Nang mag-host si Boy Abunda ng Show & Tell noong 1994-95 at Startalk noong 1995-1999 sa GMA-7 ay hindi pa tinatawag na "Kapuso Network" ang nasabing istasyon.
Ano ang pakiramdam niya ngayong isa na siyang certified Kapuso matapos pumirma ng kontrata sa Siyete?
Read: Boy Abunda on TV comeback: "I'm not afraid to start again"
“Paano ba sasagutin yan?” sambit ni Boy sa mediacon noong Disyembre 15, 2022, Huwebes ng gabi, sa Astoria Plaza, Pasig City.
“Ahhmm, masaya. I’m in a happy place… Una muna, overwhelmed ako sa lahat ng nangyayari ngayong araw sa pag-welcome sa akin, buong puso ng pamunuan ng GMA-7.
“Galing kami sa istasyon. Mula kay Atty. [Felipe] Gozon, kay Jimmy Duavit na isang kaibigan ko, si Mr. [Bobby] Yalung, napakaraming officers ang naroon.
“Ako’y nagpapasalamat. So I’m grateful if you’re asking me how I feel… Ako’y nagpapasalamat, I’m happy but it would be a lie if I don’t say walang kahit katiting na pangamba. Meron.
“Dahil may expectations na kung anong magaganap. Parang walang room for… masyadong gestation period, ika nga. Because people know what they want from me siguro.
“Pero kami, lalo na ako, I am at a point in my life when, kailangan, we have to deliver whatever it is. We don’t know yet what it is but we will continue to work hard. We’ve been working hard.”
Ikinatuwa ni Boy na marami sa makakatrabaho niya sa pagbabalik-GMA ay nakatrabaho niya noong 1990s pa sa Show & Tell at Startalk.
“Yun yung feeling ko, I wanna start tomorrow, you know that kind of a phase,” saad ni Boy.
“So, alam ko kung saan kami pupuwesto. Ano ba talaga ang puwede naming magawa given the givens dahil hindi na ito yung panahon nung… hindi ko naman alam yung ginagawa ko nung ginagawa namin ang Show & Tell.
“Nagsayaw pa ako. So, ito’y kakaibang panahon, kakaibang environment, ika nga.
“So, nandoon yung excitement, nandoon yung gratitude. Nandoon yung trepidation, ika nga. Halu-halo yung pakiramdam.”
FULL CIRCLE
Sa pagbabalik ni Boy sa GMA-7, sinasabing he has come full circle. Pakiramdam ba niya ay lubha siyang pinagpala dahil nagawa niya iyon?
“Yeah, it comes from this whole notion that you go back to where you started,” pag-ayon ni Boy.
“I have come full circle because I started with GMA, my talk show career, and I’m back right now.
“It’s fulfilling again, it’s fulfilling but it humbles you. And it humbles you because you didn’t do it alone.
“Hindi naman ito yung nakarating ako kung sino ako at kung ano man ako ngayon… sabi ko nga kanina, I am who I am, nakatapak pa rin ang paa ko sa lupa.
“I am where I am not because I did it alone. Narating ko ito because I am a beneficiary of the kindness, of the mentoring, of the love, of the patience of so many people.
“Alam nila yun. Ang dami kong pinagdaanan, including the experiences, the good and the bad ones. Lahat yan nagiging kasama doon sa kung sino ka man ngayon. And I am no exception.”
ON NEGOTIATING WITH GMA-7, LEAVING ABS-CBN
Saan siya mas nahirapan: sa pakikipagnegosasyon sa GMA o sa pagpapaalam sa ABS-CBN?
Napabuntong-hininga si Boy, “Pareho. Pareho… hindi dahil sa… yung negosasyon namin sa GMA-7 was difficult, inabutan kami ng COVID.
“Kasi just to be very clear, we started talking pre-COVID pa ito. Matagal… can I say that? Yun naman ang totoo talaga, oo.
“Pero ang usapan namin noon was kumustahan, ‘Libre ka na ba?’ And then we would forget about it. And then we would just joke about. Pakiramdaman at saka magalang. Yun yung difficulty doon. Nangyari ang COVID.
