Walang pagsidlan ng saya si Teresa Loyzaga sa bonding ng kanyang dating karelasyong si Cesar Montano at anak nilang si Diego Loyzaga.
Naniniwala si Teresa na “miracle” ang magandang relasyon ngayon sa pagitan ng mag-amang Cesar at Diego.
Nasa Hawaii ngayon ang mag-ama para sa trabaho at nagsisilbing bonding na rin nila.
Nag-post si Cesar ng stolen shots nila ni Diego habang naglalakad sa isang open area sa Hawaii.
Caption ni Cesar: "First time, to work and to travel with my son @diegoloyzaga.
“Had a great time in Hawaii. Looking for more.”
“I love you dad!” komento ni Diego sa post ng tatay.
Ipinost naman ni Diego ang video nilang mag-ama na naglalakad sa Hawaii.
Komento rito ni Teresa (published as is): “So heartwarming [red heart emoji]”
Nagkomento rin si Sunshine Cruz ng tatlong red heart emojis at tatlong “in love” emojis.

Si Sunshine ay dating asawa ni Cesar at mayroon silang tatlong anak na babae.
Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2000 at na-grant ang annulment nila noong 2018.
TERESA’S POST
Samantala, nag-post naman si Teresa sa bonding ng mag-ama sa Hawaii noong nakaraang linggo pa.
Ipinost niya ang mga larawan ng mag-ama at bakas ang closeness kanilang closeness.
Caption ni Teresa (published as is): “Father and Son. Look at these two traveling together! What a beautiful picture.
“Im so so happy for you! Who would have thought!
“The power of prayer. Miracles do happen! Have a blast!!!!”

Tatlong red heart emojis naman ang komento ni Sunshine.
Reply naman ni Teresa: “Shine, minsan lahat tayo dito naman sa OZ [Australia]!!! Ang saya!!!!”
Noong August 2022, nakasama ni Sunshine si Cesar at ang current partner nitong si Kath Angeles.
Ito ay para sa debut ng anak nina Sunshine at Cesar na si Samantha.
Nang sumunod na buwan, September 2022, muling nakasama ni Sunshine si Cesar at Kath at ang mga anak nila.
Ito ay para naman sa 21st birthday ni Angelina, ang panganay nina Sunshine at Cesar.
Patunay lang ito na tanggap na nina Sunshine at Cesar ang kanilang blended family.
