Mukhang unti-unti nang bumubuti ang kundisyon ng TV host na si Kris Aquino.
Base sa mga bagong larawan na ibinahagi ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa Instagram ngayong araw, January 3, 2023, tila hiyang si Kris sa gamutan sa Amerika.
Nasa Amerika ang pamilya ng pulitiko para sa isang bakasyon, at dinalaw na rin niya ang kaibigang si Kris na kasalukuyang nagpapagamot doon.
Makikita rin sa mga larawan ang mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.
Saad ni Mark sa caption ng kanyang post: “Spending the first day of the year with the Queen [yellow heart, sparkle emojis]”
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang kaligayahan na makitang nag-i-improve na ang kundisyon ni Kris:



CHRISTMAS MESSAGE
Nitong nakaraang December 24, 2022, Bisperas ng Pasko, ibinalita ni Kris sa kanyang followers sa Instagram na nilalakad ng kanyang abugado ang mga papeles upang makapag-stay pa sila sa Amerika kahit lagpas na sila ng anim na buwan doon.
Kasunod nito ang pagpapasalamat sa mga taong patuloy na ipinagdasal ang kanyang paggaling.
Sabi niya, “Discussing my 4 diagnosed autoimmune ailments (2 are life threatening) and a highly likely 5th because of my distinct physical manifestations isn’t something i want to do on Christmas Eve—but i have to BECAUSE gusto kong mag THANK YOU sa inyong lahat who still keep me, my sons, and my sisters & their families back home in your prayers.
“A lot of times i’ve had to verify over the phone my identity & 80% of the time BPOs from back home handle the calls. It’s heartwarming to hear the agents who know the calls are being recorded be 'Dedma' & say-'ma’am, my family always pray for you because we want you to regain your health…' others have said, 'Ms Aquino, i hope your treatment is working & that you’ll be healed…'”
Ibinahagi rin niya ang lyrics ng kanta ni Ariel Rivera na "Sana Ngayong Pasko" na inalay niya sa lahat ng taong hindi nakalimot sa kanya.
Dagdag pa ni Kris, “You all have your personal problems & heartaches BUT because of you, HINDI ito ang naging theme song namin nila kuya & bimb:
"Pasko na naman, nguni't wala ka pa
"Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo?
"Bakit ba naman kailangang lumisan pa?
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka
"Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
"Hinahanap-hanap pag-ibig mo
"At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako
"Muling makita ka at makasama ka
"Sa araw ng Pasko…
“We may be an ocean apart, BUT it matters so much to know that many of you who don’t even know me or my sons personally, care enough to remember us & want me to win this seemingly endless battle with my autoimmune conditions…”
Sa huli, sinabi ni Kris na darating din ang panahong makabawi siya sa mga kabutihang ipinaramdam sa kanya ng mga tao.
Aniya, “May God bless your kind & compassionate hearts… my Christmas wish is makabawi ako sa ginagawa nyong mabuti para sa ‘kin ngayon—my 1st cycle of immunotherapy treatment (same medicine as chemo BUT at a much lower dose given over a longer period of time) will take about 10 months…
"for now idadaan ko na lang po ang pasasalamat ko sa mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan sa religious & medical communities. #christmas2022 #thankful”
View this post on Instagram
RELATED ARTICLES:
- Kris Aquino to extend stay in the U.S.; says her illness causes "sagad sa buto" pain
- Kris Aquino admits coming close to giving up, but no; will undergo chemotherapy to ease autoimmune conditions
- Kris Aquino: "We found out life-threatening na yung illness ko."
- Kris Aquino diagnosed with two more autoimmune diseases fights on, says sister Ballsy
- Krissy Achino reveals plan to retire from impersonating Kris Aquino
- RB Chanco says Kris Aquino is really sick, but "hindi niyo mapapatay si Kris"
