PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2022 Parade of Stars Sidelights

Atty. Topacio, may binuking kay Aljur Abrenica?
by Jerry Olea
Published Dec 23, 2022
MMFF 2022 sidelights
Mga masayang tagpo sa MMFF 2022 Parade of Stars: Heaven Peralejo, puring-puri sa leading man na si Ian Veneracion (Nananahimik Ang Gabi); Sean de Guzman, natuwa sa dami ng fans sa parada (My Father, Myself); Toni Gonzaga, cute ang groufie kasama ng co-stars (My Teacher); Agot Isidro, Mylene Dizon, at Nikki Valdez all smiles habang sakay ng float (Family Matters); Vice Ganda at Ivana Alawi, enjoy na enjoy sa parada; at float ng Deleter at Labyu With An Accent napaligiran ng fans.
PHOTO/S: Sany Chua

Maningning ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 Parade of Stars nitong Disyembre 21, 2022, Miyerkules.

Nag-umpisa ito sa Welcome Rotonda ng Quezon City, binagtas ang Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle.

MMFF 2022 Labyu With An Accent

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, hindi matatawaran ang star value ng mga bida ng Partners In Crime na sina Vice Ganda at Ivana Alawi, ganoon din ang mga bida ng Labyu With An Accent na sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria. Kapamilya forever!

MMFF 2022 sidelights Partners in Crime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Usap-usapan ang “pamamasyal” ni Vice sa karosa ng My Teacher para bumati at makipagyakapan sa dating Kapamilya na si Toni Gonzaga.

MMFF 2022 sidelights My Teacher

Nagkasama sina Vice at Toni sa pelikulang This Guy’s In Love With You, Mare (2012) kung saan bahagi ng love triangle si Luis Manzano.

"KAMANDAG" NI IAN VENERACION

Umikot ang istorya ng suspense thriller na Nanahimik Ang Gabi sa tatlong karakter lamang, at present sa parada ang mga nagsiganap na sina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Mon, “Revelation si Heaven, e! Totoo naman na napakahusay ni Heaven sa pelikula namin. Kaya pag napanood nyo, kayo na ang mag-judge!”

Ang daming babae at bading ang kilig-kiligan kay Ian sa parada, maging sa Quezon Memorial Circle kung saan ginanap ang programa.

Bulalas ni Heaven, “Iba talaga! Hindi nawala ang kamandag niya!”

MMFF 2022 Nananahimik Ang Gabi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sobrang masaya si Heaven sa magagandang feedback sa acting niya matapos ang premiere night ng Nanahimik Ang Gabi.

Lahad pa ni Heaven, “At least nakita po nila ang passion ko with my craft. Nakita nila on screen. Sana po, maraming moviegoers ang manood. Kasi, this is more than a sugardady-sugarbaby story. It’s also a commentary about values and morals.”

JAMES BLANCO ON NOEL TRINIDAD AND LIZA LORENA

Hindi nakasama sa Parade of Stars ang 76-anyos na si Joey de Leon, na co-star ni Toni Gonzaga sa My Teacher.

Absent din ang lead stars ng Family Matters, ang 81-anyos na si Noel Trinidad at 73-anyos na si Liza Lorena.

Sabi ni James Blanco na supervising producer ng Family Matters maliban sa pagiging artista sa movie, “Si Tito Noel, nakabakasyon na.

"Tapos ikinunsider din namin, medyo mahaba ang parade, e, may vertigo si Tito Noel. So baka sumpungin ng vertigo, mahirap na. Kaya hindi na namin siya pinilit na sumama dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ikino-consider natin ang age nila."

Absent din sa float ng Family Matters si Nonie Buencamino pero nandoon sina Mylene Dizon, Agot Isidro, JC Santos, Ian Pangilinan, Anna Luna, at Direk Nuel Naval.

Sabi ni Agot, “Ang Family Matters po ay kuwento ng isang pamilya, kuwento ng pamilya nyo, kuwento nating lahat. Lahat ng mga pinagdadaanan pero nao-overcome naman dahil sa pagmamahal ng pamilya.”

MMFF 2022 sidelights Family Matters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF FIRST-TIMERS

Hindi nakasama sa parada si Dimples Romana ng My Father, Myself, maging ang direktor ng pelikula na si Joel Lamangan na sumailalim sa triple bypass operation noong Disyembre 5.

First timer sa MMFF Parade of Stars sina Sean de Guzman, Tiffany Grey, at scriptwriter na si Quinn Carillo.

Sabi ni Sean, "Nakakatuwa po at nakakataba ng puso kasi first time ko itong mangyari sa buhay ko, and napakadaming taong sumusuporta sa amin."

MMFF 2022 My Father, Myself

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Tiffany, "Overwhelmed talaga, super-blessed. Kasi first time ko din, newcomer ako sa showbiz at sobrang thankful ako na napasama ako sa movie."

Bulalas ni Quinn, "Nakaka-flatter kasi sinama pa nila ako sa parade! I didn’t expect it pero sobrang thankful po ako sa buong production, sa mga tao. At sobrang nakaka-overwhelm ang mga tao!"

Kumanta si Jake Cuenca, at tumalon mula sa stage. Hiyawan ang fans na nilapitan niya. Later on ay hinubad pa niya ang suot na t-shirt at ihinagis sa cro

Humabol si Dimples sa Quezon Memorial Circle kaya nakasama siya nina Jake, Sean, Tiffany, at Quinn sa pagpapalitrato kasama ang audience.

Ang My Father, Myself ay R-18 ang rating mula sa MTRCB, kaya hindi ito mapapanood sa SM Cinemas.

Sa inilabas kasing poster ng SM, akala ng iba ay pito lang ang official entries ng MMFF dahil wala roon ang My Father, Myself.

