PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda on bashings he got during the campaign season

Boy Abunda mourns the passing of partner Bong Quintana's mother.
by Jerry Olea
Published Dec 16, 2022
boy abunda bashers
Boy Abunda on staying friends with people who have different opinions: “Palagay ko, mas marami akong kaibigan. Iilan-ilan lamang… at nagdadasal ako na hindi masyadong malalim yun, nagdadasal ako na sana yung pagkakaiba-iba natin ng pananaw, our different opinions… sana, will not define our relationships."
PHOTO/S: Jerry Olea

Napaluha si Boy Abunda nang kumustahin ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa mediacon nitong Disyembre 15, Huwebes ng gabi, sa penthouse ng Astoria Plaza, Pasig City, kaugnay sa pagbabalik niya sa GMA Network.

Masaya siyempre ang King of Talk na magbabalik-TV na siya sa Enero 2023. Andiyan ang excitement sa mga haharaping challenges.

Pero sa kabila ng kaytatamis niyang ngiti, meron pa ring kumukurot sa puso. Kumusta siya ngayon?

“OK na hindi OK,” gumaralgal na sambit ni Boy, at pumatak ang luha sa kanyang mata.

Humugot si Boy nang malalim na buntong-hininga, tila tinimbang na mabuti ang kanyang saloobin at damdamin, “Ahhh… wow! Tama ka, I’m OK but I’m not OK.

“OK ako dahil napakalaki nitong pagsalubong sa akin ng GMA-7. I am deeply, deeply grateful. Mula kay Atty. [Felipe] Gozon, kay Lilybeth [Rasonable] hanggang Ardie, kay Cesar Cosme na nakasama namin sa mga meetings. Kay Loi, kay Bang, kay Janine, lahat-lahat-lahat-lahat. Kay Rommel, kay Reylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m OK and ahhh… I am honored. I am deeply honored by the welcome that I have been given. I’m deeply, deeply honored.

“But I’m not OK. I’m not OK dahil… ahhh… dahil nakipag-iyakan din ako habang nagpapaalam.

“Pumanaw ang nanay ni Bong [Quintana], my partner, kahapon. It’s not easy. These are tough times.

“And ahhh… kase-celebrate lang namin nung death anniversary ng nanay.

“Katulad ng marami, alam mo yun, halu-halo ang pakiramdam mo. Kanina nga, paalis ako ng bahay, si Bong has a runny nose.

“Sabi ko, ‘Mag-iingat ka,’ kasi nandito pa rin talaga tayo sa gitna ng pandemyang ito.

“So, bumabalik ako from not OK to OK, to not OK, to OK. Dahil nalampasan natin. Lumaban tayo nang maayos.

“Nami-miss ko ang nanay. Yun.”

Pumanaw ang ina ni Boy na si Licerna Capito Romerica Abunda o Nanay Lesing noong December 1, 2019. Siya ay 90 taong gulang.

Read: Boy Abunda's mother, 90, passes away

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON 2022 PRESIDENTIAL ELECTIONS INTERVIEWS

Early this year, habang kainitan ang kampanya sa presidential elections, bugbog at durog si Boy sa mga batikos.

Ito ay may kaugnayan sa paraan umano niya ng pag-i-interview sa presidential candidates, partikular na Leni Robredo at Ferdinand Marcos Jr., na siyang nanalo sa eleksyon.

Related Stories

Nanahimik si Boy. Hindi niya sinagot ang mga pang-aalipusta at pangungutya sa kanya.

Sasagutin pa ba niya iyon sa tamang panahon upang ilahad ang kanyang panig?

That’s for another engagement. Pero tama ka, I will have to tell my story at one point,” makahulugang pagngiti ni Boy.

“I will have to tell my story. Bugbog ako sarado. Lahat na yata ng salita, nagamit na laban sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero ipinagtanggol din ako ng maraming tao.”

Marami ang nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya, ang nakakaalam ng kanyang tunay na kalooban.

“Maraming nagmamahal. Marami ang pumukol, nambugbog, lahat na ng klase ng pananakit,” pag-amin ni Boy.

“Pero dun ko na-realize na iba na talaga ang mundo. Dun ko rin na-realize na hahawak ako, aangkla ako dun.

“Sa mga taong mahal ko. Sa mga taong… kaya katulad halimbawa, somebody asked me earlier, ‘How do you handle bashers?’ Sabi ko… hindi naman bashers. ‘How do you handle somebody like Bong?’

