Napagtanto ng magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte na hindi sila dapat magpaapekto sa bashers.
Iyon daw ang bagay na natutunan siya sa My Teacher co-star na si Toni Gonzaga.
"Hindi ko rin makakalimutan yung sabi ni Ate Toni na may nabasa din siyang post ni Ed Sheeran, yung caption na yung mga tao pag lagi mong pinu-post yung life mo personal, wala silang ibang ginagawa kundi sirain yung mga magaganda.
"Hindi lahat dapat sini-share kasi kahit maganda, lahat naman ng tao may masasabi, so better na low-key na lang," saad ni Loisa sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Going strong ang relasyon nina Loisa at Ronnie.
Ano ang sikreto ng anim na taon nilang relasyon?
Sagot ni Loisa, "Para sa akin kay Ronnie, yung pagsasama namin siguro. Hindi kami nagsasawa at saka ready kami mag-explore parehas din.
"Kaya yun siguro yung the best sa relationship namin at saka kay Ronnie, hindi siya yung parang KJ [kill joy], parang ganyan. So, yun yung best para sa akin,” tapos ni Loisa.
Sabay rin daw silang naggro-grow pagdating sa kanilang showbiz career.
"Yun din yung maganda," komento pa ni Loisa.
- Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nawalan ng 1B cryptocurrency dahil sa basag-kotse gang
- Loisa Andalio, Ronnie Alonte on basag-kotse gang experience: "Nambiktima sila ulit."
loinie for mmff 2022
Magkatambal din sina Loisa at Ronnie (LoiNie) sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry na My Teacher. Iprinodyus ito ng film companies nina Paul Soriano at Toni Gonzaga, ang TEN17 at Tincan Productions.
Bida sa pelikula si Toni at director naman si Paul.
"Kakaibang experience ito sa amin. First time din namin sila maka-work talaga, yung mga staff, yung TEN17 crew, first time namin mag-meet.
"And sobrang saya kasi yung pag-welcome nila sa amin magaan at hindi ganun ka-pressure," lahad ni Loisa.
Na-enjoy rin daw ni Loisa ang makatrabaho ang veteran comedian na si Joey de Leon.
"Si Tito Joey, hindi ko makakalimutan sa kanya, ang bilis ng utak niya.
"Lagi siyang nag-iisip, nagdo-drawing, nagsusulat. Tapos ang galing niya gumawa ng joke.
"Yung mga words, pagbabaliktarin niya ang ibig sabihin."
First time din makatrabaho nina Loisa at Ronnie si Paul.
Paglalarawan ni Loisa sa direktor, "Napakabait, tapos ang cool lang ng pagdi-direct niya, at saka may tiwala rin siya sa amin ni Ron.
"Yun din yung masarap sa pakiramdam."
NEW ENDORSEMENT
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Loisa sa contract signing nila bilang bagong endorsers ng clinic ng beauty doctor na si Cathy Valencia.
Ginanap ang contract signing sa Cathy Valencia Aesthetic Skin Center sa Icon building sa 25th St., BGC, Taguig City. Eighteen months ang validity ng contract nila.
Feeling happy si Loisa dahil hiyang daw siya sa facials at ibang treatment ng clinic para maging toned ang kanyang arms.
"Sabi nga ni Ronnie sa akin, 'Beh, naka-makeup ka ba?' Walang makeup yun," pagmamalaki ni Loisa.
More stories:
