Hindi makapaniwala ang singer-songwriter na si Ice Seguerra sa sinapit ng kanyang alagang asong si Choppy.
Sa Instagram nitong Miyerkules, December 14, 2022, inihayag ni Ice ang kanyang lungkot at pangungulila sa pagpanaw ng alaga na biktima ng hit-and-run.
Kalakip ng kanyang post ang masasayang litrato nila ni Choppy noong nabubuhay pa ito.
Mababasa sa caption ni Ice: "My sweet boy, Choppy, was killed today.
"He was a victim of a hit and run.
"I still can’t believe this is happening."
Dagdag pa niya, "Durog na durog ako. Choppy ko… akala ko pag-uwi magkasama na tayo ulit.
"Sobrang sakit, Chop."
Hindi ito ang unang pagkakataong mamatayan ng alagang aso si Ice.
Noong January 2022, pumanaw rin ang kanyang alagang 13-year-old pug dog na si Porky.
Ayon sa singer, enlargement of heart at lung problem ang sanhi ng pagkamatay nito.
Samantala, sa comments section ng post ni Ice tungkol sa pagpanaw ni Choppy ay bumuhos ang pakikiramay at pakikidalamhati ng kanyang mga fans at co-stars.
Komento ni Gary V, “WHAT?!?!?!?!! OMG Ice!!! I’m so sorry about this. Love you Ice.”
Sabi ni Martin Nieverra, “Oh my god Ice! I am so so so sorry. My heart breaks with yours. I don’t know what else to say. My thoughts and prayers are with you.”
Mensahe ni Jed Madela, “Oh nooooooo!!! Yakap, Ice.”

