Pagkatapos magdesisyong tapusin na ang kanilang relasyon at maghiwalay na ng landas, parehong maganda ang tinatakbo ng showbiz career nila Jake Cuenca at Kylie Verzosa.
Parte ng Kapamilya seryeng Iron Heart si Jake at pinuri ang husay na pinakita niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Father, My Self.
Si Kylie naman ay tinanghal bilang Best Actress sa 2022 Distinctive International Arab Festivals Awards sa Dubai, United Arab Emirates nung December 7, 2022.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa premiere night ng My Father, My Self, na ginanap sa Trinoma Cinema 6 nung December 19, 2022.
Hiningan namin ng reaksyon si Jake sa award na natanggap ng dating live-in partner.
"Congratulations," mensahe ni Jake kay Kylie.
Dugtong ng Kapamilya actor, "I've said it all in my texts... Siguro at this point, now may sarili na siyang tinatahak, may sarili akong tinatahak...
"No matter [what] I'll be proud of her. Like I've said on my text, silently I'll be supporting, silently I'm proud of her."
Naging tapat naman si Jake sa pagsasabing moving on na siya.
"Pero siyempre nasa ibang chapter na siya ng buhay niya. Like I've said on the press conference, I have to move on also, I have to move on to the next step.
"Nakakadaling mag-move on when you get successful days like this.
"Thank you to all the fans, to all the inspiring actors, nakakatuwa kasi they stayed all throughout the film.
"Tumili sila, nagsigawan sila sa film, nakakatuwa, nakakataba ng puso, we'll see you on December 25 for My Father, Myself."
Lubos ang saya ni Jake sa mainit na pagtanggap ng mga nanonood sa premiere night ng My Father, My Self.
Maging sa Instagram Stories niya ay panay ang repost ng aktor sa mga nagko-congratulate sa kanya.
"I am so proud. Natutuwa lang ako sa reaction ng mga tao, nakakataba ng puso, thank you.
"Sobrang nakakatuwa, nakakatuwa yung reactions ng audience kasi na-enjoy nila yung movie. I'm just happy to have a nice movie in the bag."