Kumpleto rin ang mga pangunahing artista ng Deleter na sina Nadine Lustre, Louise de los Reyes, McCoy de Leon, at Jeffrey Hidalgo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2022 sidelights Deleter

Pero sa float ng Mamasapano: Now It Can Be Told, wala ang tatlong bida na sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, at Paolo Gumabao.

Nasa Mamasapano float ang Vivamax hunks na sina Marco Gomez, AJ Oteyza, at Elmo Elarmo, ang gumanap na PNoy na si Jervic Cajarop, ang direktor na si Lester Dimaranan, at producer na si Atty. Ferdie Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panghuli sa parada ang float ng Mamasapano. Bago pa sumampa sa stage ang entourage ng Mamasapano, nilinaw ni Atty. Topacio na wala siyang tampo kina Edu, Aljur, at Paolo.

Mamasapano Now It Can Be Told

Paliwanag ni Atty. Topacio, “Si Paolo, confirmed siya. Actually, trinangkaso kahapon. Pinagod daw siya ni Jane de Leon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasama sina Paolo at Jane sa Kapamilya fantaseryeng Mars Ravelo’s Darna.

Hindi malinaw kung gumaling ba agad si Paolo, dahil kinabukasan ay namataan siyang dumalo sa intimate Christmas party ni Engr. Benjie Austria, producer ng pelikulang Broken Blooms.

Paolo Gumabao

Sa kaso ng pagiging missing in action ni Aljur, may paliwanag din si Atty. Topacio:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Aljur naman, nag-aalaga ng bata. Ehrr char-char-char!!! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Wala naman akong sinasabi, bata lang naman.

"Si Edu, nag-promote pa ng post niya sa Facebook. They were in full force nung premiere. Nandun si Paolo, nandun si Aljur, nandun si Claudine [Barretto].

"Wala si Edu sa premiere, although nung una naman, very active siya sa mga presscon namin. Baka busy lang sa mga taping niya. Di ba, may show siya, e, alam ko.

"Wala akong sama ng loob sa kanya. Antagal-tagal ko nang kaibigan si Edu. I’ve known him since the 1990s. He’s a very good friend of mine, and he was the one who volunteered to play the part of Mayor Magalong, Gen. Magalong in this movie.

"I’m sure, he just has his reasons. Yung sa premiere, dapat darating siya… na-asthma naman. Tunawag sa akin si Tita June [Rufino, manager ni Edu].”

Ang senior citizen na si Rez Cortez ay kasama sa cast ng Mamasapano, pero sumakay siya sa float ng Partners In Crime kung saan mas malaki ang role niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May block screening ang Mamasapano movie sa December 28 sa Baguio City, kung saan namumuno si Mayor Magalong.

Mamasapano Now It Can Be Told

MAYOR JOY BELMONTE

Quezon City ang host ng MMFF 2022 kaya si Mayor Joy Belmonte ang nagpasimuno ng seremonya ng Parade of Stars sa Welcome Rotonda.

Si Mayor Joy kasama si MMDA Acting Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman Don Artes, kasama ang iba pang opisyales, ang nag-welcome sa mga karosa sa pagdating sa Quezon Memorial Circle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng welcome remarks ni Mayor Joy, “Nagpapasalamat po ako sa MMDA na pinili po nila ang Lungsod Quezon bilang lungsod kung saan idadaos ang muling pagbangon ng pelikulang Pilipino sa MMFF 2022.

"Kung matatandaan po ninyo, ang huli pong Parada ng mga Bituin ay 2019 pa po itinanghal, tapos nagkaroon ng pandemya. Ngayon, buhay na buhay muli ang pelikulang Pilipino sa MMFF 2022!

"Lahat po ng pelikula ay tunay na magaganda at quality films. At tayo naman ay haping-happy to be the host this year dahil tayo ang City of Stars!

"Kaya ang sabi nga ng mga tao, nagbalik na, umuwi na ang MMFF 2022 dahil kung saan-saan sila dati sa Metro Manila pero ngayon, sa pagbangon muli ng industriya, sa Lungsod Quezon muli sila nagdaos.

"Kaya maraming-marami pong salamat, MMDA, sa pagpili sa Quezon City. So ang akin lang pakiusap, mga QCitizens, sana po sa darating na December 25 hanggang January 7, tangkilikin po natin ang lahat ng walong pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Handa ba tayong mag-marathon, manood ng pelikula? Ayan, ano ang gusto ninyong panoorin? O, iba-iba ang naririnig ko.

"May mga fans diyan ni Ian Veneracion, Jake Cuenca, ni Vice Ganda, ni Nadine Lustre. Ayan, para huwag na tayong magkumpetensya, lahat panoorin na natin! Kaya ba natin?!

"Kayang-kaya! Susuportahan ba natin muli ang pelikulang Pilipino? Bubuhayin ba natin muli ang industriya ng pelikulang Pilipino?

"Ayan! Dito sa Lungsod Quezon, kabalikat nyo po kami at sa lahat po ng panahon ay andito kami, nakasuporta sa inyo!”

Mayor Joy Belmonte, MMFF 2022 Parade of Stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga masayang tagpo sa MMFF 2022 Parade of Stars: Heaven Peralejo, puring-puri sa leading man na si Ian Veneracion (Nananahimik Ang Gabi); Sean de Guzman, natuwa sa dami ng fans sa parada (My Father, Myself); Toni Gonzaga, cute ang groufie kasama ng co-stars (My Teacher); Agot Isidro, Mylene Dizon, at Nikki Valdez all smiles habang sakay ng float (Family Matters); Vice Ganda at Ivana Alawi, enjoy na enjoy sa parada; at float ng Deleter at Labyu With An Accent napaligiran ng fans.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results