Bukod sa makulay ang mundo ng showbiz, lalo pang nagpapasigla sa pag-inog ng mundo nito ang mga relasyong nabubuo sa pagitan ng ilang celebrities.
Ngunit kahit masasabing fairy tale ang pagkabuo ng relasyon ng dalawang tao, magugulat na lamang ang netizens dahil sa huli, nauwi rin sa unhappy ending ang ilan.
Narito ang pinag-uusapang showbiz breakups ngayong 2022:
CARLA ABELLANA-TOM RODRIGUEZ

Hindi maganda ang pasok ng taong 2022 dahil sa pumutok na hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez noong January 25.
Ito ay sa kabila nang kakakasal lamang ng dalawa noong October 23, 2021 pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan.
Read: Tom Rodriguez and Carla Abellana are now married
Kung susumahin, tatlong buwan lamang nagsama bilang mag-asawa ang dalawa at naghiwalay kaagad.
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?
Sa isang panayam sa ama ni Carla na si Rey PJ Abellana, inamin nitong nagkaroon ng marital issue sa kanyang anak at sa asawang si Tom dahil sa diumano’y infidelity ng huli.
June 15, 2022, binasag ni Carla ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan.
Tila sumabog si Carla kaya’t ipinaliwanag ang sarili at inilabas ang matagal nang kinikimkim na galit sa puso.
Panimula ni Carla sa isang YouTube commenter, "Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.”
Makahulugang dagdag niya: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.
“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”
Sa isa namang pahayag, sinabi ni Tom na sinukuan na niya si Carla at ang kanilang pagsasama sa kabila ng kanyang "efforts."
Hindi na raw nadaan sa maayos na usapan ang kanilang gusot. Silang dalawa lamang daw ng estranged wife ang nakakaalam ng katotohanan.
Pahayag ni Tom: "I left the Philippines for the U.S. last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage.
"A lot has been said against me, but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth.
"I refuse to allow anyone, who only wants to use us and our brokenness, for news.
"It was not a perfect relationship, but we know how much we loved each other."
Pinabulaanan din niyang sinaktan niya nang pisikal ang estranged wife.
Read: Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced
SUNSHINE CRUZ-MACKY MATHAY

Apat na buwan na ngayong Disyembre mula nang pumutok ang balitang hiwalay na sina Sunshine Cruz at San Juan City Councilor Macky Mathay.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tahasang nagsasalita si Sunshine tungkol sa bali-balitang ito.
Iniiwasan niyang matanong tungkol sa kanyang love life.
Sa isang event noong December 6, 2022, naitanong sa aktres ang tungkol sa estado ng kanyang puso. Pero paiwas ang kanyang tugon dito.
Sabi lang niya, “I’m okay, lagi naman tayong okay. Ah, ano ba... yun lang.”
May sumingit namang nagtanong kung may nagmamahal na ba sa kanyang special someone?
Sagot ng aktres na nakangiti pa rin, “No, ay naku, huwag niyo nang i-push.”
Read: Sunshine Cruz evades questions about love life: “Huwag niyo nang i-push.”
Pumutok ang balitang hiwalay na sina Macky at Sunshine dahil sa “realizations” post ng aktres sa Instagram noong nakaraang September 22, 2022.
Read: Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?
Noong October 9, 2022, tila may malalim namang hugot ang aktres sa isang post nito sa Instagram.
Ito ay isang quote ng isang anonymous author tungkol sa pakikipaghiwalay.
Read: Sunshine Cruz posts new cryptic note fueling breakup rumors anew
Samantala, tila nangungulila pa rin si Macky sa ex-girlfriend na si Sunshine.
Kapansin-pansin sa pinakahuling mga post nito sa Instagram ang paggamit niya ng salitang “sunshine,” na pahiwatig niya sa nobyang diumano’y nakahiwalayan niya nitong September 2022.
Read: Macky Mathay still longs for "sunshine" amid rumored breakup with Sunshine Cruz
JK LABAJO-MAUREEN WROBLEWITZ

Maayos na naghiwalay ang dating magkasintahang sina JK Labajo at Maureen Wroblewitz.
Sa Instagram noong June 10, 2022, halos sabay na nag-post ng mensahe sina JK at Maureen upang ihayag ang kanilang saloobin tungkol sa breakup nila.
Base sa kani-kanilang mensahe, mukhang maayos ang naging hiwalayan nila ngunit hindi idinetalye ng dalawa kung ano ang dahilan.
Ayon kina JK at Maureen, para ito sa kanilang "personal growth" dahil mga bata pa sila.
Si JK ay 21 lamang at si Maureen ay 24.
Ayon kay JK, mula sa pagiging "magka-ibigan" ay "matalik na magkaibigan" na sila ngayon ni Maureen.
Kahit ano raw ang mangyari ay si Maureen pa rin ang kanyang “buwan,” na hango sa sikat niyang kanta na may kaparehong titulo.
Buong mensahe ni JK para sa dating kasintahan: “Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan.
"Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan.
"Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli. [heart emoji]”
Sa kanya namang account, nag-post si Maureen ng larawan ng tatlong paru-parong lumilipad.
May nakasulat dito na: “life is not happening to you, life is happening for you.”
Caption ni Maureen: “some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own [heart emoji]”
Read: JK Labajo and Maureen Wroblewitz break up
August 2019 nang mahalata ang special closeness nina JK at Maureen.
Read: Maureen Wroblewitz drops a hint that JK Labajo is her first boyfriend
JANELLA SALVADOR-MARKUS PATERSON

Kalagitnaan ng taong 2022, umugong ang balitang naghiwalay na raw sina Janella Salvador at Markus Paterson.
Bagamat hindi nila ito tahasang kinumpirma o itinanggi, naging malaman ang mga binitawan nilang pahayag.
Una munang nagsalita si Markus sa June 11, 2022 episode ng Cinema News tungkol sa usap-usapang wala na sila ni Janella.
Pahayag ng Filipino-British actor, “Well, I mean, our relationship status is definitely something that people are asking about…
“But as of now, I’m gonna let her do the talking on this status situation.”
Paniniguro naman niya, “But we’re both very good, we have a very good relationship with each other. So, let’s just leave it at that for now.”
Nang mausisa sa lagay ng kanyang puso, sinabi ni Markus na masaya siya.
Aniya, “I’ve come to terms with a lot this year, so far. And I just can’t wait to grow more, learn more about everything in life, in my craft, relationships, fatherhood…”
Sina Janella at Markus ay may two-year-old son na si Jude.
Nagsalita na rin si Janella tungkol sa isyu noong June 16, 2022.
Katulad ni Markus, sinabi ni Janella na aware siya tungkol sa isyung hiwalay na umano sila. Pero wala ring direktang sagot ang aktres kung totoo o hindi ang balita.
Sa YouTube interview ng entertainment reporter na si Kiko Escuadro, nakiusap si Janella sa publiko na bigyan pa sila ng panahon at privacy.
Sabi ng aktres, “Markus and I are okay and I’m aware of the speculations that are going around.
“Pero siguro, I’m asking people to give us more time. I-respect kung ano man yung nangyayari.
“Pero okay kami. We’re okay. We’re totally okay,”
Reaksiyon pa ni Janella sa patuloy na pag-uusisa ukol sa isyung hiwalayan, “Siguro hindi na maiiwasan na people will talk, pero yun nga, I hope people will respect our privacy as of now.”
Read: Janella Salvador, Markus Paterson neither confirm nor deny breakup rumors
August 8, 2022, diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment) si Janella sa media conference ng Darna kung hiwalay na nga ba sila ni Marcus.
Hindi direktang sinagot ng aktres ang tanong.
Makahulugan niyang pahayag: "Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okay naman kami, basta okay kami.
"We're both happy as individuals and our main priority is Jude."
Read: Janella Salvador hints at breakup with Markus Paterson
Samantala, nitong nakaraang September 2022, kinumpirma na mismo ni Janella na isa na siyang single mother.
Ito ay matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang dating partner na si Markus.
Read: Janella Salvador thoroughly single mom: "Kaya kong gawin...talagang nilalaban ko yun."
Noong September 9, 2022, si Markus naman ang nagsalita tungkol sa breakup nila ni Janella.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinunyag ni Markus na matagal na silang hiwalay ni Janella at ang priority nila ngayon ay ang kapakanan ng kanilang anak na si Jude.
Aniya, “Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year.
"She's happy in life, and I'm happy in life and our only priority is Jude."
Nilinaw rin ng aktor na hindi si Janella ang pinatutungkulan ng kanyang kontrobersiyal na pahayag kamakailan.
Matatandaang sa unang episode ng Boys After Dark (BAD) ng Rise Artists Studio na ini-upload sa YouTube noong nakaraang September 3, 2022, sinabi ni Markus na hindi na siya magdi-date ng babaeng taga-showbiz.
Read: Markus Paterson on lessons from past relationships: “Never to f*ck*ng date someone in the industry.”
Ani Marcus sa Instagram Story niya, "What I said in the podcast wasn’t actually about her, but I understand that it was open to misinterpretation because of the way I phrased it & since we never actually announced our break-up."
Read: Markus Paterson reveals breakup with Janella Salvador happened almost a year ago
MOIRA DELA TORRE-JASON HERNANDEZ

Ginulat nina Moira dela Torre at Jason Hernandez ang publiko sa kanilang announcement na sila ay maghihiwalay na.
Sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, at Instagram noong May 31, 2022, ibinahagi ni Jason ang isang short note na nagsasabing napagdesisyunan nilang mag-asawa na maghiwalay na ng landas.
Nakasaad dito: "It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request privacy during this difficult time.
"Jason & Moira."
Isang madamdaming caption naman ang isinulat dito ni Jason. Ito raw ang pinakamahirap na note na kanyang isinulat.
Inamin daw niya mismo sa asawang hindi siya naging tapat dito sa loob ng kanilang pagsasama.
Saad ni Jason, "This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.
"3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her.
"Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.
"I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a 'peaceful' but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.
"From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi."
Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”
Sa kainitan ng kampanya para sa 2022 national and local elections nitong nakaraang April 2022, kumalat ang usap-usapang hiwalay na diumano sina Moira at Jason.
Ayon pa sa ilang fans, binura rin daw ni Moira ang kanilang TikTok videos, at tinanggal niya sa Facebook ang "Hernandez" sa kanyang surname.
Ngunit pinabulaanan ito ni Jason.
Read: Jason Hernandez denies breakup rumor with wife Moira dela Torre
Sa ngayon, unti-unti na raw gumagaling ang puso ni Moira mula sa hiwalayan nila ni Jason.
Kaya naman pansin ng netizens ang glow-up at fresh na awra ni Moira, ilang buwan matapos niyang mahiwalay sa asawa.
Sabi pa niya sa panayam ng ABS-CBN News entertainment reporter na si MJ Felipe, "I think I just healed.
"There was a long time when I wasn't confident in how I look and how I felt.
"Ngayon ko lang siguro naramdaman na I don't look so bad after all.
"Now, I’m very careful with the people that I allow into my life, the projects that I allowed in my life."
Read: Moira dela Torre "just healed" six months after split with estranged husband Jason Hernandez
Si Jason naman ay balik na sa kanyang pagsusulat ng kanta at nakapaglabas na ng album nitong nakaraang November.
Read: Jason Hernandez back to Instagram months after breakup with wife Moira dela Torre
January 14, 2019 nang ikinasal sina Moira at Jason sa isang garden wedding sa Tagaytay.
Sa panayam sa morning show na Magandang Buhay ng ABS-CBN bago ang kanilang garden wedding, ibinunyag nina Moira at Jason na nagpakasal na rin sila sa isang civil ceremony noong January 8, 2019.
Pero nireserba raw nila ang kanilang first kiss sa actual wedding.
POKWANG-LEE O'BRIAN

Noong 2021 pa hiwalay sina Pokwang at partner nitong si Lee O’Brian, pero noong July 8, 2022 lamang ito.kinumpirma ng entertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.
Ginawa ni Ogie ang rebelasyon matapos niyang sabihing marami ang nagtanong kamakailan kay Cristy Fermin sa kanyang show tungkol sa status nina Pokwang at Lee.
Mukhang nakatunog ang netizens dahil wala nang mga post sina Pokwang at Lee nang magkasama.
Nagpalit na rin ng packaging ang sauce-and-condiments business ni Pokwang na dati ay branding nila ni Lee, pero ngayon ay si Pokwang na lang ang nakalagay.
Tinatayang pitong buwan na raw hiwalay sina Pokwang at Lee.
Read: Pokwang and Lee O’Brian have broken up in November 2021—Ogie Diaz
At noong July 10, 2022, kinumpirma na mismo kay Pokwang na pitong buwan na nga silang hiwalay ni Lee.
Sabi pa ng Kapuso comedienne, nananatili silang co-parents sa four-year-old daughter nilang si Malia.
Saad ni Pokwang sa caption (published as is), “Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia,
“Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon”
Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian
Sa panayam naman kay Pokwang sa 24 Oras noong July 12, inamin niyang nasasaktan siya sa mga nababasa niya sa social media na kung anu-anong klaseng espekulasyon tungkol sa kanilang hiwalayan ni Lee.
Ilan nga sa mga ito ay ang usapin tungkol sa pera at ang pagiging “palamunin” umano ni Lee sa kanilang tahanan.
Pagtatanggol ni Pokwang, umiiyak, “Una sa lahat, walang third party, wala, in all fairness kay Papang.
"Di rin pera kagaya ng mga lumalabas na pera, hindi ho, walang ganun.
“Siguro naano lang kami, ano ba tawag dun? Napagod.
"Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan niyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama.
“Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po yung tao.”
Read: Pokwang defends ex-partner Lee O’Brian from "palamunin" accusation: “Masipag po yung tao.”
BARBIE IMPERIAL-DIEGO LOYZAGA

Bungad pa lang ng taong 2022, umalingasngas naman ang hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Ito ay matapos silang magdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan noong December 12, 2021.
Matapos nito ay hindi na nakitang magkasama sa kanilang social media posts ang dalawa.
Hindi rin sila magkasamang nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.
Wala rin silang mensahe para sa isa’t isa sa mga nasabing espesyal na okasyon.
Nang magbakasyon naman si Diego sa Amerika ay hindi rin niya kasama si Barbie.
Kaya tanong ng curious netizens: hiwalay na ba sina Diego at Barbie?
Sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan ni Diego, ang The Wife ng Vivamax, noong January 21, 2022, naitanong sa aktor kung bakit hindi niya kasama si Barbie nang magpunta siya sa Amerika.
Paliwanag ni Diego, biglaan ang kanyang desisyong mag-abroad at hindi talaga ito nakaplano.
Wala rin daw U.S. visa si Barbie kaya hindi talaga ito maaaring bumiyahe papuntang Amerika.
Buong paliwanag ni Diego: “I came here all of a sudden. Like, I came here, like, it wasn't planned. And I don’t think Barbie has a blue passport.
“I booked my flight a day before I left. So, yeah, I don’t think even if she wanted to come here, she couldn’t come here.
"She needs a visa to come here, I think.”
Read: Is Diego Loyzaga-Barbie Imperial relationship on the rocks?
February 3, 2022, sa interview sa kanya ni MJ Felipe, inamin na mismo ni Barbie ang breakup nila ni Diego.
Hindi na humarap sa camera si Barbie at hindi na rin siya nagbigay ng paliwanag sa paghihiwalay nila ni Diego.
Ang tiniyak daw ni Barbie, maayos ang paghihiwalay nila ni Diego.
Read: Barbie Imperial confirms breakup with Diego Loyzaga; reveals love lesson learned
February 9, 2022, sinabi ni Barbie na maayos silang naghiwalay ni Diego.
Diretsong pag-amin ng Kapamilya actress, "We broke up na, break, wala na kami.
"Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay.”
Napagkasunduan daw nila ng ex-boyfriend na tapusin na ang lagpas isang taong relasyon nila dahil marami pa silang kailangang pagtuunan sa isa’t isa.
Saad ni Barbie, “Okay naman, I think it's for the better naman.
"And even si Diegs naman, alam niya naman yun na parang marami pa kaming kailangang matutunan and kailangan pa namin na mag-grow apart."
Read: Barbie Imperial breaks silence on split with Diego Loyzaga: “Hindi naman siya bad breakup.”
February 16, 2022, in-unfollow ni Barbie si Diego sa Instagram.
Bukod dito, binura na rin nito ang lahat ng posts niya kasama ang dating nobyo.
Read: Barbie Imperial unfollows ex-boyfriend Diego Loyzaga on Instagram; wipes out his photos, videos
ANA JALANDONI-KIT THOMPSON

March 18, 2022, nabulabog ang mundo ng showbiz sa balitang sinaktan diumano ni Kit Thompson ang kanyang girlfriend, ang sexy star na si Ana Jalandoni.
