Si Joaquin Domagoso ang hinirang na best actor sa 16th Toronto Film and Script Awards sa Toronto, Canada noong November 23, 2022 dahil sa kanyang pagganap sa That Boy In The Dark.
Ito ang thriller movie na pinagbibidahan niya kasama ang mga baguhang artista na sina Aneeza Gutierrez at Kiko Ipapo.
Muling nadagdagan ang acting award ni Joaquin.
Eksaktong isang buwan matapos na magwagi sa 16th Toronto Film and Script Awards, siya ang hinirang na best actor sa 2022 Five Continents International Film Festival (FCIFF), ang online festival ng Venezuela.
Para pa rin ito sa pag-arte na ipinamalas niya sa That Boy In The Dark.
Ang producer na si Edwin Roxas ng BMW8 Entertainment Art Services ang nakatanggap ng email ngayong Biyernes, December 23, 2022, mula sa festival organizer tungkol sa magandang balita at tagumpay ng That Boy In The Dark sa 2022 FCIFF.
Hindi lamang si Joaquin ang nanalo dahil ang That Boy In The Dark ang tinanghal na Best Thriller Feature Film, Best Screenplay Feature Film (Gina Marissa Tagasa) at Best Lighting Feature Film (Nelson Macababat, Jr.).
Special Mention Director Feature Film ang pagkilala na tinanggap ng That Boy In The Dark director na si Adolf Alix, Jr. at Special Mention Supporting Actor Feature Film ang ipinagkaloob kay Kiko Ipapo, ang co-star ni Joaquin sa pelikula.
Nakatakda itong ipalabas sa January 8, 2022 sa mga sinehan sa Pilipinas.

Watch Joaquin Domogaso, Aneeza Gutierrez, and Kiko Ipapo on PEP Live: