Labis-labis pa rin ang hinagpis ni Andrew Schimmer matapos ang pagpanaw ng kanyang partner na si Jho Rovero.
Sa Facebook ngayong araw, December 22, 2022, nagbahagi si Andrew ng isang short video clip.
Kasama niya sa video ang bunso nilang anak na lalaki.
Pero ang video ay kuha pa noong umaga ng December 20, ilang oras bago sumakabilang buhay si Jho.
Sabi Andrew sa video, ito ang araw ng guesting niya sa Family Feud ng GMA-7.
Kinunan niya ang video bandang alas-singko ng umaga.
Ito rin daw ang araw na birthday ng bunso nila.
Plano sana ni Andrew na pagkatapos ng taping niya ay pupunta sila ng anak sa ospital upang doon ito magdiwang ng kaarawan.
Aniya, “Anyway ang pinaka-special sa araw na to, mamaya after ng work ko ay birthday ng baby bunso. It’s his birthday.
“So mamaya after ng work ng daddy, pupunta kami sa mommy, dun kami magsi-celebrate ng kanyang birthday salubong.
“So samahan niyo kami mamaya guys. Salubungin natin yung birthday niya. Yun ang request niya, e. Gusto niya, dun siya mag-celebrate kung nasaan ang mommy niya.”
Makikita sa itsura ni Andrew na very positive siya nung araw na iyon.
Pero, hindi niya na-post ang video noon at ngayong araw lang niya ito naibahagi kasama ng larawan ng bangkay ni Jho.
Sentimiyento ni Andrew, minsan daw ang buhay ay magbibigay ng mga pangyayaring sa kaso niya ay nais niyang kasuklaman ang sarili.
At dahil nga paparating na ang araw ng Pasko, parang hindi na raw ito kasing-saya sa kanyang nakagawiang pagdiriwang.
Buong caption ni Andrew, “Sometimes life will break you to the point of no return [broken heart emoji] it will give you so many circumstances that you will really hate your self [broken heart, crying emojis]
"I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again.”
Pumanaw si Jho noong Martes, December 20, matapos ang lagpas isang taon itong nakipaglaban sa kanyang sakit na severe hypoxemia na nauwi sa iba’t ibang kumplikasyon.