Ayon sa nakausap sa telepono noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang police officer ng Tagaytay City Police, sinabi nitong ganap na 6:29 a.m. nang makatanggap ng tawag ang 911.
Ito ay tungkol umano sa isang babaeng sugatan at humihingi ng tulong, pero hindi pa sila makakapagbigay ng detalye dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Mabilis na rumesponde ang Tagaytay Police kaya napag-alamang si Ana ang biktima sa insidenteng nangyari sa Amega Hotel sa Km. 54, Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City.
Isinugod si Ana sa Tagaytay Medical Center para gamutin, samantalang dinala si Thompson sa Tagaytay Police Station para imbestigahan.
Bago nailigtas si Ana, nagawa pa nitong humingi ng tulong sa mga kaibigang pinadalhan niya ng litratong magpapatunay na sinaktan siya dahil sa mga sugat sa mukha niya.
Nagmamakaawang mensahe ni Ana, “Please help me! Please call police!!! Keith is killing me. Please please help me.”
Nagbilin ang sexy star na huwag siyang tawagan sa kanyang cell phone dahil baka magising ang boyfriend niya.
Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson
Tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas nang isiwalat ni Kit sa kanyang Instagram account noong December 15, 2021 na may relasyon na sila ni Ana.
Read: Kit Thompson reveals relationship with Ana Jalandoni
Selos ang posibleng dahilan ng panggugulpi umano ng aktor na si Kit sa girlfriend na si Ana.
Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng Tagaytay City Police kaugnay ng kaso ng celebrity couple.
Read: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson
JAKE CUENCA-KYLIE VERZOSA

April 17, 2022, ikinabahala ng mga tagasubaybay nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa ang isang cryptic tweet ng Miss International 2016.
Maiksi man ang nasabing tweet ni Kylie, nagdulot ito ng hinalang baka may pinagdadaanan ang magkarelasyon.
Tanging tweet ng beauty queen-actress: “Broken”
Read: Kylie Verzosa's "broken" tweet sparks breakup rumors with boyfriend Jake Cuenca
At noong April 23, 2022, totoong nauwi na sa hiwalayan ang dating matamis na pagmamahalan nina Jake at Kylie.
Read: Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca
Tatlong taon naging magkasintahan ang dalawa.
Si Jake mismo ang nagkumpirma na totoong break na sila ni Kylie.
"This was us," bungad ni Jake sa kanyang Instagram post na may kalakip na picture ng miniatures nila ni Kylie kasama ang dalawa nilang alagang aso.
May picture din silang magkahawak-kamay.
Ayon kay Jake, hindi madali ang desisyon nilang maghiwalay ni Kylie.
"I’ll hold on to all our precious memories together with so much value.
"This past 3 years of my life have certainly been the best.
"I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways," anunsiyo ni Jake.
Hiwalay man ang landas nila ngayon, sinabi ni Jake na nananatiling mabuti silang magkaibigan ng ex-girlfriend.
"I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger.
"We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets, only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to.
"I will still be here to support you because in so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success.
"I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. As friends."
Dagdag pang mensahe ni Jake para kay Kylie: "Wherever you are or what ever your doing I will always be sending you love and positivity.
"Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie."
Read: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa
Pero hindi binanggit ni Jake na ang former Miss International-turned-actress ang nakipag-break sa kanya.
Isang malapit kay Jake ang nagkumpirma sa Cabinet Files report na si Kylie ang nagdesisyong tapusin ang relasyon nila ng aktor, na apektadong-apektado sa nangyari, base sa kanyang mga social media post.
Read: Source: Si Kylie Verzosa ang nakipag-break kay Jake Cuenca
Sa vlog ng It’s Showtime host na si Vice Ganda na lumabas noong May 30, 2022, nagbigay ng ilang detalye si Kylie sa breakup nila ng boyfriend matapos ang halos tatlong taong relasyon.
Hindi raw inaasahan ni Kylie na mauuwi sila sa hiwalayan dahil labis-labis ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Nakita ba niyang hahantong sila sa paghihiwalay ng landas?
Sagot ng Miss International 2016, “Akala ko siya na. Alam mo yung ganun? Hindi masyado.
“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak, akala ko siya na, pero… tsaka nagmahalan kami, we loved each other.
“Sobrang happy kami sa relationship, and sobrang grateful ako sa relationship. Hindi ako in shock, pina-process ko pa talaga lahat, process siya.”
Mutual daw ang hiwalayan dahil pinag-usapan nila ni Jake ang lahat bago lisanin ni Kylie ang condominium unit ng aktor.
Read: Kylie Verzosa finally opens up about breakup with Jake Cuenca: "Akala ko siya na."
September 2019 nang umamin ang dalawa na may relasyon na sila.
Read: Jake Cuenca on spending ECQ with Kylie Verzosa: "Parang ganito na pagka kasal na."
RABIYA MATEO-JERIC GONZALES

June 20, 2022, lumakas ang bulung-bulungang hiwalay na sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Kapuso actor Jeric Gonzales.
In-unfollow kasi nina Rabiya at Jeric ang isa't isa sa Instagram, na isang batayan sa estado ng relasyon ng showbiz couples.
Binura rin ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric sa Instagram account niya.
Ilang araw ang lumipas, si Jeric naman ang nagbura ng mga larawan nila ni Rabiya sa kanyang account.
Kasunod ito sa naging usap-usapan ang kumalat ang ilang cozy photos ni Jeric kasama ang isang di kilalang lalaki na inuugnay ng netizens sa aktor.
Kabilang sa mga larawang kumalat ang naghahalikan sila sa labi.
May mga netizen na kumuwestiyon kay Jeric at pati na sa relasyon nila ni Rabiya.
Akusa pa ng ilan ang diumano'y panloloko ni Jeric kay Rabiya.
Pero may ilan ding tagapagtanggol si Jeric na nagsasabing hindi dapat bigyang malisya ang kumalat na photos ni Jeric dahil eksena lamang daw iyon sa indie film ng aktor noong 2020.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales break up after only three months of relationship?
Pero bago ito, noong May 29, may malamang hugot si Rabiya tungkol sa kanyang pagtitiis sa isang bagay na hindi niya umano deserve.
Nagpakawala ang beauty queen ng sentimyento sa kanyang personal na pinagdadaanan.
Nitong nakaraang September 2022, napanatili naman daw nina Jeric at Rabiya ang kanilang pagkakaibigan.
Ito ang sinabi ni Jeric matapos napabalita ang hiwalayan nila noong June 2022.
Sa Updated with Nelson Canlas, sinabi ng aktor na nananatili silang magkaibigan ni Rabiya matapos silang maghiwalay.
Sabi ni Jeric sa GMA News reporter na si Nelson Canlas, “After what happened, of course the controversies and the issues, nag-stay kami na friends, good friends.”
Inusisa rin ang Kapuso aktor kung nagkabalikan ba sila ng dating girlfriend.
Sagot ni Jeric, “Ang hirap sabihin na nagkabalikan. Mas gusto lang muna namin sabihin na we're good friends and we support each other and we still have a good relationship as friends dito sa showbiz.”
Giit niya, hindi bad breakup ang nangyari sa kanila.
Saad pa ng aktor, "Hindi kami yung nag-break as in wala na talaga, nag-away, ganun. We want it private na ganito lang na we're in good terms.”
Tanong pa sa kanya: posible palang maging good friends muli ang mag-ex?
Tugon ni Jeric, “Yes, kasi kami, wala naman talaga kaming pinag-awayan, pinagtalunan na ano, issue.
“Siguro, priorities lang talaga as of now kasi we're both busy. Pagka nagkaroon pa ng ibang isyu sa showbiz ang hirap, e, maraming taong nakikialam, maraming issues na darating sa kanya, sa akin.
"So, mas healthy na ano, focus kami sa work pero at the same time, okay naman kami.”
Read: Are Jeric Gonzales and Rabiya Mateo back in each other’s arms?
Isinapubliko nina Rabiya at Jeric ang relasyon nila noong March 16, 2022. Pero ayon sa isang source na malapit sa aktor, noon pang November 2021 nagsimula ang kanilang relasyon.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple
Ang latest ay nagkabalikan na umano sina Rabiya at Jeric, at patunay nito ang larawan nila nang manood sila ng Eraserheads concert nito lamang December 22, 2022.
