Malaking palaisipan ngayon sa mga netizen kung magkasama nga ba sa bakasyon ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at YouTube vlogger na si Bella Racelis.
Ito'y matapos maispatan ang rumored couple na nagbabakasyon sa Japan.
Sa kanilang magkahiwalay na Instagram posts nitong Miyerkules, December 28, 2022, halos magkasunod nilang ibinahagi ang kanilang mga larawang kuha sa Japan.
Maliban dito, laman din ng kanilang Instagram stories ang pamamasyal nila ngunit walang direktang kumpirmasyon kung magkasama nga ba sila.




Unang nag-post si Bella ng kanyang mga larawan na nasa Shibuya, Tokyo sa Japan.
May simpleng caption itong Japanese character ngunit kung ita-translate sa English ay "good afternoon."
Makalipas lamang ang dalawang oras ay si Joshua naman ang nag-post sa kanyang Instagram account.
Mababasa sa kanyang caption, "a day in tokyo [Japan flag emoji]."
Dahil dito, mas naintriga ang kanilang fans na baka nga magkasama sila.
Sa comments section ng post ni Joshua ay bumuhos ang mga tanong ng kanyang tagahanga.
Komento ng isang netizen, "Sinong kasama mo?"
"Omg pareho silang nasa tokyo ni Bella," kilig na comment ng isang fans.
Saad ng isa, "Kapag hindi kasama sila Daniel, matic si Bella kasama HAHAHA."
Hamon pa ng isa, "Kung talagang matapang ka post mo kasama mo!!! HAHAHAHAHA"
Nagawa pang magbiro at mag-request ng isang netizen.
Aniya, "Gusto na namin po yung IG official post with bella hehe. Ang caption is "My 2022 plot twist" char love you both."
JOSHUA'S RELATIONSHIP STATUS
Noong November 15, 2022, nauna nang inamin ni Joshua na single siya kahit ilang beses na silang naispatang magkasama ni Bella.
Nangyari ang kanyang pag-amin nang makapanayam siya ni Ogie Diaz.
Tinanong kasi ni Ogie kung siya ba ay single o double na.
Mabilis na sagot ni Joshua, "Single."
Sundot na tanong ni Ogie, "So, hindi totoo yung ano?"
Ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagkakaugnay ni Joshua kay Bella.
Iwas at natatawang sagot ng aktor, "Huwag na nating pag-usapan yan.
"Basta ako, single ako. Nag-iisa ako... Wala nga akong kasama sa Japan, e."
Read: Joshua Garcia on his relationship status: "Single ako."
Matatandaang nagdiwang ng Halloween si Joshua sa Japan, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Robi Domingo, at Maiqui Pineda.
JOSHUA AND BELLA DATING RUMORS
Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa espesyal na relasyon nina Joshua at Bella nang makita silang magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Palaisipan din sa kanilang fans ang madalas na pagpapalitan nila ng komento sa Instagram.
Kasunod nito, itinampok din ng Kapamilya actor si Bella sa kanyang photography Instagram account.
Read: "Tapos na pila"? Joshua Garcia's video of Bella Racelis fuels romance rumor
October 2, 2022 nang muli silang maispatang magka-holding hands habang naglalakad sa isang mall.
Read: Joshua Garcia, Bella Racelis spotted holding hands while walking
October 7, 2022, ay muling umugong ang mga haka-hakang baka nga raw "sila na" nang i-post ni Bella ang mga litrato ni Joshua para batiin ito sa kanyang ika-25 na kaarawan.
Read: Vlogger Bella Racelis pens birthday greeting to rumored boyfriend Joshua Garcia
At nito lamang December 22, 2022, ay muli silang nakita ng mga netizen na magkasama sa reunion concert ng bandang Eraserheads.
