Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa Facebook account ni Andrew Schimmer matapos ang post ng aktor na nagpapahiwatig ng pagpanaw ng kanyang partner na si Jho Rovero.
Lagpas isang taong nakipaglaban si Jho sa kanyang sakit na severe hypoxemia na nauwi sa iba’t ibang kumplikasyon.
Ngayong Martes ng hapon, December 20, 2022, isang nakakadurog ng puso na mensahe ang ibinahagi ni Andrew sa Facebook.
Sa nasabing post, makikita sa larawan ang mga kamay nina Andrew at Jho, suot ang wedding rings na ibinahagi ng aktor sa nauna niyang post.
Mensahe ni Andrew sa caption: “The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promse, together forever. [broken heart emoji]”
Ilang minuto pa lamang ang post ni Adnrew ay umabot na agad sa halos 100,000 ang reactions dito at 20,000 comments ng pakikidalamhati sa kanya.
Nitong nakaraang December 12, inanunsiyo ni Andrew ang kanyang paghahanda sa pagpapakasal nila ni Jho.
Read: Andrew Schimmer intends to marry Jho Rovero despite her medical condition
Ito ay kahit nakaratay pa sa ospital si Jho dahil sa kakaibang karamdaman.
Lagpas isang taon na sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City na naka-confine si Jho mula pa noong nakaraang November 2021.
Read: Andrew Schimmer seeks financial help for wife's hospital bills
Sa isang medical update ng aktor sa Facebook noong November 17, 2022, sinabi nitong nasa magandang kundisyon na ang digestive system ni Jho.
Bukod pa rito, very stable na rin ang blood pressure at oxygen saturation ng asawa. Hindi na rin daw ito manas.
Pakiramdam daw ni Andrew ay lumalaban talaga si Jho para mabuhay.
Noong October 10, nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center, Taguig City si Jho.
Pero pagkalipas lamang ng isang linggo, muli niya itong isinugod sa ospital para mag-stabilize ang heart rate nito.
Read: Andrew Schimmer’s wife back to hospital one week after coming home