“Goodbyes are hard in any language. Saying goodbye. Lalo na sa personalidad ng katulad nating marami. Ayaw nating makasakit.
“Pero ako, nakipag-usap ako nang mahusay. Nagpaalam ako nang mahusay. At nagbabalik ako nang mahusay.”
Read: Boy Abunda, maayos na nagpaalam sa ABS-CBN bago bumalik sa GMA-7
WHAT SHOW HE WILL DO ON GMA-7
Nakipag-brainstorm na si Boy sa mga makakatrabaho niya sa pagbabalik-GMA. Napag-usapan na kung anu-anong klaseng content ang pwede niyang gawin.
“Pero wala pa kaming nararating. Dahil ang problema namin ay… sabi ko nga, iba na yung landscape,” paliwanag ni Boy.
“Ang artista ngayon, pag may gustong ibalita, nagpo-post lang. Some start with a cryptic post until it becomes a story. Others would directly post, ‘Buntis ako.’ ‘Galit ako,’ as opposed to what we were, karamihan.
“Kasi karamihan kaibigan ko kayo, as opposed to our time na we would wait for your newspapers, tabloids, and television shows. Antayin natin sa Startalk, antayin natin sa Buzz. It has changed.
“Everybody has become an active participant in the business of news, lalo na in the celebrity business. So, dun kami nahihirapan because the challenge is what do we do?
“Ano ba ang equity natin? Ano ba ang maio-offer natin para tayo’y panoorin? So, nandun kami sa questioning stage.
“Because this has to be done well. And this has to be done deliberately. Pero meron ding hati na eksperimento. Kasi you only know what works until you’re there.
“Bukas lang kami na ito yung balak, dito tayo mag-umpisa. Pero pakikinggan natin kung ano ang tanggap, kung ano ang response halimbawa ng audiences, and then alam natin kung aatras tayo o liliko, o abante, di ba? It’s some kind of a game.”
Ang mga artista ngayon, nag-iinterbyu ng kapwa celebrities para sa kani-kanyang vlog.
“But we have to find out kung ano ang kulang. Halimbawa, sabi ko nga sa aking mga bosses, kina Janine [Piad-Nacar], Bang [Arespacochaga], kina Lilybeth [Rasonable] — 'Ano ba ang ginagawa ngayon?'” pagmamatwid ni Boy.
“Kailangang aralin, di ba? What’s happening in the environment now? Yes, there is analysis. But are we happy with that analysis? Sino ang pagkakatiwalaan natin?
“Meron namang komentaryo, halimbawa, but who are the commentarists that we listen to? So aaralin natin, at ano ang pinapanood? Gigitna ba tayo o uuna ba tayo o makikiramdam tayo?
“So the dynamics in terms of reporting, in terms of… halimbawa, let’s focus on the entertainment reportage. Nabago na rin, e. So yun ang aaralin namin. “Yun ang aaralin namin quick. Kailangan mabilis.”
FROM DIGITAL MEDIA TO TELEVISION
Marami ang nagpi-pivot patungo sa digital media. Bakit bumalik pa si Boy sa telebisyon?
Read: Boy Abunda on rumored return to GMA-7: "I wanna go back to television."
Napangiti ang King of Talk, “It’s an entirely different power. I believe in the magic of television. Ang training ko kasi, telebisyon. So, hinahanap-hanap ko talaga.
“Hinahanap ko yung disiplina siguro. Kung hindi man disiplina, hinahanap ko siguro yung how it is to do a television.
“I got into social media, I got into YouTube, I got into TikTok, I got into Facebook. Pero alam ng marami na hindi ako native but I know enough to be able to engage on various platforms.
“Pag gumagawa nga ako ng YouTube, three-cam set-up ako, e. Sanay ako sa ganun.
“Hindi ko sinasabi na one is more or less than the other. Mas kilala ko lang ang telebisyon. And I wanted to go back to television. I wanted to go back to what I used to do.”
