Sa murang edad, ramdam na ramdam ang sakit na naramdaman ng bunso nina Andrew Schimmer at Jho Rovero na si Xander Schimmer.
Si Xander ay nagdiwang ng kaarawan sa unang gabi ng burol ng namayapang inang si Jho noong Miyerkules, December 21, 2022.
Sa isang YouTube video, makikitang nag-blow ng cake si Xander sa loob ng punerarya kung saan nakalagak ang mga labi ng ina.

Nang matanong kung ano ang wish niya, sagot ng bata: “I wish I will see mommy again.”
Sa isang bahagi ng video, kinakausap ni Xander ang inang nakahiga sa kanyang ataul.
Ayon sa bata, sinunod niya ang kagustuhan ng ina na mamigay ng kahit kaunting pagkain sa mga tao sa kanyang kaarawan.
Miss na miss na rin daw niya ito.
Sana raw ay makapiling niya muli ang inang si Jho.
Saad ni Xander na waring kinakausap ang ina, “Mommy, today is my birthday. I went first time to 7-Eleven. I helped someone. I gave them noodles because that's what you wanted.
"Also, I really miss you super dearly. Mommy, someday we will see each other again. I love you. And I love you so much. I miss you super-duper much.
"And I love you forever and ever, Mommy. I just wish you were well again and come home... I really, really wish that you come home and you were okay.
"And I really want you to be proud of me and Ate and Daddy. We'll keep making you proud every single day. Mommy, I love you so much. Ba-bye na, Mommy.”
Matatandaang sinabi ni Andrew noong December 20, 2022, na dobleng dagok ang kinaharap ng kanyang pamilya dahil sasalubungin sana nila ang birthday ng anak ngunit pumanaw naman si Jho noong araw na iyon.
Read: Andrew Schimmer’s partner Jho Rovero dies
Kaya tila hindi na daw ganun kasaya ang bawat Paskong darating sa kanya at sa kanyang pamilya.
Read: Andrew Schimmer posts short clip recorded hours before partner Jho Rovero passed away