Read: Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, magkasamang nanood ng Eraserheads concert
HEART EVANGELISTA-CHIZ ESCUDERO

Unang linggo ng Agosto 2022, marami ang nakapansing tinanggal ni Heart Evangelista sa Instagram handle niya ang apelyidong Escudero.
May isang post din siya sa kanyang IG story noong August 8, 2022, na wala siyang suot na wedding ring.
Noong nakaraang Thanksgiving Gala Night ng GMA-7 last July 30, 2022, may mga nagtatanong din kung may problema ba sina Heart at Sen. Chiz Escudero.
Kapansin-pansin daw kasing hindi gaanong ngumingiti si Heart na parang wala ito sa mood.
Read: Heart Evangelista's OOTDS at #GMAGalaNight possibly cost around PHP15 million
Naiipon ang mga ganoong obserbasyon kaya naiintriga ang karamihan kung okay ba ang mag-asawa.
Read: Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?
Noong nakaraang September 2, 2022, malaman ang mga naging pahayag ni Heart sa kanyang YouTube vlog.
Dalawang beses niyang idiniing may pinagdadaanan siyang “personal stuff” lately, pero sinisikap niyang maging positibo.
Walang direktang sinabi si Heart kung ano ang pinagdadaanan niya, pero makahulugan ang mga salita niya.
Idiniin ng Kapuso actress ang hangad niyang maging independent at empowered woman, at sinusulit ang oras kasama ang kanyang dalawang alagang aso.
“I’m not gonna lie, I’ve been going through, like, a lot of personal stuff in my mind,” sabi ni Heart.
Sa kabila nito, aniya, “I’m still very, very grateful.”
Nagpapakapositibo raw siya.
Sinabi pa ni Heart na “less filtered” pagdating sa YouTube kaya mas nagiging totoo siya.
Giit muli ni Heart: “And I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles…
“Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy.”
Bukod sa mga pahayag ni Heart tungkol sa pagiging independent woman, nakapagtataka ring hindi niya binanggit ang pangalan ng mister na si Senator Escudero.
Kaugnay nito, umugong ang isyung may pinagdadaanan ang mag-asawa nang tanggalin ni Heart ang apelyidong Escudero sa kanyang Instagram handle noong Agosto.
Samantala, itinanggi naman ng mga taong malapit kay Heart na may problema ang mag-asawa.
September 8, 2022, nagsalita naman ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco kaugnay sa alingasngas na diumano’y may pinagdadaanan ang mag-asawa.
Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi ng ina ni Heart na ipinagdarasal niya ang dalawa.
Alam din daw niyang “mature and grounded person” ang manugang na si Chiz kaya maligaya siya para kay Heart.
Pahayag ni Cecile, “It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK!
"I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”
Nilinaw naman ni Cecile na wala siyang alam kung may isyung namamagitan kina Heart at Chiz.
Diin niya, “I have not spoken to anybody.”
Dagdag pa sa ulat, walang ilalabas na pahayag ang opisina ng mambabatas sa Senado.
Read: Cecile Ongpauco reacts to rumored marital problem of daughter Heart Evangelista and Chiz Escudero
Noong October 11 naman, nagtanong ang netizens dahil tila walang birthday greeting si Heart para sa mister na si Senator Escudero.
Mula nang ikasal sila, taun-taon ay laging may sweet birthday greeting post si Heart para sa kabiyak.
Pero noong October 10, 2022, nagdiwang ng kanyang ika-53rd birthday si Chiz, pero napansin ng netizens na walang pagbati si Heart.
Kapansin-pansin namang aktibo si Heart sa pagpo-post sa kanyang social media accounts, ngunit kadalasa'y ukol ito sa fashion.
Ilang buwan na ring usap-usapang on the rocks umano ang marriage nina Heart at Chiz.
Pero hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng magkabilang kampo ukol rito.
Read: Heart Evangelista no greeting post for Chiz Escudero’s birthday; Chiz still wears wedding ring
OTHER BREAKUPS
Ang iba pang pinag-uusapang hiwalayan ay sa actress-influencer na si Zeinab Harake at singer-rapper Skusta Clee; basketball superstar Kiefer Ravena at volleyball superstar Alyssa Valdez; beauty queen Beatrice Luigi Gomez at DJ Kate Jagdon, at aktres na si Maxene Magalona at Rob Mananquil.
