“All I want for Christmas is love, is jowa,” natatawang sagot ng mahusay na actress/singer na si Agot Isidro sa tanong kung ano ang gusto niyang matanggap ngayong Kapaskuhan.
Natatawa pang sabi niya nang siguraduhin namin kung hindi ba siya nagbibiro lang, “Oo, manifesting 2023.”
Kaya sabi namin kay Agot nang makausap namin siya sa naging mediacon ng 2022 MMFF entry na Family Matters na nasa lovelife goals pala ang susunod na taon para sa kanya.
“Oo, nasa ganun,” pag-amin niya.
“Kasi parang ano na ako, e, complete. Actually, I’m happy being alone but hindi ba, parang masaya rin na may kasama.”
Divorced na si Agot noong 2010 pa sa kanyang dating asawa na si Manu Sandejas. Ang huling napabalitang naging karelasyon niya ay ang tumakbong Senator noong 2019 na si Pilo Hilbay, pero nauwi rin sa hiwalayan.
Ilang taon na rin siyang single at dumarating din pala yung panahong gugustuhin niya talaga na may "special someone."
“Hindi ko naman siya talagang actively hinahanap. It would be nice, it would be pleasant, it would be a gift,” paglinaw niya.
AGOT NOT CLOSING HER DOORS TO LOVE
Kinumusta namin si Agot kung kailan dumating sa kanya ang pakiramdam na "okay na, gusto ko na muling pumasok sa bagong relasyon."
“Actually, wala lang, gusto ko lang,” sabi niya.
“Maybe, siguro holiday season, kaya medyo nararamdaman ko ang lungkot.
"Pero konti lang naman. Pero kapag inisip mo na baka naman kaya hindi ibinibigay sa iyo kasi, hindi ka pa handa, parang okay ka naman being alone.
But then, yun nga siya, parang it would be nice.”
At choosy pa rin naman daw siya.
“Oo,” saad niya. “At this point, parang I will not compromise. Kasi okay naman nga ako.”
Ang pagiging mabait ang isa pa rin sa unang katangian na hinahanap daw niya sa magiging partner.
“Basta kind—mabait. Okay ako sa kanya, okay siya sa akin. I don’t have to change. Matanda na ako, mahirap na akong magbago,” natawa niyang sabi.”
Dugtong pa niya, “That’s why hindi ko nako-compromise dahil okay ako as myself and being alone. I’m happy with myself.”
AGOT AMAZED BY NETIZENS POSITIVE RESPONSE TO FAMILY MATTERS TRAILER
Ang Family Matters ang isa sa mga entry ngayon sa MMFF na may napakaraming views ang official trailer. Mahigit 35 million views na ito sa pinagsama-samang platform.

Masaya raw siya rito kahit na sabihin pa na hindi naman sila malalaking artista sa cast.
“Tama naman si Tito Noel, walang big star sa amin, di ba? I mean, we’re all stars in our own rights. Pero, hindi kami yung parang superstar.
“So nakakaano na ang talagang nagdadala, yung story. 'Tapos, kasama namin ang isa’t isa na ang saya rin naman, so hindi namin inaarte.”
Natatawang sabi pa niya, “Actually, pinipigilan pa nga kami ni Direk. Parang tama na ang chika. 'Magtrabaho na tayo,' yung ganun.”
Pero sabi namin, kung minsan yung napakaraming views sa social media, minsan ay hindi natutumbasan ng mga taong magbabayad at manonood sa mga sinehan.
May kaba rin siya pagdating sa box-office?
“Well, sana mag-translate talaga,” positibong sagot niya.
“And I think naman, kunwari, konti lang ang manonood in the beginning, kunwari… pero word of mouth. Kasi, talagang we’re so proud of it.”
Sa awards ay posible silang humakot?
“Ay, parang wala naman kaming ganung goal na hahakot tayo rito or galingan natin, walang ganun. Talagang it was all fun.”
