumalat tungkol sa kanila ni Mary Joy.

Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."

Incidentally, si McCoy ay nasa pangangalaga na rin ng Viva Artists Agency.

Read: McCoy de Leon: Goodbye Star Magic, hello Viva Artists Agency

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TikTok influencer Mary Joy Santiago (left) inks contract with Viva Artists Agency. Seen also in the photo (above, right) is her selfie with Viva big boss Vic del Rosario Jr.
PHOTO/S: Courtesy: Mary Joy Santiago on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results