“You know, Bong my partner of many years would tell me after, halimbawa, a good interview, I felt I did a good interview, sabi ko, ‘Bobong, ganda ng interview ko!’ ‘Ganda mo!’ ‘Gago ka pa rin!’

“You know, somebody who doesn’t take you seriously but who treats you the way you are.

“Ahhh kaya ang ipagmamalaki ko lang sa lahat ng pinagdaanan ko — taas-baba ng karera ko, gusto mo man o hindi ang trabaho ko — may inuuwian akong pamilya at mga tao who love me without conditions.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON FRIENDS WHO STOOD BY HIM

Sa mga pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan, nanatili ba lahat ng kaibigang nagmamahal sa kanya?

Meron bang mga bumitaw dahil sa pagkakaiba nila ng pananaw? O mas marami pa rin iyong nagpapahalaga sa kanya bilang tunay na kaibigan?

“Palagay ko, mas marami akong kaibigan,” tugon ni Boy.

“Iilan-ilan lamang… at nagdadasal ako na hindi masyadong malalim yun, nagdadasal ako na sana yung pagkakaiba-iba natin ng pananaw, our different opinions… sana, will not define our relationships.

“Naalala ko lamang yung isang symposium that I hosted during COVID, ahh, pre-election ito. It was an Asian forum, Zoom lang that I moderated, and we were talking about polarization, yung pagkakahati-hati, pagkakahiwa-hiwalay.

“Na sa Singapore daw ay ang polarization ay benign, samantalang sa Pilipinas ay predatory.

“Na pag hindi mo halimbawa naintindihan ang choice mo, bobo ka. Or bobo ako.

“Ahh palagay ko, bahagi ito ng paglalakbay natin towards let’s say political discourse. But mature political discourse, or mature behavior as a country, as a people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bahagi yun, hindi naman kasi ako pikon, e. Ito, napag-uusapan natin. Natawag na ako ng lahat — mula bobo to pangit to laos, hindi marunong mag-interbyu.

“Lahat iyan, lahat iyan. I’m not saying that I wasn’t hurt. Masakit! Masakit yun.

“Pero… you get used to pain at a certain point in your life. You get used to pain and… you learn how to pray.

“And you learn how to use that pain. Ako, desisyon yun, e. It was a deliberate decision that… that pain I was going to use for me to become a better person.

“Lalo na sa kalagitnaan ng COVID when I was so unsure and all of us were unsure and uncertain as to what was going to happen.

“Earlier today also somebody asked me what’s the most important lesson I learned during COVID.

“Sabi ko, I take it from Bill Gates, hindi, hindi ko naman original yun. He did a speech at hindi naman ganun ang pagkasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘All of us had to contend with our platitude.’ Simply said and I agree with him, the most important lesson I learned during COVID was that… that realization na lahat tayo, mamamatay.

“That we are on borrowed time. So my deliberate decision is that knowing, cognizant that I am not going to last forever, I want to be kinder.

“I want to be more fair. I want to be more compassionate. I know it’s not going to be a perfect journey to become a better person than who you are today but I will try.

“I will try to be better.”

BOY ABUNDA'S PRAYER

Sa mga realization niyang ito, ano pa ang ipinagdarasal niya? May hinihiling pa ba siya, o ipinagpapasalamat na lamang niya ang mga biyayang natatanggap? Ipinapaubaya na sa Panginoon ang mga bagay-bagay?

“My prayer is really saying ‘thank you.’ As Maya Angelou would say, ‘thank you’ is the language that you use at the presence of God,” saad ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I just really say ‘thank you.’ Ang wish ko, ahh palagay ko wish nating lahat — mabuhay lang tayo nang maayos, malusog, walang sakit.

“Pumapangalawa na lahat yung, ahh, sana maging matagumpay ang aking palabas sa GMA 7.

“Sana, hindi ako masyadong bugbugin ng mga hindi nakakakilala sa akin, na wala akong utang na loob at marami pang iba, at kung anu-ano pang masasakit na mga salita.

“How do I handle that? Hindi naman ako nagbabasa, e. Hindi talaga ako nagbabasa. I have a very strong support system that gives me fair, honest feedback.”

Read Also:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda on staying friends with people who have different opinions: “Palagay ko, mas marami akong kaibigan. Iilan-ilan lamang… at nagdadasal ako na hindi masyadong malalim yun, nagdadasal ako na sana yung pagkakaiba-iba natin ng pananaw, our different opinions… sana, will not define our relationships."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results